Chapter Twenty-One

19.8K 292 8
                                    

ANGEL

"Angel, apo, sigurado ka ba talagang handa ni Ken ang bibilhin mo?" Agad akong napalingon kay Lola nang itanong niya iyon. Kasalukuyan kaming nasa fruit section ng supermarket na pinuntahan namin, at namimili ako ng magandang klase ng mangga.


Ang mamahal nga rito, e. Sabi ko nga kay Lola na sa palengke nalang kami pumunta para mas mura ang bilihin, pero tumanggi siya at huwag na raw ako mag-alala dahil sagot niya ang lahat-lahat ng bibilhin namin. Dahil libre na ni Lola ang mga pagkain ay naisip ko na ang pera sana nagagamiton ko rito ay ipangbibili ko na lang ng regalo sa anak ko mamaya roon sa mall.


"Opo naman. Bakit niyo po na itanong?" Takang tanong ko kay Lola at pinagmasdan ang laman ng tulak-tulak kong cart. May mga ingredients naman ng spaghetti, fried chicken fillet, at iba pang ihahanda ko sa munting handaan ni Ken mamaya sa bahay ni Lola.


Tama naman ang laman ng cart ko ah? Maging ang coffee jelly na request nga ni Manang Gina na nag-aalaga kay Ken ngayon sa bahay ay kumpleto na rin dito sa cart. Nakukulangan pa kaya si Lola?


"Apo naman, anong klaseng handaan naman ang gagawin mo? Mango themed party? That's a lot of mangoes. But if you really want to buy those, it's fine qith me. I'm just curious." Sagot ni Lola na kinangiwi ko at muling napunta sa push cart na tulak ang tingin. Doon ko nga napagtanto na marami-raming mangga ang nasa cart ko na. Sobrang tingkad kasi ng kulay nito at matamis ang lasa dahil nakitikim ako ng free taste kanina roon aa salesman.


Mahilig talaga ako sa mangga kaya siguro kung makakuha ko ay grabe. Nakahihiya nga lang kay Lola dahil baka maisip nito na sugapa ako sapagkat nalaman ko lang na libre niya ang grocery namin ngayon. Balak ko rin kasi gumawa ng mango graham float, sadyang marami lang talaga ang mga manggang nasa cart ko kaya siguro nagtaka ng bongga si Lola.


"Naku, Lola! Pasensya na po talaga, natakam lang po ako kasi ang gaganda nila sa mata. Saka po halatang sariwang-sariwa't matatamis. Ibabalik ko na lang po—" nangtatangkain ko na sanang ibalik ng mga mangga ay pinigil ako ni Lola at matamis ding ngumiti sa akin.


"No, apo. It's okay. Kung gusto mo talaga ng mangga, hayaan mo na. Masustansiya naman ang mga iyan." Banggit niya na kinapula ng aking pisngis sa kilig dahil ayos lang kay Lola na kuhanin ko ang lahat ng mangga na nasa push cart ko.


"If you're done, pumunta na tayo sa meat section. Parang nais kong magluto ng kare-kare at caldereta ngayon." Aya ni Lola sa akin kaya agad akong napatango. Saktong tapos na rin naman ako sa fruit section kaya naglakad na kami ni Lola paalis doon. Malayo pa ang meat section sa kinaruruunan namin kaya marami pa kaming nadampot ni Lola. Ang dami niya ring binibili, tulak-tulak ni Mang Joe ang push cart ni Lola. Siya ang driver nito at siya rin ang palaging kasama ni Lola sa lahat ng lakad nito. Parang bodyguard na rin siguro.


Habang patuloy na naglalakad ay napadaan kami sa ice cream section. Nagpakuha si Lola sa mga staff ng tig-tatatlong box ng chocolate, ube, at vanilla ice cream. Mahilig daw talaga siya sa gano'n ice cream kaya stock niya iyon sa bahay. Habang busy naman sila ay napunta sa isang specific ice cream ang tingin ko, iyon ang ice cream na palagi naming kinakain ni Dark. Noong college ay palagi kaming may stock nun, at kahit noong naikasal kami ay palaging may gano'n sa freezer. Kahit hindi kami okay dalawa ay parehas kaming bumabawas sa stock nun sa freezer namin.

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon