Chapter Forty-Two

12.4K 248 28
                                    

ANGEL

Nang ihinto ni James ang sasakyan sa sinasabi niyang magandang pasyalan na nadiskubre niya lang bigla ay agad akong tumingin sa kanya. Maganda ang ngiti niya sa akin bago tanggalin ang suot niyang seatbelt.


"Kapag pasok niyo sa loob ay dumiretso lang kayo sa may garden, makikita niyo roon ang mataas na balcony. Doon ang best spot ng lugar na ito." nang magsalita siya ay gulat ang naging reaksyon ko. Hindi ba siya sasama sa amin sa loob? Ano pa't dinala niya kami rito para mamasyal?


"Hahanap lang ako ng parking, Angel. Bibili lang din ako ng hapunan natin para makakain tayo roon. Gusto kong mauna kayo para makuha niyo ang magandang pwesto sa lugar, deserve natin magpahangin ngayon kaya maganda ang sandaling ito para roon. Isa pa, alam kong magugustuhan ni Ken ang lugar na ito. Tahimik at sariwa ang hangin, maganda pa ang view sa itaas." sagot niya bago pa man ako makapag tanong kaya natawa na lamang ako ng mahina at tumango sa kanya.


Tinanggal ko na rin ang seatbelt na nakasuot sa akin at si Ken naman ay halata na ang excitement sa tuwa. Madilim na ngayon dahil anong oras na, kaya nga nagtataka ako kanina na niyaya niya ako mamasyal sa bagong diskubre niyang lugar ng ganito ang oras.


Nakita ko ang nakalagay sa malaking sign board sa ibabaw ng malaking gate na ito raw ay kilala sa tawag na Paradise Forest. Mukha ngang paraiso dahil base sa mga bulaklak sa paligid at maging ang mga bulaklak na rin sa loob, ang gaganda. Tanaw ko na rito sa labas pa lang na may magandang garden sa loob ng gate.


"May mga sign board sa daanan kaya makapupunta kayo sa sinasabi kong garden ng hindi kayo naliligaw. Iisa lang din naman ang balcony na sinasabi ko kaya madali lang matagpuan. Babalik ako agad." nakangiti pa ring banggit ni James at kumaway pa sa amin ni Ken na narito na sa entrance. Pansin ko na walang tao sa paligid, tila ba pasyalan ito na napag-iwanan na pero patuloy pa rin ang pamumukadkad ng mga halaman.


"P-pasalubong, Papa!" hagikgik na paalam ni Ken kay James kaya natawa rin siya.


"Of course, Kenny! Sige na, magpapark muna ako." paalam ni James at pumasok na muli sa sasakyan.


Nang tuluyan na itong makaalis ay pumasok na kami sa gate, matataas na puno at mga damo ang pumupuno sa paligid gaya lamang ng nasa imagination ko kanina. Mabango ang lugar gawa ng mga iba't ibang bulaklak na narito. Marami ring streets lights ang nasa paligid kaya kahit gabi na ay nakikita pa rin ang kagandahan ng mga bulaklak ng malinaw. Habang naglalakad at pinupuno ng huni ng mga ibon ang katahimikan sa paligid ay narinig kong nagsalita si Ken. Hawak ko ang kamay habang naglalakad na sa sarili niyang mga paa.


He's really growing too fast. I'm happy but at the same time scared. Hindi ko alam kung hanggang kailan niya hindi hahanapin ang presensya ni Dark.


"Mama, (na)panaginipan ko si Dada..." inosente niyang banggit at tiningala ako. Kasasabi ko lamang, ngunit ito na nga agad. Nahinto kami sa paglalakad dalawa. Sa halos dalawang buwan naming wala sa piling ni Dark ay ngayon ko lang muli narinig na banggitin niya iyon na si Dark ang tinutukoy. Matinding konsensya at pagkaawa sa anak ang agad kong naramdaman. Alam kong alam niya kung sino si Dark sa buhay niya kaya nahihirapan ako ipaliwanag sa kanya ang kasalukuyang relasyon namin ng ama niya.


"A-anong nakita mo sa dreams mo, Kenny?" tanong ko at pinantayan ang tayo niya. May lungkot sa ngiti ng anak ko nang ngumiti siya sa akin kaya lalo pang nadagdagan ang bigat sa dibdib ko.

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon