Chapter Twenty-Six

15.5K 290 41
                                    

DARK

It's been almost seven weeks since they left, sa tagal ng pitong linggong iyon ay hindi ko magawang maipaliwanag kung bakit nakakaya ko pa ang lahat ng ito indahin.


Hanggang ngayon ay wala pa ring maibigay na lead sila Daddy sa paghahanap kay Angel. Sina Tito Gray at Tita Anna ay nagsisimula na ring mas mangamba, kapag hindi pa namin sila nakita sa buwan na ito ay hindi ko na alam ang gagawin ko.


Hindi ako mapanatag tuwing naiisip ko ang kalagayan ng mag-ina ko. Lumalala ang sobra-sobra kong pag-iisip pagdating sa kanila.


Lalo na ngayong opisyal ko nang nalaman na anak ko si Ken. Lalo akong na-guilty sa lahat-lahat dahil all along nagsasabi ng katotohanang tunay si Angel.


Sobrang na-delayed ang pagkuha ko sa DNA results na pinagawa ko para sa amin ni Ken. Dahil abala nga ako sa pag-aalala sa mag-ina ko ay nakalimutan ko ito. Buti na lamang at muli kong nabuksan noong nakaraang araw ang email ko at nakita ang mensahe ng Clinic na pinagkatiwalaan ko DNA test na ito.


Ngayon na sobra-sobra na ang kasiguraduhang anak ko si Ken ay muling pumasok sa utak ko ang mga naging desisyon ng utak ko noong nakaraan. Tila ba nagbago ng ganoon kabilis ang aking isip na kung sakaling ayaw na talaga ni Angel sa akin ay hahayaan ko na lamang siya.


Hindi na, kahit anong mangyari ay ipaglalaban ko sila hanggang dulo. Ngayon na alam ko na ang lahat-lahat sa buhay naming pamilya, wala na akong ibang dahilan para bitawan ang mag-ina ko. Ayoko rin iparanas sa anak namin ang bagay na hindi ko naranasan sa aking mga magulang noon. Hindi ako basta-bastang bibitaw sa relasyon naming ito ni Angel, kahit maging mahirap ay gagawin ko pa rin. Kaya ngayon ay mas determinado akong kumilos at makipagtulungan sa mga tao ko sa paghahanap sa asawa't anak ko.


Kasalukuyan akong nasa opisina ko rito sa Elites, ngayon na lang ulit ako pumasok sa trabaho dahil sa mga nagdaang linggo ay wala talagang pumapasok sa utak ko. Ngunit dahil makikipagkita ako sa isang magaling na investigator na ipinakilala sa akin ng pinsan kong nasa US ay narito ako. Tiwala siya at ako sa kakayahan ni Mr. Shin, kaya wala na kaming sasayanging oras para makipagtulungan sa kaniya. Dito ko na siya pinapunta sa opisina para madali, dito na kami mag-uusap para sa lahat-lahat ng kakailanganin niya sa paghahanap sa mag-ina ko.


Kahit hindi pa rin ako payagan ng magulang kong makisali ay wala na silang magagawa para mapigilan ako. Kahit magkano pa ang mawala sa akin basta maging daan lamang ang lahat ng i-hire kong tao sa pagbabalik ng mag-ina ko at sa pagtatama sa lahat ng ito ay ibibigay ko. I am done doing nothing.


I miss them so bad...


"DARK!" Agad akong napakurap sa pagkatulala sa kawalan nang magulat sa bumungad na malakas na boses ni Zeus nang siya'y pumasok sa opisina ko. Umecho ang nakaririndi niyang boses sa buong silid na kinasama ko sa kaniya ng tingin.


"Learn how to knock, Washington." Inis kong puna at kumuha ng tissue para punasan ang ilang butil ng luha na hindi ko namalayang mayroon na pala sa aking mata.


Narinig ko itong tumawa ngunit mabilis ding huminto nang mapansin ang ginagawa ko. Malamang ay halata sa mata ko ang pagluha dahil biglaan lamang ito.

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon