Chapter Fifty-Six

8.6K 171 27
                                    

CLARK

"Fuck! Sumagot ka, Nicolle!" halos hindi ko na magawang maramdaman ang sarili ko dala ng galit sa aking sistema nang banggitin ko iyon sa hawak kong telepono. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyari hindi maganda sa ate ko dahil kay Nicolle. Nababaliw na nga talaga siya.


Wala sa usapan namin na kukuhanin niya sa amin ang ate ko, ang tanging napag-usapan lamang namin ay babawiin niya si Dark nang mawala na ito sa buhay ng Ate Angel ko. Ngayon na ilang araw nang nawawala si Ate ay maging ang koneksiyon niya sa akin ay hindi na gumagana.


Muli kong sinubukan i-dial ang numero niya sa telepono ko, ngunit katulad lamang noong mga nakaraang araw ay out of reach ito. Maging ang bagong numerong ginamit niya para i-text ako kanina ay hindi ko na ma-contact. Inis kong inilapag ang teleponong hawak sa kama ko, paikot0ikot lamang ako sa kuwarto habang hindi matahimik ang isipan sa maaaring lagay ng ate ko at ng pinagbubuntis niya. Hindi ko sinasadya ang lahat... akala ko ay si Dark lang ang pakay ni Nicolle at hindi ang ate ko. Ngayon na nangyayari na itong lahat sa amin ay hindi na ako pinapatahimik ng konsensya ko sa lumilipas na mga araw. Kahit may tiwala pa akong natitira kay Nicolle na hindi niya sasaktan si Ate Angel ay hindi ko pa rin maiwasang mag-alala at kabahan, buntis ang Ate ko at hindi ko alam ang lagay niya. Idagdag pa na hindi ko na alam ang tumatakbo sa isip ni Nicolle sa mga sandaling ito dahil ayaw naman niya ako kausapin kahit sa telepono man lang.


I didn't expect her to be able to do these things. She's not like this when I first met her.


Bumalik sa realidad ang utak ko nang marinig ang tumatawag sa teleponong inilapag ko sa kama kanina. Mabilis ko itong kinuha para tignan kung sino ang nasa likod nito, nang makita ko ang numero na kanina ko pa kinokontak ay ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib ko gawa ng nabubuong pag-asa sa dibdib ko. Sa wakas, ito na ang tumatawag sa akin ngayon. Wala na akong sinayang na oras at sinagot na kaagad ito.


"Nasaan kayo, Nicolle? Ibalik mo na si Ate Angel sa amin. Wala sa usapan natin na kukuhanin mo ang Ate ko! Ano bang naiisip mo at ginawa mo ang bagay na 'to?" pilit ko mang pigilan ang galit na nararamdaman ko sa kanya ay hindi ko na magawa. I didn't know she was going to betray me when I helped her escape from prison to get what she wanted... to get Dark out of our lives. Ano ba itong nagawa ko?


"Oh dear, Clark! I forget to mention, I don't do deals. Wala akong isang salita, Clark. Plus, I realize that I have no hope for Dark; I already accept that he will never love me. But you know what I don't accept in this situation?" hindi ko nagawang masagot siya nang sambitin iyon sa akin.


"Hindi ko matanggap na sa Ate mo siya mapupunta. So, I thought maybe... I should just break them apart. Kung hindi mapupunta sa akin si Dark ay hindi rin siya mapupunta sa Ate Angel mo." I immediately felt a deep sense of anger when she said that. Ramdam ko ang tensyon sa kamay kong naikuyom ko na dala ng aking pagkagigil na hindi mailabas-labas.


"Don't you dare hurt her, Nicolle! Buntis ang ate ko, kaya pakiusap... huwag mo na ituloy kung ano man ang plano mo. Tumigil ka na lang hanggang maaga pa." pakiusap ko rito sa kabila ng aking galit na nararamdaman. Maayos ang usapan namin na kay Dark lang siya may plano at hindi niya pakikialaman ang Ate ko, ngunit dahil sa katangahan kong nagtiwala kaagad sa kaniya ay nasa kapahamakan na si Ate Angel ngayon.


"Whatever you say, Clark!" tawa niyang sagot sa akin. Doon ay labis na kaba ang umakyat sa dibdib ko at hindi na ako mapalagay sa aking kinatatayuan. Ang daming tumatakbo sa utak ko habang nag-iisip ng maaari kong gawin sa mga sandaling ito, gayunpaman ay tunay akong natatakot na baka magkamali na naman ako sa gagawin ko.

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon