Chapter Fifty

11.2K 196 15
                                    

ANGEL

Nang maramdaman ko ang yakap ni Dark sa aking baywang ay mabilis akong napaayos ng tayo at napalingon sa paligid. Buti na lamang at walang nakakita sa ginagawa ngayon ng asawa ko kundi ay mas lalo lamang akong mahihiya dahil sa kilig na mababakas sa aking mukha gawa ng yakap niya sa akin. Hindi mawala sa aking labi ang ngiti dahil sa totoong saya na nararamdaman ng puso't pagkatao ko sa mga sandaling ito. Kasalukuyan kaming nasa amusement park kasama siyempre ang anak namin na nakaidlip na sa kaniyang stroller. Maingay man sa paligid dahil nasa publikong lugar kami ay parang payapa pa rin naman dahil kasama ko ang lalakeng pinakamamahal ko.


Gaya nang hiniling ko kay Dark dalawang linggo na ang nakararaan ay tinupad niya na ngayong araw ang pangako niya sa aking ipapasyal si Ken. Ito rin ang choice kong araw dahil sinakto ko na rin sa monthly check-up ko. Apat na buwan na ngayon ang bata sa sinapupunan ko, kagagaling lang namin sa OB ko kanina at halata kay Dark ang tuwa nang makita namin sa sonogram ang baby namin. Maging si Ken ay namangha nang makita ang kapatid niya nang ma-ultrasound ako ng doktor.


May mga panibagong vitamins na binilin sa akin ang Doktora ko dahil nasa second trimester na ako ng pagbubuntis, maging mga possible changes sa katawan ko ay sinabi niya sa akin na tinandaan ko naman. Pinagbawas din pala ako ni Doktora ng pagkunsomo ng mga unhealthy foods, kaya aminado akong medyo nalungkot sa bagay na iyon. Alam naman natin kung gaano kasarap ang bawal, diba? Biro lang.


Nang lumipas pa ang ilang minutong pagtambay sa magandang view dito sa amusement park kung saan makikita ang iba't ibang mga bulaklak at mga punong makukulay ay napagdesisyunan na rin naming maglakad-lakad muli ng asawa ko.


"Bakit ka ba nagmamadali, asawa ko? May masama ka bang nararamdaman kaya napakabilis mong maglakad?" nag-aalala ang mukha ni Dark nang itanong sa akin 'yon. Siya ang nagtutulak sa stroller ni Ken kaya na cute-tan ako na tignan siya. Nang malaman ni Ken na mamasyal kaming tatlo ngayong araw ay kay Dark ito laging sumasama kaya nakaseselos din pala. Tunay pa atang daddy's boy ang anak naming si Ken, kaya sana ang second baby namin ay maging mommy's naman.


"Wala lang naman..." mahina kong sagot sa kanya. Ilang linggo na rin naman kaming nasa maayos na status ni Dark sa buhay. Lagi na kaming nagkakasundo sa mga bagay-bagay at araw-araw na rin naman kaming masaya sa bahay.


Marami nang nagbago sa amin ng pamilya ko, nakikita ko na ang major improvements niya sa loob ng dalawang linggo . Kahit hindi niya pa rin kami naaalala ay masaya pa rin kami sa isa't isa ngayon, kaso nga lang... hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan. Itong puso ko ay malakas ang kabog at hindi maikakaila ang kilig na nararamdaman, para bang bumalik kami sa pagkabata. Iyung nararamdaman ko ngayon ay tila ba kinikilig dahil katabi si crush. Ganern! HAHA. Kaya siguro ako mabilis maglakad para subakan iwasan ang nararamdaman na kilig bawat minutong kasama't katabi ko siya.


"Asawa ko, aminin mo nga sa akin... naiilang ka ba?" bakas ang pag-aalala sa boses niya pero nakangiti pa rin siya nang itanong sa akin 'yon. Ilang segundo akong hindi sumagot at nanatiling nakatingin lang sa kanya, kaya bago pa ako makagalaw ay nalapitan niya na ako. Sa sobrang lapit namin na halos magdikit na ang mga ilong namin ay agad akong nag-iwas ng tingin at mahina itong tinulak palayo sa akin. Ngunit imbes na tantanan ako ay tinawanan niya lamang ako.


"Oo na! N-naiilang ako ng slight. Hindi dahil ayoko sa'yo kundi dahil kinikilig ako. K-kaya huwag ka nang makulit, Dark! Huwag kang masyadong lumapit sa akin..." utal kong pag-amin. Lalo pa itong natawa sa naging sagot at reaksyon ko kaya inis ko itong inirapan pero natawa rin naman ako kalaunan.

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon