Chapter Eleven

16.2K 278 11
                                    

ANGEL

Mabilis akong nagising at natauhan nang may maramdaman akong bagay na dumadampi sa aking leeg, nang buong maimulat ang aking mata ay nakita kong si Zeus ang humahalik sa akin na labis nagpagising sa aking diwa. Mabilis pa sa kabayo kong naitulak siya palayo sa akin at inabot ang kumot para punasan kung ano man ang iniwan na bakas ng paghalik niya sa akin sa leeg.


Anong ginagawa niya rito at bakit niya ako hinahalikan? Mga katanungan na pumupuno sa aking isipan na wala pa ring kasagutan hanggang ngayon.


"Z-zeus!?" doon na ako napabalikwas ng tayo. Gano'n na lamang ang gulat ko nang wala akong nakitang saplot sa katawan ko maliban sa aking mga panloob, dahil doon ay mabilis kong inabot muli ang kumot upang ipangtakip sa aking katawan. Samot-saring pag-iisip ang nagawa ko sa maikling segundong iyon at ang aking dibdib ay nagsimulang kumabog ng malakas na animo'y may nagtatambol nito sa loob.


Anong nangyari sa amin– sa akin? Wala akong saplot at katabi ko pa ay ibang lalake na hindi ang asawa ko.


Dahil sa halo-halong nadarama ay nagsimula nang maglandas ang aking mga luha sa pisngi ko at masamang tinignan ang nagtatakang si Zeus na nakatayo na rin ngayon. Wala rin siyang matinong saplot maliban sa suot niyang boxer shorts. Ano ba itong nangyayari? Nananaginip ba ako o may nangyari talaga sa amin dahil sa kalasingan ko kagabi? Hindi ko na maalala ang lahat, kaya itong narito akong walang saplot kasama ang isang lalake sa silid ay labis nagpapaluha sa akin.


Nasaan ang asawa ko?


"A-anong ginawa mo sa akin!?" bakas ang galit sa aking nauutal na boses dahil sa pag-iyak ko. Gusto ko siyang sipain, sampalin, tadyakan ngunit hindi ko maigalaw ang katawan kong napako na lang sa kinatatayuan. Kinakabahan ako, ayokong biguin ang nagsisimula pa lang na relasyon namin ni Dark.


Sana mali ang nasa isipan ko at pagkakamali lamang ang mga nangyayari sa mga sandaling ito sa amin ni Zeus.


"Huh? Akala ko ikaw ang may gusto nito?" lumapit siya sa pwesto ko at tangkang hahawakan muli ako kaya bago pa mangyari iyon ay nasampal ko na ito. Dala ng matinding emosyon ko ay galit na galit ko siyang nasaktan dahil sa sampal ko.


May pandidiri ko siyang tinignan. Nandidiri ako sa kaniya. Paano na lamang kapag nalaman ni Dark ang bagay na ito?


"Wala akong gustong ganito! Sino ba ang may gusto ng ganito? Nag-iisip ka ba Zeus!?"


"Teka nga lang. Ikaw ang nasa kwarto ko, kaya akala ko gusto mo ang bagay na ito. Isa pa... Wala ka namang boyfriend diba? Kaya bakit kung magalit ka ay para bang may magagalit kapag nakitang magkasama tayo rito?" takang tanong nito habang nakahawak sa pisnging nasampal ko. Kahit nagi-guilty ako sa nagawa ko ay hindi ako nagsisisi. Hindi ko kayang titigan siya ngayon dahil sa ginawa niyang paghalik sa akin ng walang paalam, kahit walang boyfriend ay hindi okay ang humalik ng babaeng walang consent nito.


Pero teka, ako ang nasa kuwarto niya? Hindi ba ito ang kuwarto namin ni Dark?


Dala ng sinabi niya at inilibot ko ang paningin ko, doon ko lang napagtanto na hindi nga ito ang kuwarto namin ni Dark. Wala ang mga gamit namin dito at magkaiba ng ayos ang mga furnitures. Papaanong narito ako?

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon