Chapter Twenty-Three

17.2K 268 6
                                    

DARK

Humigpit ang pagkahawak ko sa babasaging basong hawak nang muli kong naramdaman ang sakit ng ulo ko. Kahit anong pilit kong gawin para panatilihing buhay ang pagkatao't katawan ko ay para pa rin akong nanghihina't naluluma.


Naririnig ko ang malakas na musika't ingay sa labas ng VIP room ng isang sikat na nightclub na kinaruruunan ko nang pumasok ang isang staff para ligpitin ang mga boteng naubos ko na. Pero kahit anong klaseng ingay pa ang marinig ng tainga ay para pa rin akong lutang habang iniinda ang sakit ng ulo na nararamdaman ko gawa ng stress at puyat.


Isang buwan ko nang hindi nakikita sila Angel, kahit anong lead ay walang maibigay ang mga tauhan ko para mahanap sila. Hindi ko alam kung mahina lang ba ang mga tao ko sa paghahanap o sinasadya ng tadhanang itago ang mag-ina ko sa akin dahil sa mga nagawa ko noon sa kanila.


Napakasama kong asawa, sa daming araw ang lumipas mula nang sila'y umalis ay wala akong nagawa para matagpuan sila. Hindi ako mapalagay sa totoo lang, nawawala ako sa katinuan tuwing iniisip ko ang kaligtasan nilang dalawa. Nababaliw ako sa sobrang pag-aalala sa maaaring lagay ng mag-ina ko sa mga sandaling ito. Hindi ko alam kung nasa maayos ba silang kalagayan... kung masaya ba sila o hindi. Wala, wala pa rin akong balita kung nasaan ba ang mag-ina ko.


I feel fucking useless and stupid. Araw-araw, gabi-gabi, walang katahimikan ang utak ko kaiisip sa kanilang dalawa. Hindi ko inaasahan na may igugulo pa pala ang buhay ko, at ang pinakagagago sa lahat... Kasalanan ko ang lahat ng ito.


Kahit anong magagandang bagay ang sabihin ng mga mahal ko sa buhay na hindi ko kasalanan ito, para lamang hindi ako maging ganito ka miserable ay hindi ko kayang paniwalaan. Ako ang gumawa sa problemang ito sa amin ng asawa ko, kaya ngayon na pinarurusahan na ako ng tadhana ay unti-unti na akong natatalo nito.


"Dude..."


Tila ba nagising ako sa pagkatulala nang may marinig na mahinang boses. Hindi ko sigurado kung mahina ba talaga ang boses o sadyang hindi lang talaga tama ang pag-iisip ko kaya hindi ko ito naririnig ng maayos.


Kasama ko nga pala ang dalawa kong kaibigan ngayon, muntik ko nang makalimutan dahil sa gulo ng pag-iisip ko. Pumayag silang samahan ako ngayon dito para pakalmahin ang utak ko sa pag-iisip, ngunit para bang lalo lamang lumala iyon dahil sa pag-inom ng alak. Gayunpaman, ito na lamang ang tanging paraan na alam ko para makalimutan at matakasan muna ang lahat ng problemang kinahaharap ko sa aking buhay.


Pakiramdam ko ay wala akong karapatang magreklamo sa lahat ng hirap at sakit na nararamdaman ko dahil ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Alam ko ang pagkakamali ko, kaya nga sobrang sakit nito dahil kahit ilang beses pa ako magsisi ay wala na akong magagawa para mabago ito. Kaya sa sobrang bigat ng dibdib ay hindi ako matahimik kahit ilang minuto, maging ang pagpapatawad sa aking sarili ay hindi ko alam kung papaano gawin.


Noong una ay akala ko magiging maayos lang ako sa pag-alis ng mag-ina ko sa akin. Sa lahat kasi ng pagkakamali kong nagawa sa kanila ay pagbitaw ang pinakamagandang gawin para matigil ang sakit, kaya naisip ko na baka masaya na si Angel na wala na ito sa tabi ko dahil wala na siyang Dark na kailangan indahin. Subalit, kumukontra ang puso ko, alam kong hindi sasaya ang asawa ko sa ginawa niyang pag-alis. Kailangan kong maitama ang lahat ng pagkakamali ko sa kaniya at sa anak namin para tuluyan itong maging masaya, kasama man ako sa ligayang iyon o hindi.

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon