Chapter Forty-Nine

11.9K 196 12
                                    

ANGEL

Malamig na hangin na nagmumula sa aircon ng kwarto ang gumising sa akin, nakita kong nakababa ang kurtina kaya hindi ganoon pumapasok ang sikat ng araw mula sa labas. Inaantok man ngunit pinilit kong imulat ang mga mata ko nang mabangong aroma ng tinapay at kape ang pumuno sa kwarto ko.


"Gising ka na ba, Angel?" mabilis pa sa pagkurap ang nagawa ko at napatingin sa pinto. Nakatayo roon si Dark habang may dala-dalang tray ng pagkain, doon ko napagtanto na iyon ang mabangong naaamoy ko sa mga sandaling ito.


Hindi ko alam kung papaano ipaliwanag ang saya na nararamdaman ko nang lumapit si Dark sa akin at inilapag ang pagkain na dala niya sa side table ko. Gawa ng bago ito sa pakiramdam ko ay hindi ko magawang makapagsalita at nanatiling pinapanood lang ang bawat kilos niya. Kinuha niya ang maliit na lamesa sa gilid ng kabinet ko at inilagay ito sa gilid ng kama ko. Doon niya inilipat ang pagkain at nakangiting umupo sa paanan ko.


"Good morning, Angel. Ready na ang breakfast mo ng makaganda kong... buntis na asawa na kasama ko sa bahay." may tuwa sa boses niya nang sabihin iyon kaya kinilig na naman muli ang sistema ko. Halata sa ningning ng magagandang mata niya ang excitement na matikman ko ang ginawa niyang almusal.


Sa nakitang ngiti sa guwapong pagmumukha ng asawa ko ay may kung anong kiliti ang naramdaman ng puso ko. Hindi tuloy maalis din sa akin ang ngiti. Kainis naman! Halatang-halata na naman siguro sa mukha ko na kinikilig ako. Haaays!


Nang bigyan ko ng pansin ang tray ay nakita kong mayroon itong toast sandwich, bacons, eggs, at coffee.Hindi ko talaga inaasahan na mag-eeffort si Dark sa araw na ito kahit nagkausap na kami ng matino kagabi. Akala ko ay 'yung yakap lang ang magpapagaan sa dibdib ko, ito rin pala.


"G-good morning din sa'yo, Dark... at salamat sa pa-almusal mo. Ano kayang nakain mo?" pilitin ko man magbiro ay hindi ko magawa kasi kinikilig talaga ako. Hindi ko matago sa kaniya ang nararamdaman ko ngayon dahil dito.


"Wala naman. But this will be my official peace offering sa'yo. I'm really sorry sa lahat ng pang-iinis na naidulot ko at pangakong hindi na uulitin ang lahat ng iyon kailan man." may ngiti sa labi nang sabihin niya iyon sa akin. May paghanga sa mata ko siyang tinignan, nakita kong kumuha siya ng toast sandwich sa plato para i-abot sa akin.


"Hindi mo na naman kailangan gawin 'to dahil pinatawad na kita kagabi pa, pero salamat pa rin dahil may almusal na at hindi ko na kailangan magluto pa. Pero..." saglit akong huminto at tinignan muli siya nang makuha ko na ang inabot niyang sandwich sa akin.


"May isa pa akong kundesyon para sa pagpapatawad ko sa'yo..." may pag-aalangan kong banggit at hinintay ang magiging sagot nito sa sinabi ko. Baka kasi tanggihan niya ako kaya may kaba sa akin sabihin ang kundesyon kong naisip.


"Of course, lahat ng sabihin mo ay handa akong subukan at gawin. Basta ba, mapapatawad mo ako sa lahat ng pang-aasar ko sa'yo at hindi ka na maasar sa kagwapuhan ko." nakaloloko siyang ngumiti sa akin nang sabihin iyon. Hindi pa siya nakuntento at pinagti-tripan na naman ako, lumapit siya sa akin, kaya nakaramdam ako ng matinding hiya't... tuwa? Ano ba naman kasi 'yan!? Hindi pa ako nakapag-toothbrush!


"L-lumayo ka nga, D-dark!" namumula kong pigil sa kaniya nang palapit na siya nang palapit sa akin. Dahil sa sinabi ko ay tumawa siya at bumalik na sa pagkaupo sa paanan ko na nagpaluwag sa paghinga ko. Literal na he's taking my breath away... kainis naman! Kinikilig kami ng baby ko, e.

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon