Chapter Thirty-Five

15K 235 23
                                    

ANGEL

Malungkot man ang nangyaring pag-uusapan namin ni James kagabi ay nagkasundo naman kaming dalawa. Baka, tama ngang maglagay kami ng pagitan sa amin. Wala man kaming naging mas malalim na relasyon sa pagkakaibigan namin, ay mas mabuti nang ganito. Mananatili pa rin naman kaming magkaibigan, e. At gaya ng kaniyang ipinangako sa akin, nariyan lang siya para sa amin ni Ken.


Saka, napagtanto ko na hindi nga magandang tignan na masyado akaming malapit sa isa't isa na animo'y mga tukong hindi na mapaghiwalay. Kahit naman kasi may problema ako sa relasyon namin ni Dark, ay kasal pa rin kami. Ayokong gayahin ang pangangaliwa ng lalakeng 'yon. Hindi ako ganoong uri ng tao, at never ko iyon gagawin kahit pa kanino.


Argh! Bakit ba sumusulpot na naman sa utak ko ang Dark na iyon? Happy day ngayon, kaya ayokong mag-isip ng negativity- kapag nababanggit ko ang pangalan niya ay negative na agad iyon.


Anyway, kasalukuyan kaming nasa public park dito malapit sa plaza. Dahil literal na umaga pa lang dahil sa aga naming dumating dito ay wala pa masyadong tao. Umalis kami ni James ay mag-aalas otso pa lang. Mabuti na lang at maganda ang tulog ko kagabi kahit may lungkot ako sa aking dibdib dahil kay James.


Wala nga pala si Ken ngayon dahil tulog pa ito nang umalis kami. At gaya ng request ni James sa akin ay kikitain namin ang pinsan niya. Ngayon na nga at hinihintay na namin siya. Ang aga nga nila kung mag-set ng meet-up, para naman silang mauubusan ng oras kung magkita, e. Pwede namang mamayang tanghali na lang diba? Pero hayaan na lang, trip nila 'to, e.


Saka, ayos na rin siguro na ganito kaaga. Maganda ang temperatura ng lugar at sobrang payapa rin. Great choice, to be honest.


Buti na lang talaga at nasa mood ako at ang baby ko ngayon. Dahil pa naman sa pagbubuntis ko ay hindi ako morning person. But for some reason, kakaiba ang araw na ito sa akin. I woke up early, as if I was preparing for some important event. Though, importante naman talaga ito para kay James dahil balita ko ay ngayon na lang ulit sila magkikita ng pinsan niya sa loob ng maraming taon. But for me, na parang dagdag lang ni James ngayon, ay hindi naman. Subalit, excited naman din ako kahit papaano.


Sa ilang linggo ko rin kasi rito ay bilang lang ang mga taong nakakausap at nakikilala ko. Idagdag pa na sa ilang taon naming kasal ng asawa ko at naging ina ako ni Ken ay hindi talaga ako nagkaroon ng social life. Maski internet ay bihira ko lamang gamitin kaya ang mga dati kong kaibigan ay wala na akong kontak. May trauma pa rin kasi ako sa influence ng social media sa buhay ng mga tao, e. At kasalan din 'yon ng magaling na si Dark.


See? May negative ulit.


Kaya ngayon na may kalayaan na ako sa buhay ko ay maganda talaga makakilala ng ibang tao para makipag-socialize. Saka, maganda rin talaga sa mood na hindi ka lang nakakulong sa bahay. I just realized na it's okay to still act my age kahit nanay na ako. Hanga rin ako sa sarili ko na nakaya ko ang lahat ng challenge na hinarap ko noon kasama si Dark. Sa lahat ng sakit na tiniis ko sa relasyon namin ay never ako sumuko sa buhay ko. Buti na lang talaga at binigay sa akin ng Panginoon si Ken.


Totoo ngang may lesson sa lahat ng mga masasakit at mahihirap na pangyayari sa buhay ng isang tao. At may rason din ang mga iyon kung imumulat mo lamang ang mga mata mo.

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon