Chapter Fifty-Eight

9.4K 177 29
                                    

DARK

Tatlong araw na ang nakalipas nang hinayaan ko si Clark na tumulong sa paghahanap sa Ate niya. Gaya ng ipinangako nito ay ibinigay niya sa mga private investigators namin ang lahat ng alam niya na maaaring pag taguan ni Nicolle sa mga sandaling ito. Sa loob ng tatlong araw na iyon ay marami na rin nadagdag na impormasyon na mas makatutulong sa pag-usad ng paghahanap namin sa asawa ko. Kaya sa mga oras na 'to ay mas lumalakas ang pagtitiwala kong ligtas si Angel at sa unting panahon na lamang ay babalik na siya sa amin.


Sa loob ng dalawang linggo mula noong kuhanin ni Nicolle ang asawa ko sa akin ay ngayon lang ako nakahinga ng mas maluwag, dahil sa improvements na nakikita't nakukuha namin sa paghahanap kay Angel ay nawawala ang mga negatibong pangamba sa aking isipan. Gabi man o araw ay kaligtasan ni Angel at ng pinagbubuntis niyang anak namin ang dasal ko, kaya naniniwala akong kasama ko ang Diyos sa paghahanap naming ito sa asawa ko. At sa lahat ng ginawa at ginagawa pa ni Nicolle sa mga buhay namin ay sisiguraduhin kong hindi na siya makawawala pang muli sa batas.


Kasalukuyan kaming narito sa mansyon ng parents ko. Mula nang tumulong si Clark sa amin ay dito na namin siya pinatuloy, galit pa rin kasi sina Mama Ana at Papa Gray sa kaniya. Noong inamin niya ang lahat ng alam sa pagkawala ni Angel ay hindi na siya muli kinausap ng mga magulang dala ng galit at disappointment sa kaniya. Kahit ako rin naman ay nagagalit pa rin ako tuwing naiisip ang ginawa niya, pero sa rason kasi na sinabi niya sa amin kung bakit niya nagawa iyon ay nauunawaan ko siya.


Iniisip niya na siya ang may kasalanan ng lahat na nangyari sa amin ni Angel noon. Iniisip niya na kung hindi siya nagkasakit noon ay hindi sila mababaon sa utang sa pamilya ko, at hindi mapipilitan si Angel na pakasalan ako. Kaya ngayon na pilit siyang bumabawi sa ate niya ay ang paglayuin kaming dalawa ang naisip niyang paraan para roon. Tama siya, hindi ko nga siya masisisi sa naging desisyon niya.


Ang mali niya lang ay hindi siya nag-isip ng ibang paraan para makabawi sa Ate niya nang hindi ito nalalagay sa alanganin at kapahamakan. Alam ko naman na mabuti ang hangarin niya sa kaniyang Ate Angel, pero sana ay nag-isip lang siya ng mas maayos noon para sana ngayon ay kasama namin ang ate niya.


"K-kuya Dark! May nag-text sa akin, galing sa isang unknown number..." agad akong nahinto sa pagtitipa ng keyboard ng aking laptop nang nagmamadaling pumasok si Clark sa kuwarto ko. Dala-dala niya ang telepono na agad ko namang tiningnan para makita ang message na sinasabi niya.


"A-alam kong kay Nicolle galing 'to, siya lang ang nakakaalam ng numero kong 'to." dagdag niya pang salita na siyang nagpabilis sa tibok ng dibdib ko, habang tinitingnan ang text message na natanggap niya.


From: 0912*******

Hindi ka sumunod sa usapan, Clark! I guess you already accept the consequences of your decisions to betray me.


Matinding galit ang agad umangat sa sistema ko nang magawa kong makumpirma sa aking sarili na si Nicolle nga ang nasa likod ng mensaheng ito. Dahil sa pagbabanta ni Nicolle sa text message niya kay Clark ay hindi ko na napigilan ang sarili kong sagutin ito dala ng galit na nararamdaman ko sa mga sandaling ito.


To: 0912*******

Where the f*ck are you, Nicolle!? Magbabayad ka sa lahat ng katarantaduhan mo. Huwag na huwag mong sasaktan ang asawa ko!

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon