Chapter Fifty-One

11.7K 198 18
                                    

ANGEL

Hindi mawala sa labi ang magandang ngiti habang inaalala ang nangyari kagabi sa amin ni Dark— hindi ang making love scene ang tinutukoy ko. Ang tinutukoy ko ay ang mga sinabi niya sa akin kagabi. Mula noong mamasyal kaming tatlo, isang buwan na ang nakalilipas, ay mas lalong napalapit kami sa isa't isa ng asawa ko.


Hindi ko nga namamalayan ang mabilis na paglipas ng mga araw sa aming dalawa, e. Hindi na rin madalas mahiram ng parents namin ni Dark ang baby naming si Ken dahil hindi pumapayag si Darkie na hindi makasama ang anak namin kahit ilang araw lang.


Masaya naman ang pamilya naming dalawa sa amin kaya hindi na rin sila nagpumulit. Kung nais nilang makasama o makita ang apo nila ay sila na mismo ang bumibisita rito sa bahay namin. Mas lalo tuloy sumasaya ang buhay namin ni Dark kapag nagkakasama ang buo naming pamilya sa likod ng amnesia pa rin ni Dark na kinahaharap.


[Flashback]

"Maaga pa tayo kay Doktora bukas, asawa ko. Kailangan na nating matulog." malambing ang pagkakasabi niya at maingat akong niyakap patalikod. Kasalukuyan kaming nasa veranda ng kwarto namin, magpapahangin lang sana ako saglit bago matulog pero sinundan niya pala ako rito. Nasa banyo kasi ito kanina para mag-shower kaya naisip kong pumunta muna rito habang hinihintay siya matapos.


"Bakit? May problema ba? Bakit ka nakangiti riyan? Namamaligno ka na ba, asawa ko—" hindi niya na natapos ang sasabihin nang mahina kong hampasin ang dibdib niya kaya natawa na lang siya.


"Mauna ka na roon, mamaya na ako—" suhestiyon ko ngunit hindi ko na nagawang tapusin dahil maingat niya akong hinila papasok at mabilis isinara ang glass door ng veranda, ibinaba niya na rin ang kurtinang tumatakip sa salamin na pinto.


Nang bumalik sa akin ang tingin niya ay nakangiti siya sa akin, hindi nakaaasar ang ngiti niyang iyon kundi nakakikilig kaya mabilis pa sa pagkurap nang ako'y mamula. Ngiti pa lang ni Dark ay kinikilig na ako, paano pa kaya kung mahalikan ko pa siya ngay— Joke lang hehe.


"Sabay na po tayo, mahal ko..." paglalambing niyang bulong. Nabigla pa ako nang maramdaman kong idinampi niya ang mainit na labi sa aking pisngi, pababa sa aking leeg. Nagsisimula na naman siya. At siyempre sino ba naman ako para tumanggi sa paglalmbing niya?


"May k-kiliti nga ako riyan, Dark! HAHAHAHAHA" tawa ko nang hindi ko maiwasang makiliti nang maramdaman ang kakaibang sensasyon ng ginagawa niyang halik na hinaluan pa ng kiliti ko talaga sa parteng iyon ng leeg ko. Sa sinabi kong iyon ay natatawa siya nang ihinto ang ginagawa sa akin. Nang matapos ito sa pangingiliti niya ay marahan niyang hinawakan ang pisngi ko at hinalikan ako sa aking noo.


"Akin kalang, ah, asawa ko. Walang iba kundi sa akin lang, asawa ko..." paos nitong bulong nang magtapat ang mukha naming dalawa. May tipid itong ngiti habang inililibot ang tingin niya sa kung saan-saang bahagi ng aking mukha.


Wala akong nararamdaman na pagka-ilang sa ginagawa niya bagkus ay mas natutuwa pa ako na nasa akin lang ang mga mata niya at wala sa iba. Masaya ako sa bawat oras na kasama ko siya ngayon, walang problema, walang iba...at sa akin lang talaga nakabuhos ang atensyon niya. Pati pala si Ken, siyempre. Itong Dark na ito ang matagal ko nang pinapangarap na ama para sa anak ko. Si Dark din ang asawang pinapangarap ko noong bata pa ako para sa akin. Hindi talaga ako makapaniwala na ang bestfriend ko pala noong una palang ay siya ring mapapangasawa ko ngayon.

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon