Chapter Six

26.5K 438 9
                                    

ANGEL

Pagod ang nararamdaman ng aking katawan nang mabuksan ko ang gate ng aming bahay. Alas nuwebe na ng gabi at ngayon palang ako nakauwi. Alas kwatro na kasi natapos ang business meeting na pinuntahan namin ni Tita Sam kanina dahil wala ang sekretarya niya, iyon ang dahilan kaya niya ako kinailangan. Marami rin naman kasi akong alam sa kumpanya't business nila Dark dahil siyempre asawa ko si Dark at nakapagtapos naman din ako ng koleheyo sa kursong Business Administration, just like he did.


Matapos ang meeting ay inimbitahan pa ko ni Tita para mag-shopping saglit. Gusto niya 'kong bilhan ng mga bagong gamit para raw sukli sa favor na hiningi niya sa akin na samahan siya sa meeting kanina, para na rin daw magkaroon kami ng bonding dalawa since asawa ko ang anak niya. Dahil mula pagkabata ay best friend na ako ni Dark ay pati sa kanilang magulang nito ay close ako, ngayon lang talaga kami nagkaroon ulit ng bonding dalawa dahil sa mga nangyari sa mga buhay naming lahat few years ago.


Kaya ngayong araw ay sobra ang saya ko sa maraming bagay, isa na roo ang pagpayag ni Dark na iwanan ko sa kaniya ang anak namin.


Naging maayos kaya ang lahat sa kanila habang wala ako?


Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay tahimik ang buong paligid, nakapatay ang malaking ilaw sa sala at sa dining area. Ang tanging mga ilaw na nakabukas ay sa hagdan, sa pinto ng garden, at sa kusina. Dahil walang tao ay napag-desisyunan kong magtungo na lang muna sa kusina para tignan kung may tao ba roon. Nakita ko agad si Manang Lenda na naghuhugas ng mga plato at mga kaldero marahil ay tapos na kumain si Dark.


Ang tanong ay kung nasaan na siya? Binabantayan niya kaya talaga si Ken?


"Manang..." Tawag ko kay Manang na agad niyang kinalingon.


"Ano ka ba namang bata ka! Nand'yan ka na pala, nagulat tuloy ako." Nakangiting banggit ni Manang kaya napangiti ako.


"May pagkain pa riyan, kumain ka na muna at baka pagod ka mula sa pinuntahan ninyo ni Ma'am Samantha." Ani Manang.


"Kumain na po ako Manang, salamat po! Pero alam niyo po ba kung nasaan ang mag-ama ko?" Magalang na tanong ko. Kita ko sa mukha niya ang pagtataka kaya sumilip siya sa labas ng kusina upang tanawin ang sala.


"Wala na pala sila Dark at Ken sa sofa, naglalaro lang sila kanina roon at nakaidlip kalaunan. Baka nasa taas na at natutulog na nang tuluyan." Dahil sa narinig na sinabi ni Manang ay hindi ko naiwasang mapangiti. Talaga ngang inalagaan ni Dark ang anak namin habang wala ako, nakatutuwa nga naman talaga.


"Masaya akong makita ang mag-ama mong gano'n kakulit kanina. Pati ang taranta ni Dark noong umalis ako para mamalengke dahil nagutom daw si Ken at nag-iiyak, pagbalik ko ay kung ano-ano na ang pinagbibili niya para lang mapakalma ang bata. Nakatutuwa. Mukhang maganda ang gising ni Dark ngayong araw." Nakangiting kuwento ni Manang kaya natawa rin ako habang iniimagine ang mga iyon.


"Mabuti't mukhang nagigising na si Dark sa lahat. Kita kong seryoso siya sa ginagawang pag-aalaga sa anak niyo. Sana nga at magtuloy-tuloy na ito para na rin sa ikaaayos ng pamilya ninyong dalawa. Mabuti at habang bata pa si Ken ay maging maayos na kayo sa isa't isa. Paniguradong mas maganda ang maidudulot niyon sa bata." Sumeryoso ang boses ni Manang nang sabihin iyon sa akin kaya tipid akong napangiti at bahagyang tumango.

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon