Chapter Eight

22K 342 10
                                    

ANGEL

"Nga pala asawa ko, this friday na 'yung family reunion na ginawa ni Mommy. She even texted me this morning that everything is settled now. The plane tickets, the resort, even the food menu. Sa Palawan niya naisip magset ng reunion dahil magaganda ang beach resort doon, and I really think na magugustuhan niyo ang lugar ni Ken." Banggit ni Dark habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.


Kasalukuyan kaming nasa kwarto niya habang nanonood ng pelikula, si Ken kasi ay natutulog na sa kaniyang crib na katabi lang naman ng kamang kinaruruunan namin ngayon ng asawa ko.


"Kasama ulit kami?" Tanong ko kaya masama itong tumingin sa akin na para bang may nasabi akong hindi maganda. Simula ng makasal kaming dalawa ay palagi naman akong kasama sa family reunion nila, pero last year ay hindi dahil ilang buwan pa lamang si Ken that time at hindi talaga ako gano'n kagaling mag-alaga ng bata kaya alam kong sobra akong mahihirapan makihalubilo sa kanila. At saka sumakto ang family reunion nila last year nang may tampuhan kaming dalawa ni Dark.


"Of course, asawa ko. I'm sure sobrang masasayahan sila Mommy at mga relatives ko kapag nakita nila si Ken. And besides, bawi ko na rin ito last year. I'm really sorry for being an assh*le last year, it was all my fault." Paumanhin niya. Hinawakan ko ang kamay niya at marahan itong hinaplos.


"Lahat ng iyon ay nasa nakaraan na. I just asked kasi to be honest, kinakabahan ako for some reasons." Ani ko. Alam ng angkan niya na may asawa't anak na siya, but this time kasi ay galing kami sa magulong relasyon- na hindi nila alam- at nagkaayos. Kinakabahan lang siguro ako dahil for sure may mga tanong silang maitatanong na hindi ako sigurado kung paano ko maipapaliwanag.


"And I also want to share with them our plan to have a second and official church wedding." Dagdag niya na aking kinahinto.


"Kasama sila Mama sa Palawan?" namilog ang aking mata nang itanong ko iyon. Lalo pa ata akong kinabahan, ngunit inaamin ko naman na masaya ako dahil naisip niyang imbitahan din ang pamilya ko.


"Siyempre, family nga, e. Asawa kita, that makes them my family. Saka gustong-gusto rin talaga nila Mommy na imbitahan ang pamilya mo. Sa daming nangyari sa buhay natin, nakalimutan na natin maging isang tunay na pamilya. This time, I really want to make everything right... for us- for Ken."sambit niya na may isang magandang ngiti sa labi. Nahawa rin ako sa ngiti niya at niyakap na lang din siya para iparamdam ang sobrang ligaya sa loob ko.


"Thank you, Dark. Hindi ko maipaliwanag ang saya sa loob ko sa mga nangyayari sa relasyon natin ngayon." Ayoko man lumuha ay parang minamanduhan na lamang ako ng mga mata ko. Nang maramdaman ko ang palad niya sa pisngi ko ay para akong napakalma agad nito.


"I love you, Angel..." mahina niyang banggit na sapat lamang para marinig ko.


"I love you more, Dark."


Nang sagutin siya sa kaniyang nararamdaman ay naramdaman ko ang labi niya sa likod ng aking palad. Tinignan niya ako sa mat ana para bang hindi siya makapaniwalang ako ang kasama niya ngayon. Sa mga tingin niyang iyon ay tila ba na paulit-ulit lamang akong nahuhulog sa pag-ibig ko sa kaniya. Mahal ko ang lalakeng ito, at masaya akong malaya ko na itong iparamdaman sa kaniya.

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon