Chapter Thirty-One

13.7K 242 20
                                    

ANGEL

Tahimik ang buong hapag habang sabay-sabay kaming nag-aalmusal nila Lola. Kasalukuyang wala si James ngayon dahil may important daw itong gagawin sa kaniyang trabaho saglit. Dahil maaga akong nagising ngayong araw ay naisipan kong maghanda ng almusal para sa amin nila Lola, nakakita rin kasi ako sa internet ng magandang ipakain sa two-year-old baby kaya naisipan kong gawan ng magandang almusal ang anak ko ngayong umaga. Himala nga at sinipag ako bigla sa dahilan na hindi ko maipaliwanag, good mood na good mood tuloy si Buntis. Haha.


"Thank you nga pala sa masarap na almusal, apo. Hindi ko alam kung anong magandang nangyari sa 'yo ngayon pero masaya akong makita kang masaya." naputol ang tahimik na hapag nang marinig kong magpasalamat si Lola sa akin.


"Naisip ko lang po na masaya maging masaya... Sadyang maganda lang po talaga siguro ang tulog ko kagabi, Lola." sagot ko. Nagpatuloy kami ni Lola sa pagkain habang si Manang Gina ang tumutulong kay Ken na kainin ang healthy breakfast nito. Maya-maya pa ay may narinig kaming pumindot ng doorbell kaya nagkatinginan kami ni Lola.


"Ako na po." mabilis kong sagot dahil si James kaagad ang pumasok sa isip ko. Baka hindi natuloy ang lakad niya kaya nagbago ang isip na makikikain na sa amin ngayong almusal.


Nalungkot pa naman ako kagabi nang sabihin niyang hindi siya makakasabay sa amin ngayon, ewan ko ba kasi sa pagbubuntis kong ito. Sa puwedeng pagpilian paglihian ay si James pa talaga. Buti nga kahit nalungkot kagabi ay maganda pa rin ang gising ko ngayong umaga kaya naging productive pa ako.


"Ate!"


"C-clark!?" gulat at utal kong pagbanggit sa pangalan ng kapatid ko nang siya ang makita ko sa pinto. Mabilis na kumabog ang aking dibdib dahil sa agarang kaba na naramdaman sa mga sandaling ito. Anong ginagawa niya rito? Paanong...


"Namiss kita, Ate Angel!!" bakas sa kaniyang boses ang pangungulila sa akin kaya kahit nagulat ako at kinakabahan ay agad ko pa rin siyang sinalubong ng yakap. Kagaya niya ay hindi ko na rin napigil ang pagluha. Sobra ko siyang namiss, maging sila Mama at Papa na wala naman dito ngayon ay miss na miss ko na rin.


"Anong ginagawa mo rito, Clark? May kasama ka pa bang iba? Sinong kasama mo?" medyo tarantang tanong ko dahil tunay naman na nakakakaba na narito siya. Dahil sa nararamdaman ko ay hindi ko maiwasang ilibot ang tingin ko sa paligid namin ngayon, baka kasi kasama niya ang taong hindi pa ako handang makaharap sa mga oras na ito.


Hindi ko pa kayang harapin ang realidad ng buhay ko— ayoko pang harapin si Dark. Kaya nang makita ko ngayon ang nakababata kong kapatid ay sobra akong nangamba. Kahit never sila naging close ni Dark ay hindi pa rin maalis sa isip ko ngayon na maaaring magkasama sila.


"Easy ka lang, Ate. Para sa unang tanong mo, nandito ako para makita ka. Pinilit ko si Lola para papuntahin ako rito sa inyo. Miss na miss na kasi talaga kita Ate, isa pa, nag-aalala ako sa inyo ng pamangkin kong si Ken, e." nakanguso nitong sagot kaya lalo akong naguluhan.


Kilala niya si Lola Lenda? Hindi ko alam na close silang dalawa o maski magkakilala man lang, hindi pa nakikita ng pamilya ko si Lola Lenda nang maging katulong namin ito noon ni Dark. Kaya tunay na nakapagtataka na kilala ni Clark si Lola ngayon.

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon