Chapter Forty-One

12K 231 13
                                    

DARK

Nanatili kaming tahimik dalawa ni James habang kumakain sa pinuntahan naming resto bar. May kalayuan ito mula sa Phoenix kaya nakarating kami rito ng alas kuwatro na. Noong matapos ang pagkain namin ay hinintay muna namin ang red wine na order niya at doon nagsimulang mag-usap ng tunay na pakay naming dalawa.


"What do you need from me, Dark?" Bakas sa kaniyang mukha ang pagiging seryoso nang itanong iyon sa akin.


"A-alam kong si Angel ang babaeng tinutukoy mong m-mahal mo, p-pero..." mariin akong napapikit nang hindi mailabas ng diretso ng aking bibig ang nais sabihin sa kanya. Para bang naduduwag ako sa sasabihin, hindi ko alam kung paano ko ba maipapaalam sa kaniya ng hindi siya nasasaktan na mahal ko si Angel ng tunay at handa akong gawin ang lahat para rito.


Sa ilang beses na nagkausap kami sa telepono ay alam ko kung gaano niya kamahal ang asawa ko, kaya hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa kanya na tulungan akong makuha muli ang pagmamahal ni Angel.


"Angel and I already talked about that, Dark. From the start, I already know my limitations. Now, I no longer want to be with her romantically. At alam niya na 'yon, pero hindi ibig sabihin na lalayo na ako sa kanya. I promise her that I will always be with her side. Lalo na sa problema niyong dalawa. I know what you did, Dark. She told me everything, but I need to hear your side too..." aniya na mabilis kong kinaayos ng upo.


Mabilis akong nakaramdam ng pag-asa nang marinig ko ang sinabi niya. Seryoso itong nakatingin sa akin na tila ba inaaral ang pagkatao ko.


"Kaya kita gustong makita dahil gusto kong tulungan kayong dalawa ng asawa mo. Not because that I am accepting your past and bad treatment with your wife, Dark. Gusto ko kayong tulungan dahil alam kong may pag-asa pa ito." Saglit siyang huminto sa sinasabi at mariin akong binigyang tingin.


"That's why I want you to be honest with me, insan. I know you since we were young, alam kong hindi ka ganito sa babae. Alam kong hindi ka ganito kasamang tao para masaktan ang asawa mo. Kaya sana magawa kitang tulungan dito, Dark." ramdam ko ang sinseridad sa kanyang boses. Sa saglit sa sandali ay ramdam ko na agad ang pagbabadya ng mga luha ko, but I know this isn't the right time to just cry.


Dahil narinig ko na ang kailangan niya sa akin para matulungan ako sa problema ko kay Angel ay humugot muna ako ng maraming lakas ng loob sa sarili. Sana ito na ang huling mababalikan ko ang lahat ng mga kahayupan ko sa nakaraan. Ayoko nang balikan ang nakaraan kong pinagsisisihan ko. Ayoko nang maalala kung gaano ba ako naging masama't walang konsiderasyon sa buhay ng mag-ina ko. Ayoko nang maalala na gago, takot, at mahina ako noon.


Sana ito na ang huling pagkakataon na mababalikan ko ang lahat ng ito...


Sana sa pagkakataon na ito ay umayos na ang lahat sa aming dalawa ng babaeng iniibig ko.





***

JAMES

"Just like you, Angel was my childhood best friend. Mula noong manirahan kami rito sa bansa, siya na ang kasama ko. We used to play and discover many new things when we were young. Then I realized that I love her... high school pa lang kami. But I never told her that because I am scared to lose her. Before college, bago ko siya maging classmate ay sinubukang iparamdam kay Angel na hindi na lang pagiging bestfriend ang nararamdaman ko para sa kaniya." saglit siyang huminto para bigyan ako ng tingin.

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon