Chapter Three

27.4K 446 28
                                    

[FLASHBACK]

"Are you really going now?" tanong ng binatang si Dark sa kaniyang kaibigan na si Angel nang makita niyang tumayo na ito sa kinauupuan at nagsimulang magligpit ng mga librong ginamit nilang dalawa.


"Oo. Diba sinabi ko naman sa'yo na tuwing linggo may lakad kami ni Mama? Kaya kailangan ko nang umuwi sa amin."


Habang tinitignan ni Dark ang kaibigan ay hindi niya maiwasang mapangiti rito. Matagal na siyang may patingin kay Angel, at alam niyang hindi naman lingid sa kaalaman ng kaibigan ang bagay na iyon.


Nang mapansin ang tingin ni Dark ay huminto siya sa ginagawa at masama itong tinignan.


"Kung tulungan mo na lang kaya ako rito."


Mahinang tawa ang nagawa ni Dark at tumayo na rin sa kinauupuan at tinulungan ang kaibigan sap ag-aayos ng gamit. Marami-rami nga ito gaya ng sinabi ni Angel, kailangan kasi nilang mag-review ni Dark sa kadahilanang nalalapit na ang final examination nila bago grumaduate ng kolehiyo sa kursong business administration.


Next month na ang kanilang hinihintay na pagtatapos, kaya puspusan sila kung mag-review para sabay silang makagraduate ng may magandang marka. Matagal na silang magkaibigang dalawa, mula pa noong mga bata pa lang ay sila na ang magkasama. Ika nga nila, childhood best friends.


Angel is currently 20 years old, while Dark is 22. Matanda na noong mag-aral si Dark, kaya naging mag-kaklase silang dalawa mula noong first year college. Sa kanilang dalawang magkaibigan ay si Dark lang ang nagmula sa mayamang pamilya kaya buong pag-aaral niya ay nasa pribado itong kaaralan. Samantalang si Angel naman ay ngayong kolehiyo lamang nakapasok sa private school dahil nakapasa ito sa scholarship program.


"Nakalimutan kong may lakad ka tuwing Sunday, ayain sana kita sa coffee shop. But I understand, bawi na lang ako sa'yo sa Tuesday. Mag-ingat ka sa pag-uwi and thank you na rin pala sa pagsama sa akin mag-review ngayong araw, na refresh ulit sa utak ko lahat ng lessons natin." Maganda ang ngiti ni Dark nang matapos silang mag-ayos ng gamit nilang dalawa. Naupo sa table ang binata at muling tinignan ang kagandan ng babaeng kaharap.


"Ang sabihin mo, hindi ka lang nakikinig sa mga Professors natin. Tapos bukas mawawala na ulit lahat ng inaral natin ngayon. I know you pretty well, Mr. Smith." Pagbibiro't mahinang tawa ni Angel sa kaibigan na agad din namang kinatawa nito.


"I would love that. So, I will have many more reasons to text and meet you every day." Banat ni Dark na kinahinto ni Angel. Kinikilig siya, palagi naman siyang napakikilig ni Dark sa mga banat nito sa kaniya. Ang kaso lang ngayon ay hindi niya mapigilan ang pamumula ng pisngi niya sa harap ng kaibigan.


"Loko ka! Ewan ko sa'yo, Dark! Kailangan ko nang umalis kaya tigilan mo na ako. Ingat ka rin pauwi, iyong pagmamaneho mo ang intindihin mo." Aniya.


"Bye, Anghel ko." pahabol na paalam ng binata.


Dahil para na siyang kamatis sa dinudulot sa kaniya ni Dark ay tumalikod na lamang siya upang matago ang kilig na nadarama ng kaniyang sistema. Naglakad na lamang siya agad para makalayo na sa kaibigan.

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon