Chapter Fifty-Four

9.1K 193 22
                                    

DARK

Marahas ang nagawa kong pagtulak sa babaeng bigla na lamang humalik sa akin sa daan. Dala ng gulat ay hindi ko agad nagawang makagalaw sa kinatatayuan ko kanina. Mabuti na lamang at natauhan din ako sa mga nangyari at nagawang mailayo ang sarili sa kaniya. Isang galit at matalim na tingin ang agad kong nagawa sa babaeng kaharap.


"Who the fuck are you?" galit kong tanong. Galit lamang ang nararamdaman ko sa sistema dahil sa ginawa niya sa akin. I feel fucking violated by this unknown girl.


Sumakit ng matindi ang ulo ko dahil sa pilit na pag-alala kung kilala ko ba siya. Ramdam man ang kirot sa ulo gawa ng mga nangyayari ay nagawa ko pa ring natignan ang gawi kung nasaan ko iniwan si Angel. Nag-aalala ako na baka nakita niya ang ginawa sa akin ng babaeng ito.


"Hindi mo ba ako naaalala—"


Hindi ko na nagawa pang pakinggan ang sinasabi ng babae sa harap ko nang makitang wala na si Angel sa pinag-iwanan ko sa kaniya. Hindi maipaliwanag na kaba ang agad nagsimula sa sistema ko, nandoon pa ang bag niya pero wala na siya. Where is she? Fuck— nakita niya ba ang mga nangyari?


"K-kuya! Kuya! Kinuha po ng mga b-bad guys si A-ate po..." banggit ng isang batang babae. Sinalubong niya ako nang makabalik ako sa lugar kung nasaan lamang si Angel kanina. Tears quickly fell from my eyes, I couldn't even move my whole body as I processed everything in my head. It was as if something stopped my world when I heard what she said to me.


Not again... please...


Matinding kabog sa dibdib ko ang agad naramdaman nang muli kong ibalik ang tingin sa batang nagsabi sa akin niyon. Lumuluha akong lumuhod sa harap niya at nakiusap.


"W-where did t-they go?" utal kong tanong sa pagitan ng pag-luha ko. Nagsimula na ring umiyak ang batang kausap at itinuro ang direksyon patungong exit ng park.


"K-kinuha po siya, Kuya. S-sinakay po siya sa van ng tatlong bad guys at isang babae, K-kuya. S-she's crying p-po... I'm s-sorry po..." nang marinig ko ang sinabi niya ay mapait akong tumango at marahang inabot niya ang kaniyang maliit na pisngi para punasan ang ilang luhang nagkalat doon.


"It's not y-your fault... t-thank you." mahina kong salita. Nang makita ko siyang tumango ay hinayaan ko na siyang umalis habang ako naman ay patuloy na lumuluha habang nanatili sa pagkakaluhod sa lupa.


I don't know what to do... I'm useless. It's all my fault... again.


I'm begging, God... please, help me...


Suddenly, my phone rang in my pocket. The loud noise echoed in my ear that made me come back to the reality of what is happening right at this moment. Kahit kapos sa hininga gawa ng aking pagluha ay nagawa kong sagutin agad ang tawag. It's James.


"Dark! Bakit ngayon ka lang sumagot!? Nakatakas si Nicolle sa kulungan, umuwi na kayo—"


"She took A-angel..." utal kong banggit habang patuloy na lumuluha dala ng galit sa sarili at sa mga nangyayari.


Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon