Prologue

29.4K 432 39
                                    

Her'

Pagkatapos ko siyang bigyan ng isa pang pagkakataon ito lang ang gagawin niya sa akin.

Pagkatapos ng lahat ng binigay ko.

Ibinigay ko sa kaniya ang buong pagtitiwala at pagmamahal ko pero ano ang isinukli niya.

Tinraydor niya ako

Ngayon nagsisisi ako sa lahat ng nangyayari. Ang tanga-tanga ko para hindi siya mahalata.

Ngayon ako ang dahilan ng lahat. Mali ang inaakala ko sa kaniya.

Naaalala ko na ang lahat. Lahat-lahat.

Hindi siya ang minamahal ko. Hindi siya ang taong nagustuhan ko.

Ngayon, hinihintay ko nalang ang parusa sa mga naging desisyon ko; mga maling desisyon ko.

.
.
.

Kung meron pa sana akong oras para itama ang lahat ang kaso wala na. Wala na akong oras.

Hindi ko na maiitama pa ang lahat, wala na akong magagawa kundi ang ihabilin ang lahat ng gusto kong mangyari sa mga kaibigan ko.

Sa mga tunay kong kaibigan.

Naramdaman ko nalang bigla na basa na ang aking pisngi. Luha.

Ito ang nagpapatunay na nasasaktan ako. Ito ang simbolo ng mga sakit na binigay niya sa akin.

Sakit at Pighati

Hindi ko na alam kung gusto ko pa bang lumaban kasi simula ng malaman ko ang lahat, simula ng lokohin niya ako pakiramdam ko pinatay niya na rin ako.

Him'

Hindi ko naman sinasadya na gawin ang lahat ng iyon. Simula pa lang ay ayoko na pero wala akong magagawa.

Ayokong masaktan siya at worse mamamatay.

Iyon lang ang paraan para mapangalagaan ko siya at para wag siyang hawakan ng ibang tao.

Kaya kong isakripisyo ang lahat para sa kaniya. Kahit pa ang buhay ko.

Dahil kung mawawala rin naman siya, mas mabuti pa na mawala na rin ako.

Alam ko na sobrang sakit ang nararamdaman niya ngayon. Na pakiramdam niya ay tinraydor ko siya. Wala na akong pakialam kung anong isipin niya tungkol sa akin ang mahalaga ma-protektahan ko siya.

Pero ngayong umalis na siya sa poder ko. Hindi ko na alam kung paano ko siya pro-protektahan laban sa mga gustong pumatay sa kaniya lalo na at pinasok na niya ang Aking Mundo.

Kung tutuusin ay ayoko na siyang kunin dahil tahimik na ang buhay niya pero talagang mapaglaro ang tadhana.

Nangyari pa rin ang hindi dapat mangyari.

Hindi niya pa rin ako pinagbigyan. Pinaglaruan niya pa rin ako/kami.

Someone'

Ngayong iniwan niya na siya kukunin ko na siya. At sisiguraduhin ko na hinding-hindi niya na siya masasaktan.

Gagawin ko ang lahat ng magagawa ko.

Lalo na at parang umaayon sa akin ngayon ang tadhana.

Hindi ko na hahayaang masaktan pa siya. Minsan na akong nagpaubaya pero sinayang niya ang pagkakataon na ibinigay ko.

Kaya ngayon sana hindi siya magsisi sa mga bagay na ginawa niya.

Pero sabagay kahit naman magsisi pa siya huli na ang lahat. Huli na ang lahat para sa kaniya at sa kanila.

Sometimes, things are better left as mere memories...






🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱

Hello! This is the Book 2 of Royalties Academy. So, better read that one before this one.

~This story is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either product of author's imagination or used in a fictitious matter. Any resemblance to actual persons living or dead, or actual events is purely coincidental.

~Plagiarism is a crime

~Sorry for grammatical errors

©Ladychinderella

Enjoy reading! I love you all! Eto na yung hinihintay niyo na Book 2 ng Royalties Academy.

Napaka-raming nagsasabi na gumawa ako ng Book 2. Ang sabi nila BITIN, Hindi daw nabigyan ng Justice, may mga tanong na hindi pa nasasagot daw yung Book 1. Kaya heto na.

Entering The Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon