Chapter 42

2.5K 65 2
                                    

Axl's POV

Paalis na ako ngayon ng Headquarters at mukhang hindi sasama sa akin si Reid.

Napa-iling na lang ako at napabuntong hininga.

"Hey! Wait up."-sigaw ng isang tinig dahilan para mapalingon ako at napangiti ako ng bahagya ng makita ko si Reid.

"You'll come?"-tanong ko.

"Tsk! Magpapahintay ba ako kung hindi."-aniya sa akin at bumaba na ng hagdan para makalapit sa akin.

Palabas na kami ng Headquarters ng biglang may magsalita sa likuran. Napalingon ako at pati na rin si Reid.

"Hey guys! Where you going?"-tanong sa amin ni Yohann habang nagkukusot pa ng kaniyang mga mata. Tsk! Sleepyhead ang akto niya ngayon.

"Somewhere."-sagot ko sa kaniya.

"Pasama ako. Wait lang madali lang akong magbibihis."-bilis-bilis na saad niya at saka naglakad na paakyat ulit.

"Wag ka ng sumama. Pupunta kami kung saan wala ka."-saad ni Reid. Napangisi ako sa kaniyang sinabi.

"Huh? Ang sama niyo naman. Ikaw, King hindi ka man lang ba nakokonsensya. Ako lagi ang nandito kapag kailangan mo. Ako lang. Ako!"-pag-dradrama ni Yohann. Napailing na lang ako sa drama niya ngayon. Best Actor.

"Matulog ka na lang mabuti pa."-walang gana na saad ko sa kaniya at tinalikuran na siya para makaalis na.

"Sige ganyan kayo. Inaaway niyo ako."-parang bata na saad ni Yohann sa amin.

"Ang drama mo tol! Hindi bagay sayo."-sigaw ko sa kaniya at saka pumunta na ako parking lot.

"Axl my loves. Talaga bang matitiis mo ako?"-parang babae na saad ni Yohann. At talagang hinabol pa kami ng loko.

"Tigil-tigilan mo ako, Yohann Leogo. Wala akong panahon para sa iyo."-sagot ko sa kaniya at saka sumakay na ako. Bahala siya kung ano-ano na naman ang naiisip niya.

Papasok na rin sana si Reid sa kaniyang Porsche ng ilawan ko siya dahilan para mapatingin siya sa akin ng naka-kunot ang noo.

Binuksan ko ang bintana ko at saka nagsalita.

"Sumabay ka na sa akin. Para mas mabilis tayo."-saad ko sa kaniya. Kahit ngayon gusto ko sanang makasama ulit siya. Alam ko na may tiyansa na talagang masira na ng tuluyan ang pagkakaibigan namin pero tanggap ko naman na.

Nagulat ako ng wala akong marinig na reklamo mula sa kaniya at saka siya sumakay sa aking Lamborghini.

"Saan ba talaga tayo pupunta?"-tanong niya sa akin ng makaalis na kami sa HQ.

"Just watch out."-sagot ko sa kaniya.

"Tsk!"-saad niya at saka iniiwas na ang tingin niya sa akin.

"Talaga bang mahal mo si Denice?"-tanong ko sa kaniya ng hindi siya tinitingnan.

"Hindi pa ba halata? Kulang pa ba lahat ng ginawa at ginagawa ko?"-sascastic na tanong niya sa akin.

"I think your obsessed."-sabi ko sa kaniya at saka tiningnan siya ng saglit. The start of the plan.

"Tsk! Tingin mo lang yun. Ikaw, gusto mo ba siya? Oh! Let me rephrase it. Mahal mo ba siya?"-baling na tanong niya sa akin.

"Lagi na lang bang siya ang iisipin mo? Gagawa ka ng isang bagay na masama para lang mapapunta siya sayo? Kahit na pati ang buong pagkatao mo naaapektuhan lalong lalo na ang mga tao sa paligid mo."-sabi ko sa kaniya at napantingin ako sa aking cellphone dahil nag-vibrate iyon.

Entering The Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon