Chapter 29

3K 87 0
                                    

Sam's POV


Nandito na ako ngayon sa Grand Mansion. Pagkatapos ng nangyari sa park ay napangiti na lamang ulit ako.

~Flashback~

Nang nakabalik si Axl sa pwesto namin ay napahagalpak nalang kaming dalawa sa tawa.

Alam namin na si Reid ay sumunod kay Axl at pinlano talaga namin na magsabihan ng mga ganoon.

"A-adik ka talaga! Hahaha!"-saad ko sa kaniya habang tawa ng tawa at nakahawak na sa tiyan ko.

"Gusto kong malaman kung ano ba ang gagawin niya."- nakangiting sagot niya sa akin.

"P-pero alam mo naman na magagalit iyon. Hahaha!"-patuloy na saad ko sa kaniya. Nang ma-realize ko ang sinabi ko ay napatulala at naging seryoso ako.

"Hey! Cheer up. Ang sigla-sigla mo kanina tapos ganyan. Syempre sasabihin rin natin sa kaniya ang totoo."- saad niya sa akin at tumawa ng pagak.

Ang totoo naman kasi ay pag-uusapan namin ang tungkol sa Gangsters World pero naisip namin na ibahin dahil ayaw na namin na malaman pa ni Reid.

Nag-panggap kaming dalawa na nasa isang relasyon kaming dalawa. Pero ang totoo ay may pag-uusapan kami tungkol sa GW. At isa pa were use to be Best Friend.

Minsan sa tuwing may problema ako sa kaniya ako nagsasabi. Kapag may hindi ako alam siya ang nagsasabi sa akin. Sabagay mas bihasa nga naman siya sa akin. Mas matagal na siya sa akin dito sa Mafia World/Society.

"I think we cant talk anymore. I have to go."-saad ko sa kaniya at tumayo na ako saka ako nagpagpag.

"I think so. Let's go."-akit niya sa akin at tumayo na rin siya.

Habang naglalakad kami ay medyo napapatawa pa rin kami. Pero ng maisip ko na ang mga pwedeng mangyari ay parang bigla akong naalerto.

"Axl, iwasan mo na muna si Reid."-seryosong saad ko sa kaniya dahilan para mapatingin siya sa akin.

"Huh? Why?"-nagtatakang tanong niya sa akin.

"Kilala natin si Reid he might hurt you in many ways. He is so stubborn"-seryosong sagot ko sa kaniya.

"Ako na ang bahala. Wag mo ng alalahanin. Kaya ko siya"-sagot niya sa akin gamit ang kaniyang cold voice. Napabutong-hininga ako.

"Just do what I say. Axl, it might cause trouble."-nag-aalalang sambit ko sa kaniya.

"Were in a trouble since he forget that I am a friend of him. But dont worry hindi kita idadamay pati na ang Mafia World."-cold na sagot niya sa akin.

"Axl, please...umiwas ka na lang."-pakikiusap ko sa kaniya.

"Its time...its been a long time. At sa tingin ko panahon na para lumaban naman ako."-seryosong saad niya sa akin dahilan para mapatingin ako sa kaniya ng nag-aalala.

"Axl!"-sigaw ko na sa kaniya at tumigil na ako sa paglalakad ko. Natigilan rin siya at saka nagsalita sa akin.

"Denice, sa ngayon wag mo na muna kaming alalahanin. Kaya na naming dalawa ito. Isipin mo ang Mafia World it should be your priority."-sambit niya.

Sa sinabi niyang iyon ay bigla akong napaisip. Tama ang sinabi niya na dapat ang MW ang priority ko pero wala na ba akong karapatan para pigilan sila? Kahit hindi na bilang Queen ng MW kahit bilang kaibigan lang nila.

~Flashback Ends~


Nawala ang mga ngiti ko sa aking labi at napalitan iyon ng pait.

Nandito akong muli sa MOB; sa opisina ko. Marami na naman akong trabaho na dapat asikasuhin. At isa na roon ang pag-abroba sa mga papeles ng bawat Mafia.

Dumadaan muna sa akin lahat ng papeles bago isagawa ang transakyon at kapag hindi ko inaprobahan ay walang mangyayari na transaksyon.

Nahihilo na ako ngayon dito sa opisina puro mga papeles ang kaharap ko dito.

Wala akong kausap. Ngayon ko nararamdaman ang hirap mag-trabaho. Mga tao rin kami at nagtratrabaho ang kaibahan lamang ay illegal ang ginagawa namin.

Habang ginagawa ko lahat ng dapat kong gawin ay biglang bumukas ang pinto at saka iniluwa si Reid.

Noong una ay nabigla ako ngunit mabilis kong iniiwas tingin ko sa kaniya bago ako magsalita.

"Anong ginagawa mo dito?"-walang ganang tanong ko sa kaniya at itinigil muna ang ginagawa ko para tingnan siya.

"Gusto lang kitang bisitahin."-sagot niya sa akin at ngumiti pa bago umupo sa upuan na nasa aking harapan.

"Im busy, you can go."-maikling saad ko sa kaniya at saka ibinalik ko na ang atensyon ko sa ginagawa ko ang kaso nga lang ay hindi na ako makapag-concentrate. Damn him! He's distracting me.

Tumingin ako sa kaniyang ng masama at saka nagsalita.

"Go, youre distracting me. I have many works to do."-mataray na saad ko.

"Ganyan ba talaga ang pakikitungo mo sa second option mo? By the way, Im glad that I distract you. Finally, I get SOME of your attention."-sarcastic na saad niya sa akin dahilan para matigilan ako at saka mapatingin sa kaniya. Napanganga ako ng bahagya.

"Dont worry, tanggap ko naman na pangalawa lang ako..."-ani niya sa akin at ngumisi pa.

"Shup up, Reid. Your talking about non-sense."-walang emosyon na sabi ko sa kaniya at saka nagsalita ako sa intercom ko.

"Get Mr. Fortalejo out of my office."-pormal na utos ko sa aking sekretarya. Hindi na hinihintay pa ang kaniyang pagtugon.

"But remember this, i'll do anything to get you back. To be your one and only option. Even it will affect others, I dont care."-mapanganib na saad niya sa akin.

"Reid. Naiisip mo ba ang mga sinasabi mo sa akin ngayon? You look like a crazy man."-asiwa na sabi ko sa kaniya.

"Yeah, I am crazy for you."-nakangising sabi sa akin ni Reid.

Hindi ko na alam kung maaasar ba ako? O matutuwa sa mga sinasabi niya. May part na kinikilig ako pero may part rin na nag-aalala ako at mas malaki ito.

Pwede siyang may gawing masama dahil lang sa pag-ibig niya sa akin. At ayokong mangyari iyon.

"Dont you dare to do those things."-mapanganib na saad ko sa kaniya mabuti na lamang at hindi ako nautal.

"Oh silly girl. Kung ayaw mong may gawin ako na hindi mo gugustuhin then come with me....love me"-aniya sa akin pero sa bandang huli ay medyo naging malambing at maamo ang kaniyang boses.

Natulala ako sa sinabi niya. Natauhan na lang ako ng biglang dumating ang mga butler na pinatawag ko.

Kinuha na nila si Reid pero kitang-kita ko pa rin ang nakangising mukha ni Reid.

"Wait for me...i'll fight for you."-mapanganib na sigaw ni Reid sa akin bago siya lumabas ng aking opisina.



🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱

Thank you for reading!
Thank you for your support!

Vote and Comment...
Follow me...

👑Ladychinderella

Entering The Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon