Chapter 28

3.4K 82 5
                                    

Someone's POV

"Ngayon alam na natin ang pwede nating gawin."-sambit ko sa kanilang lahat.

"Anong ibig mong sabihin?"-nagtatakang tanong ni E.

"Just watch."-nakangising saad ko. Pero alam ko naman na malalaman rin nila iyon kaya dont need to worry dahil kasama ko pa rin sila.

"Pero paano kung magalit siya sa atin kapag ginawa natin ang pinaplano mo?"-nagtatakang tanong ni P.

Alam kong alam nila na hindi maganda ang iniisip ko. Pero para rin naman ito sa kapakanan niya. Para mapatunayan namin na karapat-dapat ang pinili niya.

"Wala siyang magagawa para pigilan tayo dahil karapatan natin na gawin ang mga bagay na ito."-saad ni O.

"At isa pa, kaya lang naman tayo nakikipag-lapit sa kaniya dahil kailangan. Para mas makakuha tayo ng impormasyon sa buhay niya."-singit naman ni A.

"Dont worry about her. She cant do anything against us."-mapanganib na saad ni R.

"Oh! If you dont remember. R----- she's our Queen. She can do anything that you think she cant."-biglaang sagot ni E.

"Tsk!"-tanging sagot ni R.

"Just ready yourselves."-cold na saad ko sa kanila at saka umalis at umakyat sa aking silid.

Sa ngayon ay may pinagkaka-abalahan ako na alam kong napaka-importanteng detalye ng buhay niya.

Kailangan kong pagbutihin ito.



Sam's POV

Nang makaalis ako sa HQ ng 5 Royalty ay tinext ko si Axl na magkita na lang kami sa park na malapit lamang dito.

Kung saan ko unang nakita si Cassiopeia. Kung saan ko natuklasan ang Mafia World.

Nang makarating ako doon ay napaka-tahimik na ng lugar. Hindi tulad noon. Siguro dahil nawala na rin ang 5 Royalty sa RA kaya medyo natahimik.

Ilang sandali ang aking hinintay bago dumating si Axl.

"What took you so long?"-cold na tanong ko sa kaniya ng hindi tumitingin sa kaniya.

"Some matters."-maikling sagot niya at naupo sa aking tabi.

"Sinabihan ko na siya kaya siguro naman ay kahit papaano ay magbabago siya."-panimula ko.

"Paano kung mas lumala? Paano kung isipin niya na inutusan kita?"-walang emosyon na tanong niya sa akin pero alam ko na nababagabag siya.

"Dont worry i'll handle it. By the way, ano na ang nangyayari sa Gangsters World ngayon?"-tanong ko sa kaniya.

Isa siya sa mga Ghost Gangster sa GW. Malakas siya at kinatatakutan pero hindi naman siya kilala. He's still a Mystery Person for them.

Nakakabisita pa rin ata siya sa Gangsters World kaya pwede kong malaman ang nangyayari sa dati kong mundo.

"Its okay. Tumahimik ng nawala ka. Strange, right? Dapat ay mas gumulo ito dahil nawala ang kumo-kontrol."-nakangising saad niya.

Napakibit-balikat na lamang ako.

"He envy you."-wala sa sariling saad ko.

"What?"-naguguluhang tanong sa akin ni Axl.

"Naiinggit sayo si Reid kaya siya nagagalit sayo."-sagot ko sa kaniya.

"Come again? Paanong nangyari iyon?"-nagtatakang tanong niya.

"Its true I can see it in his eyes..... Because of me."-sagot ko sa kaniya na nagpakunot ng noo niya.

"I think we should stop this relationship."-dugtong ko pa. Actually, naisipan ko lang itong sabihin at hindi ko alam na sasakyan niya ang trip ko.

May kakaiba kasi sa paligid namin ngayon. Para may nagmamatyag.

Na-predict na namin ang mga pwedeng mangyari kaya naagapan namin.

"You want to stop just because you thought that you are the reason of all this shit? ..Crazy.."-sarcastic na saad niya sa akin at tumingin sa kalangitan.

"But Axl, paano kapag nalaman na nila? Ano na lang ang pwedeng mangyari?"-nag-aalalang tanong ko sa kaniya. Pakiramdam ko ay nagtataksil ako kay Reid at Axl.

Ayokong masira sila ng dahil sa akin. Kahit na may lamat na ang relasyon nila alam ko na pwede pa iyong maayos.

Hinawakan niya ang aking kamay at saka nagsalita.

"We can do this together. Just hold on..please. I love you."-usal niya sa akin dahilan para mapatingin ako sa kaniya at mapangiti.

"I will, I love you too."-saad ko.

Hinawakan niya ang baba ko at saka unti-unti siyang lumapit. Were about to kiss when we heard someone.

May narinig kaming kaluskos dahilan para mapatigil kami.

Napatingin kami sa gawi kong saan nanggaling ang tunog. Tumayo pa si Axl at saka nilapitan ang pwesto na iyon ang kaso wala naman siyang nakita.

Nagkatinginan kaming dalawa dahil nangyari. Tama nga ang hinala ko. Sinasabi ko na nga ba. May nag-ma-matyag sa amin. Mabuti na lamang at hindi namin natuloy ang usapan na tungkol sa Gangsters Worls.


Reid's POV

Mga hayop sila. Akala ko ba ako lang? Pero niloko niya ako. Niloko nila ako. Aayusin ko na sana ang pagkakaibigan namin ni Axl pero lalo niya lang sinira ang tiwala ko sa kaniya.

Oo, sinundan ko si Axl. Nag-hinala na kasi ako una pa lang.

At tama nga ang hinala ko. Meron silang relasyon ng palihim. Napasuntok ako ng ilang beses dito sa pader na kaharap ko.

Ano ba ang nagawa ko para mangyari ito sa akin? Ito na ba ang karma ko sa mga ginawa ko noon? Sa mga pinatay ko at sinaktan ko.

Pero parang sobra-sobra naman atang karma ito. Dahil mas gugustuhin ko pa na mamatay kesa makita ang babaeng pinakamamahal ko sa kamay ng iba.

Kunin na nila sa akin ang lahat wag lang si Denice. At kayang-kaya kong pumatay mapa-saakin lamang si Denice kahit pa kaibigan ko siya.

"Let the game begin..Axl"-nakangising saad ko.

Gagawin ko ang lahat makuha ko lang siya. Mapasakamay ko lang siya.

Sige,papayag ako sa gusto nila. Makikipaglaro ako sa kanila pero sisiguraduhin ko na ako ang mananalo.

Sisiguraduhin ko na magsisisi sila dahil sa ginawa nila.

Hindi ko namalayan na pumatak na pala ang luha ko. Pinahid ko iyon at pilit na pinigilan ang pagtulo nitong muli.

Pagbabayaran nila ang bawat luhang pumapatak ngayon sa aking mata. Ipapamukha ko sa kanila na mali ang kanilang kinalaban.

Makikita nila kung sino ang totoong Reid Fortalejo.

Makikita nila kung paano ako magalit. Kung paano ko kukunin ang babaeng pinakamamahal ko.

Sa karahasan man o sa santohan. Kukunin ko siya.

Kukunin kita

Denice Taracina Del Valle...

Sa ayaw at sa gusto mo sa akin ka mapapapunta. Akin lamang at wala ng iba pa.



🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱
Who will win in this battle?
Who will win Samarah/Denice Heart?
Is it Reid? Or is is Axl?

Abangan...

Thank you for reading!

Vote and Comment...
Follow me...

👑Ladychinderella

Entering The Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon