Chapter 57

2K 47 1
                                    

Sam's POV

Isa-isa kong pinaputukan ng baril ang mga nakapaligid na men im black sa akin.

Pero parang hindi sila tinatablan. Tumutumba man ang iba ang kanila pero matatagalan pa. Sh*t! Para silang mga zombie.

Pero mukhang talagang sanay at bihasa sila sa pakikipaglaban dahil kung titingnan mo ang bawat ikinikilos nila ay parang wala kang makikita na mali.

Tama ang paggamit ng katana. Bulls'eye silang bumaril at kahit ang pagbato ng shuriken ay nagagawa nila ng magaling.

Mabuti at malapit na ako sa pasukan ng MOB. Kailangan ng umalis ng lahat ng Mafioso.

Hindi ko maaatim na makita silang patay at luhaan ang mga natira.

Kadikit ko ngayon si Yohann. Oo, siya nga. Marunong din naman pala siyanv mag-seryoso.

"Queen, you need to escape. Unti-unti ng nauubos ang mga tauhan at underlings natin."-bulong sa akin ni Yohann.

"Yohann, you know that I wont escape. I wont leave you and the others."-pagtutol ko sa kaniya at binaril ang papalapit sa amin na men in black.

Ilang sandali pa nawala na ang mga nakapaligid sa amin na men in black kaya dali-dali kaming pumasok sa MOB.

Pumunta ako sa Arm Forces Room at saka pinanatiling bukas iyon para makakuha na rin ang iba ng kanilang mga armas.

Pagkatapos kong kumuha ng 3 baril at ilagay ang dalawa sa aking tagiliran at sa aking hita ay lumabas na rin ako at pumunta sa Monitoring Room.

Akala ko hindi na ako mabibigla kung marami akong makikita na patay pero mali pa rin ako. Nabigla at napatakip ako sa aking bibig sa aking nakikita ngayon.

Napapikit ako ng mariin bago ko pinindot ang buzzer na mag-aalerto sa lahat ng Mafioso na nandito sa MOB.

Buzzer na ang ibig sabihin kapag tumunog ay evacuate. Kailangan na naming tumakas dito dahil hindi namin ito kakayanin.

Masyadong lumakas ang mga Rogues samahan pa ng mga men in black na sigurado akong may kinalaman ang Underground Society.

"Evacuate. Leave."-mariing saad ko. Pagkatapos kong sabihin iyon ay tumawag agad ako sa Mafia Taracina para dumating ang mga back-up.

Lumabas na rin ako at nakita ko na tumatakas na nga ang iba pang mga Mafioso na nasa mababa ang posisyon.

Unti-unti na rin naman na nawawala ang mga men in black.

Agad na rin akong bumaba at sinalubong nina Yohann.

"Queen, we need to go to the Arena. Now."-humahangos na saad ni Danzelle sa akin.

Tumakbo na sila palabas ng MOB na agad ko rin namang sinundan patakbo.

Pagkalabas ko ng MOB ay hindi pa rin naman nawawala ang mga men in black pero kakaunti na sila.

Babarilin ko pa sana sila ang kaso nga lang agad na silang tumumba dahil sa pagbaril ng isang tao.







Nathe?

3rd Person's POV

Agad na nakuha ng mga Mafioso ang signal ng kanilang Queen na lumikas na kaya naman sa bawat pagkakataon na makakatakas sila ay tumatakas na sila.

Pero sinadya ng mga Mafia Boss ng Top 15 na magpatira dahil alam nila na kakailanganin sila ng kanilang Queen.

Sina Danzelle at Afira ay magkasama sa pakikipaglaban sa mga men in black.

Si Danzelle ang namamana habang si Afira naman ay nagbabato ng kaniyang mga shuriken.

Pareho nilang forte ang ginagawa nila kaya naman inakala nila na hindi sila mahihirapan ngunit nagkamali sila dahil mabibilis ang kanilang mga kalaban.

Pero natalo pa rin naman nila. Nagkangitian sila bago lumisan sa lugar na iyon.

Si Axl at Reid naman ang magkasama sa pakikipaglaban.

Si Reid ang nakikipagbarilan habang si Axl naman ay gumamit ng katana sa pakikipaglaban.

Mabilis naman nilang natalo ang kanilang mga kalaban. Kaya agad nilang tinulungan si Aaron Imperial; ang heiress ng Mafia Imperial na mag-isang nakikipaglaban sa mga men in black.

Samantalang, mag-isa na nakikipaglaban si Andrew Montereal para maprotektahan si Lindsey laban sa mga gustong manakit dito.

Nang matapos patayin ni Andrew ang mga kalaban ay agad niyang nilapitan si Lindsey.

"Lindsey..."-banggit ni Andrew at marahang hinaplos ang mukha ni Lindsey.

"A-andrew, Im o-okay....you n-need to e-escape now b-before its t-too late....I c-can handle m-myself."-putol-putol na saad ni Lindsey. Unti-unti na siyang naglalabas ng dugo mula sa kaniyanv bibig.

Isa lang ang ibig sabihin nito. Umeepekto na ang substance na dala ng dagger na isinaksak sa kaniya.

"I wont leave you, Solomon. If I will escape now you'll come with me."-saad ni Andrew Montereal at saka iniayos ang pwesto ni Lindsey.

Kinuha niya ang chip na nakakabit sa kaniya na konektado sa kanilang Mafia.

Pwede niya iyong gamitin para mag-command sa nasasakupan niya.

"I need back up here in MOB. Trace my location. I'll wait for 10 minutes."-saad ni Andrew at saka kinausap si Lindsey muli.

"Lindsey, stay still. They're coming."-hindi mapakali na saad ni Andrew.

"M-montereal, go n-now. I c-can do t-this. G-go and e-escape."-huling saad ni Lindsey at unti-unti na siyang napapikit.

Si Fleah at Aireine ay magkasama sa pagpasok sa loob ng MOB ng maabutan nila si Samarah na papalabas ng MOB kaya agad nilang tinungo ang lugar nito.

Ngayong magkakasama na silang tatlo ay takang napatanong si Samarah.

"Where is Lindsey?"-takang tanong niya sa dalawa niyang kasama.

Pareho silang natigilan at hindi alam kung ano ba ang isasagot pero nakasagot rin.

"Nagkahiwa-hiwalay kaming tatlo. Nagkasama nalang kami ni Aireine sa may Arena"-paliwanag ni Fleah sa mga nangyari.

"Let's go and find her."-saad ni Aireine.

"You two go and find her, i'll just go to the Arena. Meet me there."-ani ni Samarah.

"But why in the Arena?"-takang tanong ni Aireine.

"There are bunch of people there. I saw in the monitoring room. I think doon sila nagtipon-tipon."-paliwanag ni Samarah at tumungo na papunta sa Arena.

Samantalang ang dalawa naman ay agad ng tumungo para hanapin ang kanilang kaibigan.

Sa paghahanap nila ay napunta sila sa medyo tago na lugar at nakita nila ang dalawang tao na nakasalampak sa damuhan.

Agad nila itong nilapitan at nabigla sila sa kanilang nakita.






🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱

Thank you for reading!
Keep on supporting!

Hope you enjoy ;)

Vote and Comment...
Follow me...

👑LadyChinderella

Entering The Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon