Chapter 63

2K 40 3
                                    

Fleah's POV

Hanggang ngayon ay nakahiga pa rin siya sa puting kama. Marami pa ring aparato ang nakalagay sa kaniyang katawan.

Maputla pa rin ang kaniyang katawan. Nakakalungkot isipin na ganito pa rin siya hanggang ngayon.

Halos 1 buwan na siyang nakaratay. Ang kaibahan nga lang sa ngayon ay malaki na ang chance na mabuhay siya.

Hindi katulad noon na walang-wala talaga halos pag-asa na mabuhay siya.

"Kailan ba nila tayo papayagan na lapitan siya?"-nanghihina na tanong ko kay Aireine.

Its been 1 month, simula ng makuha si Samarah. At simula rin ng iwan nila si Samarah na delikado ang lagay.

Sobra ang galit namin sa kanila dahil sa ginawa nila pero paano kung may malalim silang dahilan?

Hindi ko lang maisip na nagawa nilang iwan sa ere si Samarah. Nagawa nilang iwan si Samarah habang nag-aagaw buhay. Mabuti na lamang at nandyan ang Undeground Royalties.

"In the mean time.."-sagot ng isang boses dahilan para mapalingon ako sa kaniya. Quatro.

Habang pinagmamasdan namin sila Uno at Tres na nasa loob kasama ni Samarah ay hindi ko maiwasang mainggit sa kanila.

Sana kami nina Aireine ang nasa loob at nagbabantay sa kaniya. Sana kami ang nasa tabi niya sa oras na gumising siya.

Nagulat kaming tatlo ng bigla tumayo sina Uno at Tres at biglang lumapit kay Sam.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita kong unti-unti nagmulat na ng kaniyang mata si Sam.

Napahawak ako sa salamin na naghihiwalay sa amin kay Samarah.

"Sam.."-narinig kong usal ni Lindsey. Oo, magaling na siya. 2 linggo rin siyang nakaratay sa Hospital pero agad rin naman siyang naka-recover.

Agad akong pumunta sa pintuan at pilit iyong pinipihit para mabuksan at makapasok kami pero hindi namin magawa.

"Sam!"-saad ko habang kinakalampag ang pintuan.

Tumigil lang ako ng may maramdaman ako na parang may kung ano na tumurok sa aking batok.

Napahawak ako sa batok ko at napatingin ako sa aking likuran.

Shit! Ano ang itinurok niya sa akin?




Uno's POV

Agad kong nilapitan si Samarah ng biglang gumalaw ang kaniyang daliri at unti-unting nagmulat ang kaniyang mga mata.

Pagkalapit ko sa kaniya ay agad naming chi-neck ni Tres ang kaniyang mga aparattos at syempre ang kaniyang kalagayan.

"Samarah, anong nararamdaman mo?"-tanong ni Tres kay Samarah.

"I-i need water..."-mahinang usal niya sa aming dalawa.

Agad kong inutusan si Tres na kumuha ng tubig na agad niya rin namang sinunod.

"Samarah, anong nararamdaman mo?"-ulit na tanong ko sa kaniya.

Mataman niya lamang akong tiningnan sa aking mga mata na para bang may gusto siyang iparating.

Tumango na lamang ako sa kaniya at saka nginitian siya.

Bigla akong nag-panic ng bigla siyang napahawak sa kaniyang ulo at mahina siyang sumisigaw na palakas na rin ng palakas ng tumagal.

"A-ahhh! Aahhhh! I-it hurts a lot!!"-sigaw niya habang nakahawak pa rin sa kaniyang ulo.

Nang dumating si Dos na may dalang tubig ay hindi ko na muna pinainom si Samarah.

Saka ko lamang siya pinainom ng sa tingin ko ay humupa-hupa na ang sakit sa kaniyang ulo.

Nang makainom siya ng tubig ay parang lalong sumakit ang kaniyang ulo. No choice ako kundi turukan namin siya ng pain reliever.

"Tres get the syringe. PR10."-mariing utos ko kay Tres na agad niya namang naibigay sa akin.

Nang itinurok ko iyon kay Samarah ay unti-unti na siyang kumakalma pero at the same time para siyang nahi-hypnotize.

Normal na lang naman ang nagiging epekto sa kaniya. Unti-unti ay nawalan na siya ng malay at muling nakatulog.

Kumalma na rin naman kami ni Tres at saka naupo muli sa aming kinauupuan.

"Uno, I think her memory is coming back. That's why she is like that."-saad ni Tres sa akin. Tama siya, siguro nga ay bumabalik na unti-unti ang mga memorya niya.

"I think so."-usal ko lamang sa kaniya at saka tumayo na.

Kailangan ko munang umalis dito para malaman ang nangyayari sa Mafia World at Gangsters World.

Lumabas na ako ng kwarto ni Samarah at agad sumalubong sa akin sina Fleah, Aireine at Lindsey na hindi mapakali.

"Uno, what's happening to her? How's her condition? Is she okay?"-sunod-sunod na saad ni Aireine sa akin.

Pumikit muna ako ng mariin bago ako nagsalita sa kanila.

"She's going to be fine."-tanging sagot ko lamang sa kanila at saka nilagpasan na sila.

"Please, let us enter this room."-narinig kong usal ni Lindsey bago ako tuluyang makalayo sa kanila.

Habang naglalakad naman ako papunta sa aking kwarto ay nakasalubong ko naman ang isang tao na siguradong magtatanong rin sa akin kung kamusta na si Samarah.

"Uno, how's her condition? I heard she's awake."-humahangos na sambit sa akin ni Samuel.

"She's recovering. For now she's sleeping."-maikling sagot ko sa kaniya at saka lalagpasan na sana siya pero agad niya akong hinawakan sa aking braso.

"How about our family? How's our Father and Mother? How's our Nanni?"-sunod-sunod na tanong niya sa akin. Napalingon naman ako sa kaniya at saka ko hinila ang aking braso dahilan para mapabitiw siya sa akin.

"Their fine. Dont worry about them. In the mean time you'll meet them. But not now."-sagot ko at tuluyan na akong umalis sa kaniyang harapan.

Habang naglalakad ako ay sumagi sa aking isipan kung bakit nga ba namin ito ginagawa? Kung bakit namin gustong makuha si Samarah? Kung bakit all this time pinoprotektahan namin siya? Kung bakit nandito lang kami palagi para sa kaniya.

Pero agad akong umiling at inalis sa aking isipan ang mga iyon.

Hindi ito ang tamang panahon para isipan ang mga ganung bagay.

Gusto ko munang mag-concentrate ngayon kay Samarah at sa mga bagay na mahalaga sa kaniya.

Pagkapasok ko sa aking kwarto ay agad kong binuksan ang aking laptop.

Hindi ko maiwasang magalit sa nakikita ko ngayon. Wala na sa aming usapan ang ginagawa niya sa Mafia World.

Sigurado ako na magagalit ng lubusan si Samarah kapag nalaman niya ang nangyayari ngayon sa Mafia World.

Kailangan kong alamin ang mga plano nila.

Hindi ako papayag na mapalitan nila ang Mafia Taracina sa pwesto. Hindi ako makapapayag na sila ang mamuno sa Mafia World.

Dahil simula pa lang hindi na sila nararapat na mapunta sa Mafia World.

Dahil alam ko...






Alam namin...







Na sisirain lamang nila ang Mafia World

Gagawin nila ang lahat masira lang ang Mafia Taracina sa buong Mafia World.



🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱

Thank you for reading!
I hope you enjoy ;)
Keep on supporting

Instagram: aikaterine_23
Twitter: Aikaterine23

Vote and Comment...
Follow me...

👑LadyChinderella

Entering The Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon