Chapter 39

2.5K 68 2
                                    

Sam's POV

Nandito kami ngayon sa RBB. At kanina pa ako init na init kay Reid. Paano ba naman wala ng ginawa kundi ang sumiksik.

"Reid, umisog ka nga don!"-inis na sambit ko kay Reid pero ibinaon niya pa ang mukha niya sa buhok ko. Ugh! What the Heck?!

"Reid! For pete's sake.!"-inis na saad ko na sa kaniya. Dahilan para mapatingin siya sa akin at sakto naman na nakakunot ang noo ko.

Kanina pa kasi ako asar na asar sa kaniya. Hindi matigil.

Mabuti na lamang at dumating na rin si Lindsey kaya nawala ang awkwardness sa amin. At may kasama siya; si Axl.

"Hi! Am I welcome here?"-tanong niya agad sa amin ng nakangiti pero umupo rin naman sa tabi ni Danzelle kahit wala pang nasagot.

"Of course!"-nakangiting sagot ko sa kaniya.

"So cheers!!"-biglang singit ni Yohann at saka itinaas ang kaniyang kupita.

"Cheers!"-sabay-sabay kaming lahat. At saka kami nag-tose.

Habang nagkakasayahan kami bigla akong nakaramdam na kailangan kong pumunta sa CR.

"Excuse me I just need to pee."-saad ko sa kanila at umalis na doon sa pwesto namin.

Habang nilalakbay ko ang daan patungo doon sa CR ay may napansin ako na parang kakaiba.

Hindi ako nagpahalata na nakakaramdam na ako ng kakaibang presensiya. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad papunta sa CR at ng papasok na ako ay sandali akong tumigil pero nagpatuloy na rin ako.

Nag-isip muna ako ng paraan kung papaano ko ba mahuhuli ang nagmamatyag sa akin.

At ng makaisip na ako ng paraan ay saka ako lumabas ng may ngisi sa aking labi.

Ilang sandali pa ay nahanap ko na ang taong kanina pa ako nagsususpetya.

Naka-sumbrero siya para hindi makita ang kaniyang mukha at nasa madilim pa siyang parte.

Lumapit ako ng pasimple at saka nagsalita.

"Sasabihin mo sa akin kung ano ang motibo mo o papatayin na kita ng tuluyan?"-mapanganib na tanong ko doon sa lalaki.

Hinarap ko siya at kitang-kita ko sa kaniyang labi ang kaniyang ngisi.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Samarah. Magaling ka pa rin."-saad nito sa akin at inalis na ang kaniyang sumbrero.

Nabigla ako sa aking nakita. Hindi ko inaasahan na nandito na siya. At hindi ko inaasahan na ngayon siya agad magpapakita sa akin.

"Oh! How I miss you so much, Samarah."-saad nito at saka ako niyakap ng tuluyan.

"N-nathe?"-nagtatakang tanong ko. Hanggang ngayon kasi ay nabibigla pa rin ako sa aking nakikita.

"The one and only."-saad niya sa akin ng nakangiti. Pinitik niya ako sa noo dahilan para magising ako sa realidad.

"A-anong ginagawa mo dito?"-tanong ko sa kaniya.

"Surprise? Hahah! Actually, Samarah hindi pa naman dapat ako magpapakita sa iyo pero dahil jan sa instinct mo ayun nabuko mo agad ako."-mayabang na sambit nito sa akin.

"Tsk! Your such an asshole. Hindi ka lang talaga magaling magtago."-saad ko at tinalikuran na siya.

"Hey! Wait up. Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita tapos iiwan mo na agad ako?"-sambit nito na animo ay nagtatampo pa siya sa akin.

Entering The Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon