Chapter 58

2.1K 43 1
                                    

Fleah's POV

Nabigla kami ni Aireine ng makita namin si Lindsey na sugatan pero ang mas iginagulat namin ay ng makita namin kung sino ang kasama niya.

"Lindz!"-sigaw ni Aireine sa pangalan ni Lindsey at agad itong nilapitan.

Nagising lang ako sa realidad ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Aireine.

"Fleah, Lindsey is bleeding! We need to take her to the hospital."-hysterical na saad ni Aireine. Agad akong lumapit sa kanila dahilan para magbigay daan si Montereal.

Tiningnan ko ang sugat niya. Kung wala kaming alam pagdating sa mga ganitong bagay ay iisipin ko na mababaw lamang ang sugat pero ang totoo ay malalim.

Kaya naman pala ganito na lamang ang reaksyon ni Aireine ng makita niya ang tama ni Lindsey.

"Montereal, can you help us to take her to the nearest Hospital?"-agad namang binuhat ni Montereal si Lindsey at nauna na itong maglakad sa amin. Inihatid namin sila sa sasakyan ni Montereal at sinigurado namin na maayos na ang kalagayan nila pareho.

Hindi na kami nakasama ni Aireine dahil alam namin na kakailanganin kami dito ni Sam pero hindi ko maatim na wag damayan si Lindsey kaya naman agad ko silang hinabol mabuti na lamang at hindi pa sila gaanong nakakalayo.

"Sasama kami sa inyo."-ma-awtoridad na saad ko kay Montereal at sumunod na ay ang paglagatik na ang ibig sabihin ay bukas na ang mga pintuan.

Mabilis na pinahahururot ni Montereal ang sasakyan niya.

"Fleah, Sam need us."-nag-aalalang saad ni Aireine.

"Sisiguraduhin lang natin na magiging ligtas si Lindsey. I am sure Sam will understand us."-sagot ko sa kaniya.


Ruby's POV

Ako lang ang naiwan dito sa Hospital ng bigla kaming ipatawag ng MOB. Hindi namin alam ang dahilan kung bakit biglang tumawag ang MOB pero sigurado kami na emergency iyon dahil sa naririnig naming naguluhan sa kabilang linya.

Ayaw pa nga sumama ni Saph pagpunta sa MOB dahil mas kailangan daw siya ni Amethyst pero mismong si Amet na ang nagsabi na sumama si Saph dahil kakailanganin ito nina Sam.

"Ruby, can you get my dress?"-ani ni Amethyst na agad ko namang sinunod.

"Amet, tama ba talaga itong ginagawa natin?"-tanong ko sa kaniya.

"Hindi tayo makakakilos ng maayos kung nandyan si Saph at ang iba pa. Hindi nila ako papayagan kaya isipin mo na lang na para ito sa MOB."-sagot niya sa akin habang nagbibihis siya ng kaniyang susuotin sa pagpunta sa MOB.

Pinlano niya na talaga na paalisin si Saph para makapunta at makatulong rin siya sa MOB.

Nalaman kasi ni Amet ang nangyayari ngayon sa MOB kaya nagpumilit sya at kinasabwat pa ako.

"Okay. Wait for me to dress up."-paalam ko sa kaniya at saka pumunta na sa private room namin para magbihis ng aking susuotin.

Hindi kami nakasuot ng typical attire namin sa pakikipaglaban.

Naghanda kami ni Amet ng iba pang kasuotan para masuot namin ngayon. Alam kasi namin na agad kaming makikilala nina Saph kapag yung normal attire lang namin.

Nang matapos akong magbihis ay agad akong lumabas at naabutan ko si Amet na inaalis na ang Dextrose niya.

Nang matapos niya ang ginagawa niya ay lumapit na siya sa akin.

Kinuha ko naman yung syringe na may laman na liquid na makakapagpalakas sa kaniya ng ilang oras. Almost 5 hours pero pagkatapos ng oras na iyon ay mawawalan na ito ng epekto.

Entering The Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon