Chapter 72

2.1K 42 3
                                    

Sam's POV

Hanggang ngayon ay tulala pa rin ako at walang imik. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isipin. Naguguluhan na ako ng sobra-sobra.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking luha. Hindi ko naman alam kung bakit. Pero pakiramdam ko nasasaktan ako ngayon ng sobra-sobra sa hindi malamang dahilan.

Agad ko iyong pinahid at saka nagmukmok ako dito sa isang tabi habang pinagmamasdan ang daan na tinatahak namin.

Pagkarating namin sa Underground World ay hindi na kami dumaan sa secret passage way kundi doon mismo sa dinadaanan ng lahat.

Wala pa rin akong imik at naguguluhan pa rin ako pero may isang bagay na malinaw sa nangyayari ngayon.

May kinalaman ang mga Underground Royalties sa nangyayari ngayon. Hindi ko alam kung may ginawa silang makakasama o makakabuti pero may ginawa sila.

"Where is Uno?"-walang emosyon na tanong ko sa tauhan nila dito na nakasalubong namin.

"I am so sorry Young Mistress pero hindi ko po alam kung nasaan siya ngayon."-sagot sa akin nitong babae na nasa aking harapan.

Agad na nag-init ang aking ulo dahil sa isinagot nung babae kaya nagdilim ang aking paningin at agad ko siyang nasakal.

"Where is she?!"-sigaw ko na doon sa babae at lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kaniyang leeg.

Hindi na makaimik itong babae at umiiling na lamang ng bahagya.

Biglang may humawak sa aking braso at saka nagsalita.

"Stop hurting her, she's not your enemy."-walang gana na saad ni Nathe sa akin at inalis niya na unti-unti ang pagkakasakal ko sa kaniya.

"Go now before you die."-cold na sabi ni Nathe sa babae na isang reaper ng Underground World.

Agad na naglakad papalayo ang babae at unti-unti na siyang nawala sa aming paningin.

"Ahhhh!! I h-hate this feeling!"-malakas na sigaw ko dito sa Hallway habang hawak hawak ko ang aking ulo.

Biglang may humawak sa akin at niyakap ako.

"Cry."-saad ni Nathe habang yakap-yakap niya ako at tina-tap ng mahina ang aking likod.

"W-what are you sa---"-naputol na ang sasabihin ko dahil agad siyang nagsalita.

"I know you want to cry because of what happened. Hindi pa man malinaw sayo ang lahat ng nangyayari ngayon pero alam ko na alam mo na kung ano talaga ang nangyayari ngayon. Gusto mo lang na linawin namin sayo."-mahabang litaniya ni Nathe sa akin at saka hinagod na ang aking likod.

Unti-unti ay parang sumisikip ang aking dibdib at hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Tama ang lahat ng sinabi ni Nathe. Malinaw naman sa akin kung ano ang nangyayari ngayon ayaw ko lang tanggapin dahil hindi ko akalain na magagawa iyon sa akin ng taong pinakamamahal ko.

Gusto kong linawin ng lahat sa akin ang nangyayari ngayon.

"What happened?"-nag-aalalang tanong ng isang boses sa aming tagiliran.

Napabitaw ako sa pagkakayakap kay Nathe at saka pinahid ko muna ang aking mga luha bago ko harapin ang taong nagtanong.

"She discovered everything."-sagot ni Uno sa tinatanong ni Tres sa akin. Nauna pa siyang sumagot sa akin.

"Is that true, Nathaniel?"-tanong ni Tres kay Nathe na tinanguan naman agad ni Nathe.

Matatag ko silang tiningnan ng matatalim kong tingin bago ako nagsalita.

Entering The Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon