Chapter 80

2K 50 13
                                    

Danzelle's POV

Nandito ako ngayon sa Arena kasama si Afira. Panibagong araw na naman. Panibagong mga Mafioso na mamamatay.

"What's the plan?"-tanong niya sa akin.

"We just need to observe things for now."-sagot ko sa kaniya.

Natigilan kami sa aming pag-uusap ng biglang may maglaglagan na mga itim na rosas sa buong arena.

Kinuha ko ang isa nito at agad ako nitong natusok dahil sa tinik nito. Kaya agad akong napabitaw doon.

"Black Roses? Ano naman kayang pakulo ito?"-galit na saad ni Afira.

Pero nawala ang atensyon namin sa isat'isa ng biglang may mga pumasok na men in black at saka nagsabog ng maraming gems at may mga kasama itong mga petals ng black rose.

Ano ba ang nangyayari ngayon?

Kaya naman imbis na sugurin sila ng mga Mafioso ay agad na kinuha ng mga ito ang mga gems na isinabog nila.

"G-gems..."-nauutal na saad ko. May idea na ako kung kanino ito galing.

"W-we have a n-new Empress?"-nagtatakang tanong ni Afira sa akin ng makakuha siya ng isang piraso ng gem.

Pareho pala kami ng iniisip. Sa tuwing nagbabago kasi ng Empress ang Underground World ay palagi silang nagpapadala ng mga gems sa buong Mafia World at pati na rin sa Gangsters World.

Pero almost after a Decade bago sila magbago ng Empress o di kaya naman ay kapag umayaw na ang recent Empress. Sino naman kaya ang bago naming Empress?

"What's happening here?!"-malakas na sigaw ng isang boses.

Nagulat ako ng makita ko na wala na ang mga men in black at naiwan lamang ang mga gems na ibinigay nila.

Biglang may bumagsak na naman na isang black rose sa aking tapat at maingat ko iyong pinulot.

May sulat itong kasama.

Wait for my comeback, my dear

Ano ang ibig sabihin nito? Bakit may ganito? Sino ang magbabalik? Sino ang nagpadala nito?

"Gems? Where this came from?"-tanong ni Reid sa lahat.

"Men in black, King."-sagot ng isang Mafioso.

Hindi ko na narinig ang kaniyang ibinulong dahil masyado na iyong mahina.

Bigla na lamang siyang tumalikod sa akin at saka lumabas ng Arena.

"Comeback?"-tanong ni Axl. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa kabang nararamdaman ko. Nandito na pala siya sa aking likuran.

Hindi ako nagsalita at saka pinakatitigan ang sulat na nakuha ko.

Agad na pumasok sa aking isipan si Samarah pero himala naman na magbalik pa siya dahil matagal na siyang wala. Matagal na siyang patay.

"Saan mo yan nakuha?"-tanong sa akin ni Axl.

Itinuro ko lamang iyong black rose at agad na niya iyong kinuha.

"Black Rose? What's the meaning of this? If the Underground is the one who sent those gems but why with black rose? Gems always come with black crowns."-nagtatakang tanong ko.

Kapag naman kasi nagpapadala sila ng mga Gems kadalasan ang kasama mga crowns pero bakit ngayon Black Rose? Ano ang meron dito?

"Then, who sent those things?"-tanong ni Afira sa amin.

"That's for us to find out. Always, remember. Be attentive. Kailangan nating mag-ingat sa ngayon."-paalala sa amin ni Axl.

Aalis na sana kami dito sa Arena pero tumigil kami ng tumigil si Axl sa paglalakad.

Meron siyang isang bagay na pinulot ag napakunot ang noo niya ng basahin niya iyon.

Lumapit na ako sa kaniya at saka tiningnan ang nilalaman ng sulat.

Afraid? How funny...you all look ridiculous.

Iyan ang sunod na nabasa namin. Ano ba talaga ang misteryo sa mga sulat na iyan.

Kinuha ni Axl yung isa pang sulat na na nakuha namin at saka kami sama-samang lumabas ng Arena.

Papasok na sana kami sa MOB. Pero natigilan kami ng may sunod-sunod na mga sasakyan ang pumasok.

"Sino ang mga iyan? Paano sila nakapasok?"-tanong ni Afira.

Wala naman akong naisagot dahil sa hindi ko rin alam ang sagot sa tanong niya.

May 8 sunod-sunod na black BMW ang pumasok at kasunod ay ang dalawang Lamborghini, sumunod ang isa pang BMW na pula at ang akala namin ay wala ng kasunod dahil halos 15 minutes na ang nakakalipas pero may biglang dumating na isa pang Ferrari.

Pagkarating ng Ferrari ay sunod-sunod na nagbababaan ang mga nakasakay sa black BMW pero ang mga nakasakay sa Lamborgini, Red BMW at Ferrari ay hindi pa nababa.

"R-royalties?"-nagtatakang tanong ni Axl sa kaniyang sarili.

Malaki ang posibilidad na mga Royalties ang nandito sa aming harapan dahil sa mga Men in Black.

Umilaw ang Ferrari at isa-isang bumaba ang mga nakasakay sa Lamborghini, at Red BMW.

Nanlaki ang aking mga mata habang sinasayod ko kung sino ang mga tao na bumaba.



Fleah, Aireine, at Lindsey?

"Myst?"

"The Myst? I thought they are dead."

Ano ba itong nangyayari ngayon tila isang panaginip.

Bumaba ang nakasakay sa Ferrari at nasilayan ko ang isa sa mga Royal Childrens ng Underground World.

Biglang kumabog ng malakas ang aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit pero parang may kakaibang nangyayari.

Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko si Reid na nasa may pintuan ng MOB.

Nagpaputok ng isang beses ang isang lalaki na naka-men in black na nasa kaunahan.

Hindi ko alam pero imbis na mapatili ako ay nanatili lamang ako dito sa aking kinatatayuan.

Nasilayan ko ang ngising nakakapangilabot sa mga labi nina Fleah.

Agad naman na kumilos ang mga men in black at saka pinalibutan sina Fleah at saka ang Ferrari.

Agad na naglabas ng baril ang Royal Child at saka itinutok sa parte namin. Nagulat ako sa kaniyang ginawa kaya napaalis ako sa aking pwesto.

Napangisi siya ng makita ang mga reaksyon namin. Hindi niya itinuloy ang pagputok ng baril.

Bakit pakiramdam ko may kakaibang mangyayari ngayon? Sobra-sobra akong kinabahan ng unti-unting magbukas muli ang pintuan ng Ferrari.

Ang buong akala namin ay wala ng tao ngunit meron pa pala.

Lumapit ang Royal Child sa pwesto nung nagbukas kahit na hindi pa nakakababa.

Inilahad ng Royal Child ang kaniyang kamay at saka unti-unting lumabas ang isang babae.

Agad ko siyang nakilala at nagulat ako sa nakikita ko ngayon. Totoo ba ang lahat ng ito?






















"S-samarah..."-nauutal na banggit ko sa kaniyang pangalan. Paano ito nangyari?

🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱

Thank you for reading!
Keep om supporting.
Take Care :*

Vote and Comment...
Follow me...

Instagram: aikaterine_23
Twitter: Aikaterine23

Please support "Royalties Academy by: LadyChinderella in #Wattys2016".

👑LadyChinderella

Entering The Mafia WorldWhere stories live. Discover now