Chapter 23

3.7K 99 3
                                    

Sam's POV

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko. Hindi ko na sinagot pa ang sinasabi nila Guardians ko daw.

Bahala sila kung gusto nilang pasukin ang buhay ko as long as hindi nila ako maaapektuhan pero impossible iyon kaya kailangan ko ng maghanda.

Sa ngayon ay kailangan ko na munang magpahinga para bukas. Kailangan ko ng lakas.

Amethyst's POV

"Paano natin siya panghahawakan? Masyado siyang matigas."-saad ni Idocrase.

"Tama. Ayaw niyang pinapakialaman siya."-sang-ayon ni Onyx.

"Pare-pareho nating alam ang pinagdaanan niya."-biglang sambit ni Pearl. Napatingin ako sa kaniya. Tama siya.

Nalaman namin na dahil sa pagkawala ng kaniyang mga magulang ay masyado siyang naging matigas. Isinarado niya ang kaniyang puso at isip sa lahat.

"Tama si Pearl. Intindihin na lang natin siya."-sang-ayon ni Aquamarine.

"Tsk! She's too stubborn. Paano natin sa kaniya ipapaintindi na maaasahan niya rin tayo."-aniya ni Emerald.

"Paano natin papasukin ang mundo niya kung ngayon pa lang ay nilagyan niya na ng harang ang daanan natin."-Sphene.

"Paano natin siya matutulungan at proprotektahan kung ayaw niya sa atin?"-sang-ayon ni Sapphire.

Bigla akong napaisip sa mga tinuran nila. Paano namin isasagawa ang tungkulin namin?

"Nagawa natin siyang protektahan at bantayan sa malayo noon. Magagawa rin natin ngayon."-saad ni Pearl.

"Pero hindi sapat."-dugtong ni Sphene.

"Tama na yan'. Ang kailangan natin ngayon pag-usapan ay kung paano natin makukuha ang kaniyang loob. At kung paano natin maisasagawa ang plano."-saway ko sa kanilang lahat.

Natigilan silang lahat at saka nag-si-upo sa kani-kanilang upuan.

"Tama si Pearl. Hindi ba nagagawa naman natin ang mga tungkulin natin kahit malayo tayo. Bakit hindi natin ngayon gawin?"-sang-ayon ni Idocrase at napatungo na lamang.

Kanina ay halos magalit na siya ng tuluyan kay Denice. Napaka-hirap ng ganito.

"Ganito na lang ang gawin natin. Bakit hindi tayo lumapit ay sa kaniyang taong minamahal?"-nakangising sambit ni Sapphire.

"Sino? Diba patay na nga ang kaniyang Ama."-tanong ni Onyx.

"Hindi sila ang tinutukoy ko. Kundi si Reid Fortalejo."-saad niya at may inilapag na folder sa aming harapan.

Kinuha ko iyon at saka tiningnan ang profile ni Reid Fortalejo. Alam na naming lahat na isa siya sa pinaka-makapangyarihang Mafia Boss sa buong Mafia World diba nga Top 2 sa Ranking ang Mafia Fortalejo.

"Ipapakasal sina Reid at Denice?"-nagtatakang tanong ko.

"Oo pero hindi pa yan nakukumpirma ng dalawang panig kaya hindi pa officialy inilalabas."-sagot sa akin ni Emerald.

"Arrange Marriage?"-tanong kong muli.

"Yes, ang nakakapagtaka lang ay kung bakit biglang nag-alok ng ganyan ang Mafia Fortalejo."-komento ni Aquamarine.

"Ano kaya ang balak nila?"-nagtatakang tanong naman ni Ruby.

"Yan ang dapat nating alamin!"-sang-ayon ni Sphene.

Entering The Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon