Chapter 52

2.1K 52 1
                                    

Amethyst's POV

Nakikipagbarilan pa rin kami hanggang ngayon dito sa mga armadong lalaki.

Pakiramdam ko hindi sila nababawasan para ngang dumadami pa sila.

Hindi ako sumama kanina pagtakas kina Sapphire dahil alam ko na kakailanganin ako dito nina Fortalejo at ayaw ko silang pabayaan na lang ng basta-basta.

Ako ang leader ng Mafia Guardians kaya responsibilidad ko ito. At isa pa alam ko na kami ang puntirya nila; kaming mga Guardians. Nadamay lang sina Fortalejo at Fuentebella kaya hindi ko maaatim na pabayaan na lang silang harapin itong mga lalaki na ito.

Nagkalapit kami ng tinataguan ni Axl at agad siyang bumulong sa akin ng pagalit.

"Why are you still here? Bakit hindi ka pa sumama sa mga kasamahan mo? Kaya na namin ito!"-galit na usal niya sa akin at saka nakipagputukan na naman sa mga kalaban.

"This is my responsiblity. Kami dapat ang nakikipaglaban at hindi kayo. You must be the one who escape!"-balik na saad ko at saka nakipagputukan na rin.

Sh*t! Nakita ko si Fortalejo na delikado ang lagay dahil may papalapit na isang black in men sa kaniya at sasaksakin sana siya kaya agad akong lumabas sa aking pinagtataguan at binaril ang taong iyon.

Pero hindi ko namalayan na may papalipad na shuriken sa akin. Mabuti na lamang at nakaiwas agad ako pero hindi naiwasan na masugatan pa rin ako sa aking braso.

Hindi ko na ito ininda at saka binaril kung sino man ang may gawa nito. Pero nagkamali ako ng kilos dahil may naramdaman ako na tumama sa aking tagiliran kaya napatingin ako doon.

May dumaplis na shuriken sa aking tagiliran dahilan para mapunit ang damit ko. Napahawak ako doon at saka natigilan ako sa isang tabi.

Parang may kakaiba sa shuriken na tumama sa aking tagiliran dahil unti-unti akong nanghihina.

Nabitawan ko na ang aking baril at saka pinakatitigan ang aking sugat. Parang hindi naman malalim ang tama sa akin ngunit bakit ganito ang epekto?

Hindi ko namalayan na meron na palang isang men in black sa aking harapan.

"Ce sera servir d'avertissement à toute la mafia mondiale."-saad niya sa akin sa wikang French.

Sino ba sila? At ano ang nagawa ng Mafia World? Bakit sa amin sila gumaganti? Bakit sa amin nila kailangan ibigay ang warning na sinasabi nila?

Bigla siyang yumuko sa aking harapan dahilan para magkatapat kaming dalawa.

"I know you know who we are"-bulong niya sa aking tainga at saka ngumisi.

Nabigla ako sa nakita ko na tattoo malapit sa kaniyang collarbone.

Bumalik na naman sila? Ano ang pakay nila ngayon? Akala ko ba ay tatahimik na sila at titigilan na kami.







Rogues?



Axl's POV

Unti-unti ay nababawasan na ang mga men in black. Kakaunti ang mga napatay pero maraming sugatan.

Pero sabay ng pagkawala nila unti-unti ay nawawala na rin ang mga taong napatay namin.

Mukhang talagang hindi sila mag-iiwan ng bakas sa ginawa nilang pag-atake.

Pero ng mapagawi ang aking tingin sa parte ni Amethyst ay napamulat ako at napatayo.

Lalapit na sana ako sa kaniya pero may pumigil sa akin at hinawakan ako sa aking mga braso.

Umalis na rin ang men in black sa harapan ni Amethyst pero ano kaya ang sinabi niya at mukhang nabigla si Amethyst.

Nang makaalis na ang lalaki ay binitawan na rin ako ng mga humahawak sa akin.

Napansin ko na duguan na rin siya kaya agad akong pumunta sa kinaroroonan niya.

Hindi sinasadyang napahawak ako sa kaniyang tagiliran at agad siyang napadaing kaya napadako roon ang aking pansin.

Doon nagmumula ang dugo kaya ini-angat ko ang kamay na humaharang sa kaniyang sugat.

Tiningnan ko ng maayos ang kaniyang sugat. Sa unang tingin ay aakalain mo na parang daplis lamang iyon at mababaw ngunit ng mas ilapit ko ang aking tingin at damahin ko ang gilid ng kaniyang sugat ay napagtanto ko na hindi lamang iyon basta-bastang daplis. Malalim ang sugat niya.

Agad akong pumunit ng piraso ng tela sa aking damit at saka inilagay sa kaniyang dugo para kahit papaano ay tumigil ang pagdudugo.

Hinanap ng mga mata ko si Reid at nakita ko siya na papalapit na rin sa amin habang hawak-hawak ang kaniyang braso na nadaplisan ata.

"Call MOB."-maikling saad niya at saka namahinga sa sofa.

"The back up is coming."-usal ko sa kaniya at tumabi pa ako sa kaniya.

Halos kalahating oras pa ang hinintay namin bago dumating ang back-up na hinihintay namin.

Agad nilang inilagay sa ambulansya si Amethyst at saka umalis na kami roon.

"Axl, what happen?"-nag-aalalang tanong sa akin ni Denice sa telepono. Hindi siya nakapunta dahil bigla daw tumawag sa MOB ang mga Rogues at iniimbestigahan iyon sa ngayon.

"I'll just explain everything to you later."-saad ko sa kaniya at saka napapikit ako ng mariin. Parang nakaramdam ako ng pagod ngayon.

"Okay. I'll see you. Be safe."-mga kataga na binitawan niya bago pinatay ang tawag.

Napatingin ako kay Reid na ngayon ay natutulog na. Pare-pareho kaming nakaramdam ng pagod simula ng sumakay kami dito sa Van.

Ang sabi ng mga sumundo sa amin ay nasa MOB na daw ang iba pang Guardians.

"Master Axl, have some rest because when we reach MOB you need to explain everything."-ani sa akin ng isang naming tauhan.

"Riel, what happen earlier in the MOB?"-pag-iiba ko ng tanong sa aking tauhan.

"We are attacked by men in black. But after an hour they'll just disappear. This happens after a couple of hours after they called."-sagot sa akin ng aming tauhan. Hindi ko alamna umatake rin pala ang mga Rogues.

"What time is that?"-sunod na tanong ko sa kaniya.

"I think that is between 4pm"-sagot niya sa akin. Inisip ko kung anong oras umatake sa amin ang mga men in black.

Almost 4:30 nagsimula ang pag-atake sa amin. Ang ginawa nila ay para magulo ang MOB at hindi agad sa amin maka-response kung kakailanganin namin ng tulong.

Sinigurado nila na magiging matagumpay ang kanilang pag-atake. Talagang planado ang mga nangyari.

"Malaki ba ang nangyaring damage sa MOB?"-tanong ko kay Riel.

"Wala namang masamang nangyari. Bigla na lang nilang pinaputukan ang MOB pati na ang Arena ay ginulo nila. Pero wala namang casualties at mga nasaktan."-sagot sa akin ni Riel.

"Pero papaano sila nakapasok? Paano nila nagawa ng ganun-ganun na lang ang lahat? Parang napakadali para sa kanila ng paglusob."-komento ko.





🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱

Thank you for reading!
Keep on supporting!
Take care and I hope you enjoy ;)

Vote and Comment...
Follow me...

👑LadyChinderella

Entering The Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon