Chapter 70

2K 48 0
                                    

Sam's POV

"Samarah..."-narinig kong tawag sa akin ng kung sino.

Lumingon ako sa aking likuran at nagulat ako sa aking nakita. Sa wakas nagkita na rin kami.

Akala ko ako pa ang gagawa ng move para magkita kami pero tama nga ako. Hahanapin niya ako.

"Reid.."-masayang usal ko at tumakbo ako papunta sa kaniya ngunit hindi ako tuluyan nakalapit sa kaniya.

Biglang may humarang na isang lalaki na nasa mid-40's na at nakangisi siya sa akin.

May mga tao rin na humawak at saka pinipigilan ako. Tiningnan ko kung sino sila pero hindi ko sila makilala.

Ang alam ko lang ay dalawa silang babae.

"You and your Mafia...were going to die."-nakangising usal nung lalaki na nasa may parte ni Reid.

Mahihimigan talaga sa kaniyang boses ang panganib na dala ng kaniyang baritonong boses.

"If you can..."-saad naman ng isa pang babae na lumabas sa mula sa aking likuran.

Tinitigan ko siyang mabuti at parang pamilyar siya sa akin pero hindi ko masabi kung sino ba talaga siya.

Biglang ngumisi ng mapanganib iyong lalaki na nasa may panig ni Reid at agad siyang naglabas ng baril at ipuputok na sana iyon ngunit

"Tito Arm---!"

***

Bigla akong nagising mula sa isang panaginip. Napansin ko na pinagpapawisan ako ng todo.

Biglang sumagi sa aking isipan ang napanaginipan ko kanina lamang. Nagkita na kami ni Reid. Pero may isang lalaki na pumagitna sa amin at babarilin sana ako.

Sino ba siya? Bakit pakiramdam ko parang kilala siya at may connection siya kay Reid?

Nawala ako sa aking iniisip ng biglang may kumatok sa pintuan at saka pumasok sa loob si Nathe.

Ngayon ko na lamang ulit siya nakita kaya wala sa sariling napangiti ako at napatakbo papunta sa kaniya.

Mahigpit ko siyang niyakap bago ako unti-unting bumitiw sa kaniya.

"How are you, Young Lady?"-tanong niya sa akin ng magkaharap na kami at pinaupo ko siya sa couch na nandito sa aking kwarto.

"Ugh! Stop calling me Young Lady. Im not a child anymore."-nakasimangot na saad ko sa kaniya.

"Hahah..okay, okay. How are you?"-ulit na tanong niya sa akin.

"Im fine and still recovering."-sagot ko sa kaniya.

"Bakit ngayon ka lang bumisita sa akin?"-tanong ko sa kaniya.

"Uhh..medyo naging busy kasi ako at saka binibisita naman kita noong hindi ka pa gising."-dahilan niya sa akin.

"Hmp! By the way, paano ka nakapasok dito?"-mahinang tanong ko sa kaniya.

"Edi pumasok."-natatawang sagot niya sa akin. Agad ko siyang binatukan kaya naman napahawak siya sa kaniyang ulo.

"Pilosopo! Ang ibig kong sabihin, paano mo napapayag ang mga Royalties? At paano mo nalaman itong lugar na ito?"-sunod-sunod na tanong ko kay Nathe.

"Shekiah is my half sister."-sagot niya sa akin at tumayo siya at naglibot sa aking kwarto.

"It seems that you dont use this room as your Bedroom. Am I right?"-tanong niya sa akin at naupo sa kama.

"Tsk! Yes, you really know me Mr. Stalker. By the way you mean Dos is your half sister?!"-hindi makapaniwalang tanong ko kay Nathe.

"Yes, Miss Stubborn."-nakangising sagot niya sa akin at saka muling lumapit sa akin.

"Nathe, I need your help."-mahinang usal ko kay Nathe at saka hinawakan ko ang kaniyang kamay.

Tumingin siya sa akin ng nagtatanong ang kaniyang mga mata.

Tumayo ako at saka ko siya hinila papasok sa loob ng CR.

Nagpupumiglas pa siya at mukhang nagulat sa ginawa ko.

"What are you doing, Samarah Denice?!"-hysterical na tanong niya. Mukhang nainsulto at nagalit talaga siya dahil binuo niya na yung pangalan ko.

"Sshh..wag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano! Gusto lang kitang kausapin ng private at kapag kinausap kita doon sa labas ay makikita at maririnig ng mga Royalties ang sasabihin ko. Kaya wag kang mag-panic. Jeez!"-pagpapaliwanag ko sa kaniya at saka napatakip ako sa aking noo.

"I never thought that you are like that. Duh! GM."-dugtong ko pa sa sinabi ko kanina.

"Ahh..magpaliwanag ka kasi muna. So, anong tulong ba ang kailangan mo?"-tanong niya sa akin at saka ngumiti ng nakakaloko. Agad ko siyang sinapok bago ako nagsalitang muli.

"I need you to help me get out of here. I need to go to the Mafia World, I am sure they really need me. Specially, Sir Leonardo."-sabi ko sa kaniya ng mga kakailanganin kong tulong.

Napakunot ang kaniyang noo at saka nagsalita sa akin.

"What if they dont need you anymore? What if they already forgotten your presence?"-tanong niya sa akin sa mababang tono. Ako naman ang napakunot ang noo sa kaniyang mga sinabi.

"What do you mean? They cant forgot their Queen. I am the one who rules them."-dahilan ko kay Nathe.

"Samarah, since you left and being in comma. Mafia World begins to change."-paliwanag sa akin ni Nathe.

"Ano bang sinasabi? Diretsuhin mo na lang ako Nathe."-naaasar na sambit ko sa kaniya.

"I think I need to go."-biglang paalam niya sa akin at lalabas na sana ngunit agad ko siyang hinawakan sa kaniyang braso ng mahigpit.

"Nathaniel..."-may babalang saad ko sa kaniyang pangalan.

"I'll help you for what you want but you need to tell me all your plans. And promise me that when I say enough were gonna stop and going back here....sana hindi ka magsisi sa naging desisyon mo ngayon"-mariing sabi sa akin ni Nathe at dahan-dahan niyang inalis ang pagkakahawak ko sa kaniyang braso at tuluyan na siyang lumabas.


Dos POV

"I told you Master, she'll find way just to get out of here and go there to her World. Oh! I forgot, that's not her world anymore."-nakangising saad ni Sepiah sa akin. Siya ang aking kanang kamay at ang aking mata sa Mafia World. Siya ang kapatid ni Drianna Fortalez.

Napangisi ako sa kaniyang tinuran. Malapit na malapit na ang hinihintay kong mangyari.

"Did you already told them?"-tanong ko kay Sepiah na ang ibig kong sabihin ay kong nasabihan na ba ang mga kanang kamay nina Uno, Tres at Quatro.

"I think they already know that thing, Master."-sagot niya sa aking katanungan.

"Bantayan mo ang mga ikikilos nila pagkarating nila ng Mafia World at siguraduhin mo na walang mangyayaring masama sa kanilang dalawa."-mariing utos ko kay Sepiah.

"Aye, Master!"-saad niya at saka umalis na sa aking harapan.








"Parating na ang sisira sa inyo...Fortalejo Mafia."

🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱

Thank you for reading!
Keep on supporting ;)
Take Care :*

Vote and Comment...
Follow me...

Instagram: aikaterine_23
Twitter: Aikaterine23

👑LadyChinderella

Entering The Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon