Chapter 49

2.4K 62 2
                                    

Reid's POV

Ilang linggo na kaming hindi nagkikita ni Denice. Nabalitaan ko rin na halos mag-file ng reinforcement ang Mafia Taracina laban sa amin dahil sa ginawa ko kay Denice.

At nawala pala siya ng almost 2 weeks. Hindi ko na iyon nabalitaan agad dahil pinanatili ako dito sa Grand Mansion.

Gusto ko na sana siyang puntahan pero bawal daw muna ako lumapit kay Denice. Hindi pa rin naman kami official sa buong Mafia World at sigurado ako na magiging usap-usapan ito.

Biglang nag-ring ang aking cellphone; si Yohann. Hindi ko na sana sasagutin pero napaka-kulit niya naman.

"Hello?"

"Pare, nasaan ka ba? Hindi ka na na-attend sa mga meeting sa Mafia World."

"Hindi ako makalabas dito sa Grand Mansion. Pero ilang araw na lang naman ay pwede na ulit akong lumabas. Ano na ang nangyayari ngayon sa Mafia World?"

"Ahh...ganun ba? Nagkakagulo ngayon ang buong Mafia dahil sa biglang pag-atake ng Rogues."

"Akala ko ba ay napatigil na ang Rogues? Hindi ba at nagawan na natin iyan ng solusyon."

"Hindi ko rin alam kung bakit sila biglang nagparamdam ulit. Lumabas ka na kasi jan sa lungga mo at ng kasama ka na namin dito."

"Ilang araw na nga lang. Kamusta naman si Denice?"

"Ayos naman si Queen ang kaso lang halos laging nandyan si Master Samuel at nakabantay sa kaniya. Hindi mo pa pala naipapaalam ang relasyon niyo ni Queen."

"Ako na ang bahala doon. Hanggat wala pa ako jan bantayan mo muna si Denice. Siguraduhin mo na walang mangyayaring masama sa kaniya kundi lagot ka sa akin."

"Oo na. Nag-uutos ka na nga lang ikaw pa may ganang mag-banta. Tsk! Sige na. Una na ako."

Pagkapatay ng tawag ay sunod naman ng pagkatok sa pintuan ng akin kwarto.

Pinindot ko ang remote at saka iyon nagbukas.

"Ate Cath? Bakit nandito ka pa? Akala ko nung isang linggo ka pa umalis?"-takang tanong ko at saka napabangon ako.

"Reid, get up. We have to do something."-utos niya sa akin. Napakunot naman ang aking noo sa sinabi niya. Ano naman ang gagawin namin?

"What is it?"-tanong ko sa kaniya.

"Just do what I said!"-sigaw niya sa akin. Agad na akong kumilos dahil sa sigaw niya.

Mukhang napaka-seryoso naman yata niya ngayon. Pagkatapos kong magbihis ay agad na akong bumaba.

"Reid, bakit hindi mo sa amin sinabi agad?"-ma-awtoridad na tanong sa akin ni Ate Cath.

"H-huh? Ang ano?"-nagtatakang tanong ko sa kaniya. Dumating na sina Old Man at Nana. Kasama rin nila sina Papa at Uncle Hector.

Anong meron bakit nandito silang lahat?

"Dont act like an innocent boy. Young Man."-singit ni Papa.

"Straight to the point, people!"-inis na saad ko sa kanila.

"Your relationship with our Queen."-sagot sa akin ni Nana. Napatingin ako isa-isa sa kanila. Alam ko na bakas sa mukha ko ngayon ang pagkabigla.

"Kailan pa?"-tanong sa akin ni Ate Cath.

"3 weeks."-sagot ko sa kanila. Kung alam na rin naman pala nila. Pwes paninindigan ko na.

"Fu*k! Bakit hindi mo agad sinabi sa amin? Sa Mafia Society?"-hysterical na tanong ni Papa sa akin.

"Nawala si Denice ng almost 2 weeks kaya hindi pa namin nasasabi. At hindi ba ikinulong niyo ako dito?"-sarcastic na saad ko sa kanila.

"Alam mo ba na pwede tayong patalsikin ng Mafia Taracina sa Mafia Society dahil sa mga ginagawa mo?"-saad sa akin ni Old Man. Napatingin ako sa kaniya. Ngayon seryoso siya at matatalim ang tingin pakiramdam ko bumalik ang isang Aldefonso Fortalejo na isang tinitingala na Mafioso.

"Anong ibig niyong sabihin?"-nagtatakang tanong ko sa kanila.

"Nasa Mafia Society pa rin si Leonardo Taracina at sa tingin ko ay hindi pa siya aalis. Kilala siya sa pagiging protective sa bawat babae ng Taracina Mafia kaya sigurado ako na hindi yun papayag na basta-basta ka na lang pumasok sa buhay ng kaniyang Apo."-mahabang litaniya ni Old Man.

"Ano ang dapat nating gawin?"-tanong ko sa kanila.

"Kailangan mong makuha ang loob ng mga Taracina."-sagot sa akin ni Uncle Hector.

"Pero paano? Alam naman natin na si Denice lang ang palaging visible sa buong Mafia Society dahil siya ang Queen pero ang pamilya niya ay hindi. Minsan ko nga lang makita si Sir Leonardo."-ani ko sa kanila.

"Iyan ang pagsubok sa iyo."-saad ni Nana sa akin.

"Tandaan mo, Young Man. Na hindi madaling mahalin ang taong mahal mo ngayon dahil sa katayuan niya ngayon."-paalala sa akin ni Old Man.

"Marami rin siyang tungkulin na dapat gampanan kaya dapat ay kayanin mong sumugal ng malaki."-dugtong naman ni Papa sa akin.

"Hindi siya ordinaryong babae, Reid."-paalala ni Ate Cath.

Tumango na lang ako sa mga sinabi nila at napayuko. Tama naman kasi ang kanilang mga sinabi.


Someone's POV

"Boss, nasunod na ang utos mo. Inatake na namin ang buong Mafia World."-balita sa akin ng isa sa mga underling ko.

"Mabuti naman kung ganun. Anong nangyari?"-tanong ko sa kanila.

"Nag-kakagulo na sila ngayon. Siguro nagtataka sila sa bigla-bigla naming pagpaparamdam."-sagot niya sa akin.

"Umatake ulit kayo. At gusto ko maging dahilan iyon para lapitan kayo ng Queen nila."-utos ko sa kaniya.

"Masusunod, ***"-sagot niya sa akin.

"At kapag nangyari iyon. Dalhin mo siya sa akin."-dugtong ko sa sinabi ko kanina.

Umalis na siya sa aking harapan. Napangisi ako sa mga naiisip ko.

Malapit na. Malapit na malapit na ang sandali na lalapit ka sa akin at sasama ka sa amin.

Ilang sandali na lang na makakasama mo sila ng nakakangiti ka pa kaya sulitin mo na dahil oras na mapasaamin ka na. Hindi mo na magagawa ang mga bagay na iyan.

"***, ano ang nangyari sa paglapit ni **** kay Darkmyst?"-tanong ko kay *** gamit ang isang earpiece na nagkokonekta sa aming apat.

"Hindi pa siya tuluyang napapalapit kay Darkmyst pero alam ko na nagawa na ng paraan si **** para maisagawa niya ang plano niya. Ano ang gusto mong gawin natin?"-sagot sa akin ni ***.

"Wag mong guguluhin si **** hayaan mo siya sa gusto niya. Makakatulong iyon sa plano natin. Kamusta si ******?"-tanong ko muli sa kaniya.

"Wala pang balita sa mga ginagawa ngayon ni ****** pero nalaman ko na siya ang nag-suggest kay **** para gawin ang paglapit kay Darkmyst."

"Matalino talaga silang magkapatid. Sige na, gawin mo na ang dapat mong gawin."-utos ko sa kaniya at saka ini-off ko na yung earpiece.

Tiningnan ko ang mga papeles na nasa harapan ko ngayon. Ito ang mga informations tungkol sa buhay ni Darkmyst.

Napatitig ako sa isang litrato niya. Suot niya dito ang kaniyang mask at damit sa tuwing nakikipaglaban siya; sa tuwing nagiging si Darkmyst siya.




🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱

Thank you for reading!
Keep on supporting!
Enjoy...

Vote and Comment...
Follow me...

👑LadyChinderella

Entering The Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon