Chapter 7

5.5K 147 3
                                    

Sam's POV

Nag-aabang na ako ngayon dito sa sala para sa pagdating ng sinasabi ni Sir Leonardo na susundo daw sa akin.

Hindi pa bumababa si Samuel. Oo, napag-desisyonan ko na mas mabuti sigurong Samuel nalang ang itawag ko sa kaniya.

Maya-maya ay may nakinig na akong paparating na sasakyan kaya tumayo na ako at inihanda ang aking mga gamit.

"Young Mistress, nandyan na po ang susundo sa inyo."-saad sa akin ng isang maid at tinanguan ko na lamang siya saka ako sumunod sa kaniya.

Nandatnan ko sa labas ng bahay ang sampung lalaki na naka-suot ng mga formal suit pero ng mapagawi ako sa kanilang bewang ay may naka-singit roon na mga baril.

Tatlong kotse na magkakasunod ang kanilang sinakyan.

Nang makita nila ay agad silang naghanay at saka sabay-sabay na yumuko sa aking harapan.

Pagkatapos ng kanilang ginawang iyon ay may nagbukas ng pintuan at saka binigyang daan nila ako.

Iyong iba naman ay kinuha ang aking mga bagahe at saka isinakay sa pangatlong sasakyan.

Sa pangalawang Ford ako sumakay.

Pumasok muna ako muli sa loob ng Mansion para magpaalam sa kanilang lahat.

Hindi na ako nagpaalam pa kay Samuel dahil na rin sa nangyari sa amin kagabi.

Nang palabas na ako ng Mansion ay nakita ko sa peripheal view ko ang pagbaba ni Samuel sa hagdanan.

Mabilis ako lumabas ng Mansion dahil baka ako pa-mismo ang mag-sorry sa kaniya at baka hindi ko kayanin na umalis sa Mansion na ito.

Habang nagbabyahe kami ag napansin ko na pumasok na kami sa isang daan na napapaligiran ng maraming puno.

Parang yung pinagdalhan sa akin ni Reid noon.

Hanggang sa halos 3 station ang tinigilan namin para i-check ang kotse.

Parang mas mahigpit dito kesa kina Fortalejo.

Nakarating kami sa isang malaking Mansion. Dito pa lang sa labas ay kitang-kita na ang pagiging marangya ng lugar.

Ang inaasahan ko ay moderno lahat ng bumubuo sa Mansion ngunit nagkamali ako dahil pagpasok sa loob ay mga antique ang bumubuo dito.

Pero kakikitaan pa rin ito ng pagka-elegante.

Hindi ko pinahalata ang pagkamangha ko dahil hindi lang naman ngayon ako nakakita ng ganito ka-eleganteng Mansion.

Bago ako makapasok ng tuluyan sa Mansion ay napansin ko na biglang naghanay ang mga maid at butler at saka sabay-sabay na yumukod.

"Welcome, Young Mistress."-pormal na sabi nilang lahat bago mag-angat muli ng kanilang mga ulo.

Ngumiti na lamang ako sa kanila at naglakad sa Gold carpet na nakalatag para latagan.

"Where's Grandpa?"-basta basta na tanong ko na lamang sa kanila pero sa huli ay napatakip ako sa aking bibig dahil sa sinabi ko.

"Nasa office niya po, Young Mistress."-pormal na sambit muli ng sa pakiramdam ko ay namumunong butler.

Wala akong nakita o napansin sa kahit kanino sa kanila na ngumiti o tumawa man lang lahat sila ay napaka-seryoso.

Mukhang sinanay sila sa paggalang sa nakakataas sa kanila. Napangisi na lamang ako at napa-iling.

Naglakad na ako paakyat sa sinasabi nilang opisina ni Sir Leonardo.

At nang makarating ako sa harapan noon ay agad na nagsalita ang isang lalaki sa kaniyang intercom.

"Sir, nandito na po siya."-saad nito at nagbukas naman na ang pintuan.

Mas lalo akong namangha sa aking nakita sa loob ng opisina. Hindi dahul sa karangyaan kundi dahil sa mga painting na naroroon.

"Maupo ka."-sabi niya sa akin at itinuro iyong upuan sa kaniyang harapan.

"Simula ngayon, isa ka ng Mafioso. Isa ka na sa amin. Simula ngayong araw ay ikaw na rin ang mamumuno sa Mafia Taracina at sa buong Mafia World."-pormal na saad niya sa akin.

Tiningnan ko lang siya ng seryoso at saka naging blangko ng muli ang aking expression.

Ilang sandali pa ay may mga pumasok na tao at sa tingin ko ay nasa 10 sila.

Hati ang kanilang bilang. 5 babae at 5 lalaki.

"Sila ang mga Tita at Tito mo."-pagpapakilala ni Sir Leonardo.

"Po? Sa pagkakaalam ko po ay wala na kaming Tito at Tita, Grand--Sir Leonardo."-nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Sila ang magsasabi sa'yo kung paano ang dapat mong ikilos dito sa Mafia World. Sila ang maghahasa pa sa kakayahan mo."-pagpapatuloy niya sa kaniyang sinasabi.

Tiningnan sila ng makahulugan ni Sir Leonardo at saka sila isa-isang nagpakilala.

"Allegra Taracina"-sabi nung isang babae na sa tingin ko ay kabataan sa lahat.

"Arizona Taracina"-sambit nung sumunod na babae sa hanay.

"I am your Auntie Aura Taracina"

"I am your Auntie Aria Taracina"

"Azra Taracina"

"Welcome, Denice. I am your Uncle Alaric Taracina."nakangiting sambit sa akin nung para pinaka-playful anv aura.

"Ahmit Taracina."

"Alton Taracina."

"I am your Uncle Ashton Taracina"-sabi nung isa pang lalaki na napaka-playful rin ng aura.

"Augustus Taracina"-sambit nung para napaka-seryoso sa kanilang lahat. Pakiramdam ko napaka-cold niya.

Ngumiti ako sa kanilang lahat at saka nagpakilala.

"Good Day! I am Sama---"-hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil si Sir Leonardo na ang nagsabi ng pangalan ko.

"She's Denice Taracina, the long lost heiress of Mafia Taracina."-pormal na sabi ni Sir Leonardo sa aking mga Auntie at Uncle.

"Let's go."-nakangiting sambit sa akjn ni Tita Arizona sa akin. Well, mukhang mali ang first impression ko sa kanila. Mababait naman yata sila.

"Huh?"-nagtatakang tanong ko sa kanila. Saan kami pupunta? Napaka-agap naman ng pag-alis namin kararating ko nga lang eh.

"Your orientation in the Mafia is starting today."-sabi sa akin ni Tito Ahmit.

Naupo ng muli si Sir Leonardo sa kaniyang swivel chair at saka binuksan ang mga folder na nasa harapan at lamesa.

Lumapit na sa akin sina Tita Aura at saka inalalayan ako papunta sa pupuntahan namin.

Hindi na ako tumutol sa kanilang gagawin dahil alam ko naman na mabubuti sila.



🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱

Thank you for reading ;)

Vote and Comment...
Follow me...
👑Ladychinderella

Entering The Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon