Chapter 20

3.9K 107 2
                                    

Sam's POV

Naguguluhan ako ngayon. Bakit siya nandito? Ano ang pakay niya?

"Denice, what's bothering you?"-biglaang tanong sa akin ni Reid. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin.

Nang humarap ako sa kaniya ay pinilit kong ngumiti at saka sumagot sa kaniya.

"Nothing. Hhmm..gusto ko lang maglibot-libot.....sana."-sambit ko sa kaniya. Iniiwas ko ang aking paningin sa kaniya dahil natatakot ako pero alam ko naman na mapapansin niya iyon kaya kailangan kong mag-suot ng maskara. A mask who can hide my feelings.

Hinawakan niya ang aking baba at saka unti-unti iniharap sa kaniyang mukha.

Tinitigan niya ang aking mga mata na para bang may hinahanap siya, mabuti na lamang at agad kong nagawa na mag-poker face.

Biglang dumating sina Sol at Luna. Kaya pareho kaming natigilan ni Reid pero kalaunan ay binalewala niya lamang iyon at saka ngumisi pa sa akin.

"Boss, nagawa na po naming imbestigahan ang mga pinapagawa niyo."-sambit ni Luna kay Reid at saka nay iniabot itong Envelope.

Habang iniaabot niya ay tinititigan ko sila pareho. Para talagang may kakaiba.

Napansin yata nila na nakatitig ako kaya napatingin rin sila sa ako. Nakipag-titigan ako sa kanila pero naputol iyon dahil sumuko sila.

Nawala na lang rin sila na parang bula.

"Reid,sa tingin ko kailangan na nating bumalik."-sabi ko kay Reid at saka bumalik na ako sa Tree House para makuha ko na yung pouch ko.

Nang pababa na ako ay inalalayan ako ni Reid. Pati na rin sa pagsakay sa kaniyang kotse.

Maganda sana magtagal pa ang kaso may kakaiba at kailangan ko iyong malaman.

"Ano ba ang problema mo, Denice?"-nag-aalalang tanong sa akin ni Reid habang nagmamaneho siya.

"Kanina ka pa hindi mapakali."-dugtong pa niya.

Napapikit na lamang at saka bumuntong hiningi. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko. Dahil nahahata na niya ang nga ikinikilos ko na kahina-hinala.

Nang harapin ko si Reid ay saka ako sumagot sa kaniya at ngumiti.

"Wala, wag mo na akong initindihin. Siguro pagod lang ako sa mga nangyari. I just need to rest."-sagot ko sa kaniya at saka ngumiti ng matamlay bago ko ipinikit ang aking mga mata.

Nagising ako na nasa sasakyan pa rin ako ni Reid pero hindi naman na naandar. Agad kong inilibot ang aking paningin at napansin ko si Reid na nakatitig lang sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya bago ako tumigin sa labas. Nasaan kami? Nasa harap lang naman kami ng isang bahay. Kaninong bahay ito?

"Nasaan tayo?"-tanong ko sa kaniya pero paglingon ko kay Reid ay tulog na siya.

Mukhang pagod na pagod siya. Bakas na bakas sa kaniyang mukha. Napabuntong-hininga na lang ako at saka matamlay na ngumiti.

Hinaplos ko ang kaniyang pisngi dahilan para magising siya. Napalayo ako ng bahagya pero hinawakan niya agad ang kamay ko.

"Tara na."-akit niya sa akin pero halatang gusto niya pang matulog.

Lumabas na kami ng sasakyan at saka naglakad papasok ng bahay. Gusto kong magtanong kung nasaan ba kami ang kaso umurong na ang dila ko dahil pakiramdam ko wala na talaga siyang lakas.

Nang makapasok kami sa loob ay bumungad sa akin ang napaka-linis na sala at eleganteng pero simpleng bahay.

Pagkabuhay niya ng mga ilaw ay tumuloy agad siya sa sofa at nahiga roon. Ilang sandali pa ay nakatulog na rin siya.

Napatitig akong muli sa kaniya. Pinuntahan ko ang pwesto niya at saka bumaba na kaunti para matapatan ko siya saka ko hinaplos ang kaniyang mukha.

"Reid, tara na sa kwarto mo. Doon ka na magpahinga."-mahinang buling ko sa kaniya habang hinahaplos ko ang kaniyang mukha.

"Hhmm.."-tanging sagot niya.

"Tara na, umakyat ka na. Mas magiging maayos ang pagpapahinga mo doon."-sambit kong muli. Unti-unti na niyang iminulat ang kaniyang mga mata at saka unti-unti ring bumangon.

Nang makatayo na siya at maglalakad na sana paakyat ang kaso bigla siyang natigilan.

"Tara na!"-mahinang akit niya sa akin at binalikan pa ako para lang hilahin yung kamay ko.

Nang makarating kami sa kwarto niya ay pinagbihis ko muna siya at saka ko siya pinagpahinga.

Nalaman ko na bahay niya pala ito. Nandito lahat ng litrato niya, achievements, medals, etc.

May mga litrato din ako dito ang kaso nga lang nung bata pa ako. Magkasama kami.

Naglibot muna ako sa kwarto niya habang natutulog siya pero ng paalis na ako sa kama ay bigla siyang yumakap sa akin dahilan para muli akong mapahiga sa kama at hindi makatayo.

Aapela pa sana ako sa kaniya ang kaso nauna na siyang magsalita.

"Dito ka na muna...please, wag mo akong iwan."-nagsusumamong sambit niya sa akin. Nang titigan ko siya ay napagdesisyonan ko na mananatili na muna ako rito.

Biglang pumasok sa aking isipan ang mga alaala namin sa Royalties Academy.

Kaaway ko pa siya dati. Siya yung tao na kinasusuklaman ko noon. Hindi ko akalain na dadating yung punto na ganito. Yung magiging ganito kaming dalawa.

Hindi man ako naging Queen ng 5 Royalty noong nandoon pa kami sa RA. Ayos na rin naman ito; ako ang Queen ng lahat, ultimo ng Mafia Society.

Talaga nga namang mapaglaro ang tadhana. Hindi ko alam na parte pala siya ng nakaraan ko. Napakahalagang parte.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin maalala lahat ng nakaraan namin. Pero sigurado naman ako na maganda iyon.

Kung tutuusin hindi ko na kailangan balikan ang nakaraan ko dahil handa naman na ako para sa kinabukasan ko. Nalaman ko na ang lahat. Nakilala ko na ang nakaraan ko at ang aking mundo.

Pero nag-aalangan pa rin ako sa mga nangyayari sa akin ngayon. Marami pa ring palaisipan sa isip ko. Pero alam ko na kapag natuklasan ko iyon ay kasama ko na si Reid.

Ngayon mas lalong nawala ang takot ko na kaharapin ang lahat ng pagsubok na darating sa buhay ko. Dahil alam ko na nandyan naman si Reid.

Ngayon na lang ulit ako nagbukas ng puso at sarili ko para sa iba. Hinayaan ko siyang pasukin ang aking mundo pero hanggang mayroon pa rin akong doubt sa kaniya.

Meron pa ring parte ko na nagsasabi na wag kong ibigay ang lahat-lahat at wag akong magtiwala ng lubos-lubos.

Sana lang hindi ako biguin ni Reid. Lalo na ngayon at mas lalo pang lalalim ang relasyon namin sa isat-isa. Sana lang nararapat siya para sa aking tiwala at






pagmamahal.

🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱

Gusto ko po sana makilala niyo ang co-admin ko sa Ladychinderella's Page. Meet her @marykimoh---thank you ate! Mwah!

Thank you for reading ^_^
I hope you like it.

Vote and Comment...
Follow me...

👑Ladychinderella


Entering The Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon