Chapter 27

3.2K 88 1
                                    

Sam's POV

Naamlimpungatan ako dahil sa mabigat na bagay sa aking tiyan. Pagtingin ko doon ay braso pala ni Reid.

Magpapanic na sana ako ng bigla kong maalala ang sitwasyon. Napatingin ako sa mukha niyang maamo at saka ako napabuntong-hininga na lamang.

Dahan-dahan kong ini-angat ang kamay niya at saka ako dahan-dahang umalis.

Gusto ko pa sanang mag-stay kami sa ganitong posisyon ang kaso nga lang marami akong tanong tungkol sa nangyayari ngayon kay Reid.

Bumaba na ako at naabutan ko sila na naka-upo sa couch.

Pagkarating ko sa pwesto nila ay saka ako nagsimulang magtanong.

"Ano ang nangyayari kay Reid? Bakit bigla siyang nagka-ganun?"-nag-aalalang tanong ko sa kanila.

"Matagal na siyang ganyan simula pa lang nung mga bata tayo. Simula ng mawala ka..."-sagot ni Axl sa akin.

"Ako ang kasama niya paglaki. Were best buddies. Were best friends. Lahat ng kaaway niya, kaaway ko rin. Lahat ng gulo na kasali siya gulo ko rin. Sa saya at lungkot magkasama kami. Until, he decided to enter the mafia world for him to find you easily. Pumayag ako sa gusto niya dahil kahit ako ay gusto ka na ring mahanap ka. Pero mali ang naging desisyon namin. Mas lalong gumulo ang lahat. Naging malala ang lahat ng pangyayari. At doon din nagsimulang maghiwalay ang mga landas namin..."-pagke-kwento ni Axl. Nanahimik muna ako at hinayaan siyang nagpatuloy.

"Simula ng pasukin namin ang RA ay hindi na kami halos magkaayos. Hindi ko alam kung paano biglang nagkameron ng lamat ang pagkakaibigan namin. Hanggang sa pumasok muli sila Danzelle sa buhay namin."-dugtong pa ni Axl.

"Pagdating namin ay galit agad ni King ang nadama namin. Noong una pa nga ay hindi niya kami itinuturing na kaibigan. Hanggang sa tumagal ang panahon at natanggap niya na rin kami at ganun rin naman kami sa kaniya. Nasanay na."-saad naman ni Afira

"Nakita namin kung paano siya naging miserable. At sa tuwing isinasama niya ako pag-iinom ay kasamang lagi ang pangalan mo at pangalan ni Axl. Kung sayo ay puro pagmamahal kay Axl naman ay puro galit ang nararamdaman niya. Lagi rin siyang umiiyak."-ani naman ni Yohann.

"Palagi siyang nagwawala? Paano niyo siya nakokontrol?"-nagtatakang tanong ko.

"Walang nakakapigil sa kaniya."-sagot ni Danzelle sa malungkot na paraan.

"Naaalala mo ba kung bakit kaming apat lang ang laging magkakasama lagi sa RA? Iyon ay dahil lagi siyang nagmumukmok, nag-iinom, nagagalit."-dugtong pa ni Danzelle.

"Kaya nagpapasalamat kami dahil dumating ka na. Tama ang hinala namin ikaw ang makakapigil at makakontrol sa kaniya."-na-iiyak na saad ni Afira.

Hindi ko alam pero mas naakit akong tumingin ay kay Axl. Napansin ko na talagang nalungkot siya sa nangyari sa kanilang dalawa ni Reid.

"Kakausapin ko si Reid. Ibabalik ko siya sa dati. Wag kayong mag-alala."-seryosong saad ko habang nakatitig kay Axl.

Nang tumingin siya sa akin ay hindi ko na napigilan ang aking sarili na lapitan siya at saka yakapin ng mahigpit.

Matagal ang itinagal ng pagyayakapan namin. At hindi ko namalayan na umiiyak na pala siya.

Paghihiwalay namin ay tumango na lamang siya sa akin na nginitian ko naman, napansin ko na bigla silang natigilan at napatingin sa aking likuran.

Napalingon ako sa aking likuran at doon ko nakita si Reid na nagmamasid sa amin ng seryoso.

Pero ang kakaiba ay matatalim ang tingin niya kay Axl. Napalingon ako sa kaniya bago ako lumapit kay Reid.

"Gising ka na pala."-sambit ko at saka pilit na ngumiti sa kaniya.

Nang makalapit na siya sa akin ay agad niyang hinapit ang aking baywang. Kaya nakaramdam ako ng pagkailang.

Pilit kong inaalis yung kamay niya ang kaso mas lalo niya pang hinigpitan.

"Reid ano ba?!"-mahinang usal ko sa kaniya pero hindi niya ako pinakawalan.

"Bitawan mo siya. Hindi mo ba ramdam na nasasaktan at naiilang na siya."-walang emosyon na saad ni Axl dahilan para mapabaling sa kaniya ang atensyon ko.

Mukhang lalaban na ngayon ng patas si Axl. Kung noon ay nagpapaubaya siya sa tingin ko ngayon ay hindi na.

"She's mine and mine alone."-matigas na sambit naman ni Reid at nagpukol na naman kay Axl ng masasamang tingin.

Para matigil na sila ay buong pwersa na inalis ko ang kamay ni Reid at saka lumayo sa kaniya. Namagitan ako sa dalawa at saka nagsalita.

"Itigil niyo na yan."-mariing saad ko na animo ay isang utos na rin.

Tumingin ako kay Axl at alam ko na nakuha niya ang pinaparating ko. Tumango na lamang siya at bahagyang ngumiti bago umakyat sa kaniyang silid. Na sinundan rin naman nina Danzelle, Afira, at Yohann.

"Ano ba talaga ang nangyayari sa'yo Fortalejo? Bakit ka nagkakaganyan?"-inis na tanong ko sa kaniya ng maiwan kaming mapag-isa.

"Aagawin ka niya sa akin."-tanging sambit niya.

"Tsk! You look like a crazy man. Stop what your doing."-ani ko sa kaniya at iniwan na rin siyang mag-isa roon.

Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong nakaramdam ng pagka-inis.

Maya-maya pa ay may naramdaman akong kamay na humawak sa aking braso.

Paglingon ko ay walang iba kundi Reid. Nakayuko na siya ngayon na parang maamong tuta.

"Im sorry...again"-ani niya sa akin.

Hindi ko alam kung ano ba ang ginawa niya at napahawak na lamang ako sa kaniyang mukha.

"Reid, you have to understand whats happening now. Hindi lang ikaw ang may problema. Sa tingin mo ba sa ginagawa mo, mapapanatili mo ako sayo? Lalo lang akong lalayo."-malumanay na saad ko sa kaniya.

"Ayoko kang na maagaw ka niya uli sa akin."-sagot niya sa akin.

"He's your Bestfriend after all. You two are best buddies back then. What happen? At ano ba ang naiisip mo na aagawin niya ako sayo?"-tanong ko.

"He try to steal you from me."-sagot niya sa akin.

"Reid, your just being paranoid. Inaakala mo na aagawin niya ako sayo dahil mas naging close kami, dahil mas naging malapit siya sa akin. Pero hindi mo ba naisip na ikaw mismo ang naglayo ng loob mo sa akin noon?"-pagpapaliwanag ko sa kaniya.

"He betrayed me. Alam niya na na ikaw si Denice but he didnt tell to me. He made me feel so idiot."-aniya.

"Mag-isip ka. Paano kung may mas malalim pa na dahilan kung bakit niya ako itinago? Reid, minsan kailangan mo rin isipin ang iba kesa sa sarili mo. Isipin mo nalang ang nararamdaman nila dahil sa ginagawa mo ngayon. Nasasaktan sila."-paliwanag ko.

"Your the only thing that is important to me. Wala na akong pakialam sa kanila simula ng mawala ka."-ani Reid.

"I'll give you some time to think. To realize what you've done to them... to me...and to yourself most specially."-sambit ko.

"What do you mean?"-nagtatakang tanong niya ng naka-kunot ang noo.

"I'll give one week. At sa loob ng linggong iyon ay hindi tayo pwedeng mag-kita o mag-usap."-sambit ko sa kaniya.

"But---"-hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil pinutol ko na iyon.

"No buts. Para ito sa ating lahat. Para sa ikabubuti ng lahat. Sana sa mga panahon na iyon ay malaman mo ang tunay na halaga nila."-saad ko at saka binitawan siya at umalis sa kaniyang harapan.





🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱

Thank you for reading!

Vote and Comment...
Follow me...

👑Ladychinderella

Entering The Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon