Chapter 61

2K 49 1
                                    

Quatro's POV ( Someone POV )

"The hell, Uno! Ano bang naiisip mo?! Are you insane? She'll die."-hysterical na saad ni Tres (Alethea). Hindi pa siya mapakali hanggang ngayon dahil sa ginawa ni Uno kay Sam.

"Hindi siya mamamatay, Tres. Wag kang sobra."-walang pakialam na saad ni Dos habang kinukutingting ang kaniyang kuko.

"Hindi mamamatay? Binaril siya sa ulo!"-sumbat ni Tres sa dalawa pa naming kasama.

"Kontrolado natin ang lahat, Tres incase you dont remember. Kaya hindi mo kailangang umakto ng ganyan."-walang gana na saad ko kay Tres at saka naupo sa sofa.

Sa aming apat talaga siya ang pinaka-nag-aalala kay Samarah. Lahat naman kami nag-aalala pero siya ang kaibahan.

Hindi niya kayang saktan si Samarah. Ayaw niyang nakikita na nahihirapan si Sam.

"Tsk! I cant understand all of you!"-galit na sigaw niya sa amin at lumabas na ng opisina naming apat.

Nakita ko na napailing na lamang si Dos sa inakto ni Tres kanina lamang.

"Quatro, what's her condition now?"-tanong sa akin ni Uno at ibinaba niya ang kaniyang hawak na iPod.

"She's safe now. Pero ang alam ng mga kaibigan niya ay delikado ang lagay niya."-balita ko sa kaniya.

"Did you already send some of the antidote?"-sunod na tanong niya sa akin.

"Yes. Pero panandalian lamang."-sagot ko sa kaniya.

"Good. Dos, how's your conversation with Samuel?"-tanong ni Uno kay Dos at bumaling na kay Dos.

Itinigil na ni Dos ang kaniyang ginagawa at saka hinarap si Uno.

"Wala pa siyang sagot."-simpleng sagot ni Dos at kinuha ang kaniyang iPod saka iyon kinutingting.

"Do it faster."-walang emosyon na saad ni Uno at tumayo na sa sofa at pumunta sa kaniyang table.

Kinuha ko na rin ang aking iPod at tiningnan ang nangyayari sa Hospital. Kontrolado namin ang lahat ng nangyayari. Pati na ang mga Doctor ay kontrolado namin ang sasabihin.

Napangisi ako ng makita ko na nagkakagulo na sila.

Pero ng mapagawi na ang aking tingin sa parte ni Samarah ay bigla na lamang nagbago ang aking emosyon.

Naaawa rin ako sa kalagayan niya ngayon pero alam ko naman na ginagawa lang ito nina Uno para na rin sa ikabubuti niya.

"Quatro, let's go!"-biglang sambit ni Dos dahilan para mapatingin ako sa kaniya ng nagtataka at nakakunot ang noo.

"Were going to the Hospital. Were going to talk to Samuel."-sagot niya na agad sa akin.

Binitawan ko na ang aking iPod at saka tumayo. Pumunta muna ako sa aking lamesa para kunin ang aking jacket.

Lumabas na kami ng Headquarters namin at sumakay kami sa kaniya-kaniya naming sasakyan.

Naalala ko pa, ilang taon din kaming hindi nagparamdam at nagpakita sa mundo. Dahil sa pangako namin kay Samarah.

"Quatro, pumunta ka na sa kwarto ni Samarah at tingnan mo ang kalagayan niya."-utos sa akin ni Dos gamit ang aming earpiece.

"Okay."-simpleng sagot ko sa kaniya at saka mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ko dito sa aking kotse.

Napangisi ako ng makita ko na sabay-sabay lumabas ng Hospital ang mga kaibigan ni Samarah.

Pero parang may kulang sa kanila. Fortalejo? Mukhang siya pa ang naiwan na magbabantay.

Napangisi ako sa naiisip ko ngayon. Hindi na rin masama ang nangyari ngayon. Mukhang mapapalaban ako.

Ang talagang nasa plano namin ay mag-di-disguise ako bilang nurse pero naisip ko na wag na iyon gawin dahil mawawala ang trill kung ganoon.

Malapit na ako sa kwarto ni Samarah. At papasok na sana agad ako pero natigilan ako ng bubuksan ko na ang pintuan.

Nandito na naman siya...

Pumasok na ako ng tuloy-tuloy at saka isinarado ang pintuan at tinakpan ng kurtina ang silipan.

"Alethea.."-tawag ko sa aking kakambal na ngayon ay umiiyak sa tabi ni Samarah.

"Arkious, hindi ko na talaga kayang makita siya sa ganitong sitwasyon. I cant see her suffering like this."-umiiyak na sambit ni Tres sa akin at hinawakan ang kamay ni Samarah.

"Then, ipagdasal mo na pumayag agad si Samuel sa plano natin."-simpleng sagot ko sa kaniya at prenteng naupo sa sofa na nandito.

"Pwede naman nating gawin ang plano kahit wala si Samuel! Bakit ba ipinaalam niyo pa kay Samuel? Makakagulo lang siya. Babagal ang proseso!"-sigaw niya sa akin at matalim niya akong tiningnan.

"Then consult Uno."-maikling saad ko sa kaniya at sa tiningnan ko siya ng bored expression ko.

Unti-unti siyang lumapit sa akin at saka hinawakan ang aking kamay.

"Arkious, please tulungan mo ako. Gawin na natin ngayon ang plano. Itakas nalang natin siya."-pakikiusap niya sa akin. Sa totoo lang ayokong makita na ganito ang aking kakambal.

Ayokong makita siyang mahina. Dahil kapag nakita siya ng ibang tao na mahina kakayanin nila si Tres. Makukuha nila ang weakness niya.

Nakikita ko ang kaniyang mga luha na tuloy-tuloy ang pagpatak mula sa kaniyang mata.

Agad kong pinahid ang kaniyang mga luha na napatak.

"Sshh...hush now. I'll promise you we'll get her as soon as possible."-mahinahon na saad ko sa kaniya at saka ko niyakap ang aking kapatid.

Napakalas ako sa pagkakayakap sa kaniya dahil sa biglang pagkatok ng kung sino man.

Tatago na sana si Tres pero agad ko siyang hinila.

"We dont need to hide anymore. Malalaman rin naman nila na may kinalaman tayo."-walang emosyon na saad ko sa kaniya at pumunta na ako sa pintuan para pagbuksan kung sino man ang nakatok.

Kitang-kita ko sa kanilang mukha ang pagkabigla na makita ako sa kanilang harapan.

Pero ngumisi lang naman ako sa kanila. At malawak ko pang binuksan ang pintuan at kitang-kita ko na nagulat sila lalo ng makita nila si Tres sa loob.

"Nice to see you again, weak mafioso!"-nakangising usal ko sa kanila at saka lumabas na ako at isinara na ang pintuan ng kwarto.

"Q-quatro?"-nauutal na usal ni Leogo.

"Surprise to see us?"-panuyang sabi ko sa kanila.

"Anong ginagawa niyo dito? Anong kailangan niyo sa amin?"-dalawang sunod na tanong ni Fuentebella sa akin.

"Hindi pa ba sapat iyong ginawa niyo kay Sam? Hindi pa ba kayo nakukuntento?!"-pasigaw na saad ni Dela Vega sa akin.

Tiningnan ko lang sila ng walang emosyon at saka tumalikod na sa kanila at pumasok ako sa loob ng OR at tinawag ko na si Tres.

"Tres, we need to go."-sabi ko sa kaniya at agad naman siyang nagpaalam kay Samarah at sumunod na rin sa akin.

Nang lumabas kami ay hindi pa rin mawala sa kanilang mga mukha ang katawa-tawang expression.






"If you want to save her life, give her to us"


🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱

Thank you for reading!
Keep on supporting!
Hope you enjoy ;)

Vote and Comment...
Follow me...

👑LadyChinderella

Entering The Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon