Chapter 26

3.2K 90 19
                                    

Sam's POV

Nagising ako ay kinabukasan na. Maayos naman na ang pakiramdam ko.

Kagigising ko pa lang ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Wala akong plano na sagutin iyon ngunit mukhang no choice ako dahil nakakailang ring na ito at naririndi na ako.

"Hello?"

"Queen..we need you here."

Huh? Si Danzelle? Ano naman kaya ang problema?

"Anong problema?"

"Kailangan ka ni King. Kailangan ka ni Reid."

"Ano ba ang nangyari? I have many works to do. Baka naman hindi yan malala."

"He's drunk and he's always saying your name. Please come here. Ayaw na namin makita ang kaibigan natin na ganito. He needs you here, Denice"

Bumangon na ako at saka siya sinagot.

"Okay. Mag-pe-prepare lang ako papunta na ako dyan. By the way, where are you?"

"Headquarters."

Pagkatapos niyang sagutin ang tanong ko ay ibinaba ko na ang tawag.

Pagkatapos kong mag-ayos ay napatingin ako sa wrist watch ko 6:30 a.m

Pagkalabas ko ng silid ko ay agad kong tinawagan ang aking sekretarya.

"Hold my meetings and appointments."-utos ko sa kaniya at saka tumuloy na ako sa aking sasakyan.

Medyo malayo-layo ang HQ nila dito sa Grand Mansion kaya halos 1 oras at kalahati akong nag-byahe.

Pagkarating ko ay agad na akong pumasok. Nadatnan ko sila na lahat nag-aalala ang mga mukha.

"Anong nangyari?"-nag-aalalang tanong ko.

"Nasa kwarto niya siya. Hindi siya mapigilan. Akala namin napakalma na namin siya pero hanggang ngayon ay nagwawala pa rin siya."-pagsagot ni Danzelle sa aking tanong.

Agad na akong tumakbo papunta sa itaas at saka pinuntahan ang silid ni Reid.

Kumatok muna ako at agad kong narinig ang sigaw niya.

"Sinabi ng hindi ko kayo kailangan! Si Denice ang kailangan ko!"-sigaw niya.

Kumatok akong muli at saka nagsalita.

"Reid, si Denice ito."-marahang saad ko at ilang sandali pa ay unti-unti nagbukas ang pinto.

Nang makaharap ko siya ay napatungo na lamang siya. Mukha siyang stress na stress.

Lumapit ako sa kaniya at papasukin sana ang kwarto niya pero pinigilan niya ako.

"Wag ka ng pumasok"-mahinang saad niya na alam ko na may bahid ng lungkot.

Pero hindi niya ako napigilan at saka pinasok ko ang kwarto niya.

Nakakalat ang mga basag na bote, vase at iba pang babasagin.

Meron pang 5 bote ng JD sa may kama.

Pati ang flatscreen TV niya ay hindi rin nakaligtas. Basag rin iyon.

Muli kong ibinalik ang aking tingin kay Reid at saka siya nilapitan.

Naka-upo na siya ngayon sa kaniyang kama. Kaya sinigbayan ko siya.

"Ano ba ang nangyayari sayo? Kahapon lang ay ayos ka pa."-malumanay na tanong ko sa kaniya.

Wala akong narinig na kahit anong sagot kaya mas minabuti ko na lamang na yakapin siya.

Unti-unti ay nagsalita siya sa akin.

"Ang hirap. Ang hirap tanggapin na hindi mo ako gusto at si Axl na."-malungkot na saad niya sa akin. Naramdaman ko na may pumatak sa aking damit pero binalewala ko na lamang iyon.

Hinarap ko siya at saka ko hinawakan ang kaniyang mukha.

"Diba noong nasa gubat pa tayo ay sinabi ko na sayo na gusto kita. Matalik na kaibigan lang ang turing ko kay Axl kaya itigil mo na ito."-mariing banggit ko.

Aaminin ko na gusto ko rin si Axl pero hindi na iyon mahalaga dahil alam ko na baka magwala na naman si Reid.

"Im sorry."-parang bata na nakagawa ng malaking kasalanan na sambit ni Reid sa akin.

Tumango na lamang ako at saka niyakap siya. Nang bumitiw ako sa pagkakayakap niya ay agad akong nagsalita.

"Kailangan mong mag-ayos. Hindi ikaw ang Reid na kilala ko. Fix yourself"-saad ko sa kaniya.

Napatungo na lamang siya. Nang mapansin ko ang paligid ay inakit ko siya lumipat muna sa ibang kwarto.

"Lumabas na tayo dito sa kwarto mo at lumipat muna sa ibang kwarto. Masyado ditong makalat at magulo sa iyong kwarto."-saad ko sa kaniya at inalalayan siyang tumayo.

Pasuray-suray na ang kaniyang paglakad kaya kailangan ng gagabay. Napansin ko na marami-rami na rin ang nainom niya dahil halatang lasing na siya at sa amoy niya.

"Saan ang iba pang kwarto dito?"-tanong ko sa kaniya ng makalabas na kami sa kwarto niya.

Hindi na ako nasagot pa ng tinanong ko dahil tulog na pala ito.

Mabuti na lamang at paakyat na si Axl kaya nakapagtanong ako sa kaniya.

"Saan ang iba pang bakanteng kwarto dito?"-tanong ko sa kaniya ng pareho ng kaming umaalalay kay Reid.

Itinuro niya ang isang kwarto. Nang makapasok kami sa kwartong sinabi ni Axl at ng ihihiga na namin si Reid ay nagising siya at bigla na lang ulit siya nagwala. What the heck?!

"Bakit nandito ako sa kwarto na to? Ayokong matulog sa kwarto ng isang traydor at mang-aagaw!"-sigaw niya at saka tiningnan ng masama si Axl.

"Mas mabuti siguro kung sa guest room nalang siya matulog."-saad ni Axl.

"Ako na ang aalalay sa kaniya. Mauna ka na at ihanda mo ang kwarto."-dugtong pa niya. Mabuti na lamang at alam ko yung guest room dahil minsan na akong nakatulog doon.

Nang kukunin na ni Axl si Reid ay bigla na lang siyang yumakap sa akin.

"Wag mo akong iwan, Denice please..."-nagmamakaawang saad ni Reid sa akin.

Napatingin ako kay Axl at saka tumango na lamang sa kaniya. Alam kong nakuha na niya ang ibig kong sabihin.

"Pumayag ka na dito na magpahinga."-saad ko sa kaniya.

"Basta wag mo akong iiwan, dito ka lang sa tabi ko."-saad niya sa akin na tinanguan ko na lamang.

Inihiga ko na siya sa kama sabay ng paglabas ni Axl sa kwarto niya. Oo, kwarto niya pala itong pinasukan namin.

Nang makahiga na siya ay agad niyang hinawakan ang aking kamay at saka ako hinila dahilan para mapahiga ako. Agad niya naman akong niyakap.

Napabuntong hininga na lamang ako habang yakap-yakap ako ni Reid. Napatingin ako sa kaniyang mukha. Perpektong-perpekto ito.

Sa malalantik na kilay, matangos na ilong, malamlam na mga mata, at ang kaniyang nakakaakit na mga labi. Napaka-amo ng kaniyang mukha.

Kaya hindi nakakapagtaka na marami siyang babae na nabibitag at nagkakagusto sa kaniya.

"Mahal na ata kita..."-mahinang saad ko sa kaniya at saka ipinikit ko na rin ang aking mga mata.

Ngayon ako muling nakaramdam ng pagod. Nitong nga nakaraang araw ay parang andaming gawa.




🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱

Thank you for reading!
Please like my page. "Ladychinderell's Stories"

Vote and Comment...
Follow me...

👑Ladychinderella


Entering The Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon