Chapter 32

3.2K 93 6
                                    

Sam's POV

Nandito kami ngayon sa isang Restaurant. Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari.

Para akong na-devirginized kung makaakto pero nabusohan lang naman ako.

Pakiramdam ko kasi ganun na rin yun. Argh! Nakakaasar na talaga siya. Ni hindi ko magawang tumingin sa kaniya ngayon.

"Sorry na..."-malambing nasaad niya sa akin at hinawakan pa ang aking kamay.

Agad ko iyong kinuha mula sa kaniya at tumungo na muli. Pakiramdam ko kailangan ko na namang gumawa ng bagong pader na maghihiwalay sa amin.

Pakiramdam ko nga kanina nung hinawakan niya ako ay nanginig nalang ako.

"Stay away."-walang emosyon na saad ko sa kaniya at sakto naman ang pagdating ng pagkain namin.

Habang nakain ay hindi ko rin naiwasan na mapatingin sa kaniya. Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Napaka-lungkot na ng itsura niya.

Napabuntong-hininga ako at saka nagsalita.

"Fine. Its okay."-malumanay na saad ko sa kaniya at saka ako ngumiti sa kaniya. Akala ko kaya ko siyang tiisin, hindi rin pala.

Unti-unti ko ng nasilayan ang mga ngiti sa kaniyang labi. Hinawakan niyang muli ang aking kamay na naka-patong sa table but this time hindi ko na inalis.

"Im so sorry again. I didnt mean it. At isa pa, wala rin naman akong nakita. Nakalubog ka sa tubig at puno ng bula kaya promise wala talaga akong nakita. Sorry sa kapangahasan ko."-pagpapaliwanag niya sa akin na tinanguan ko lang naman.

Pagkatapos naming kumain ay agad niya akong pinagsuot ng isang summer cap at ibinigay niya sa akin ang aviators niya.

"Bakit hindi ikaw ang magsuot nitong aviators mo? Meron naman na akong cap."-saad ko sa kaniya at aalisin na sana ang aviators na ibinigay niya kaso pinigilan niya ako.

"You need that. Remember our situation. Lumalabas na itinakas kita at sigurado ako ngayon na hinahanap ka na...pati na rin ako."-mahinang sambit ni Reid pero sapat na para marinig ko.

Tumango na lamang ako. Tama nga naman siya.

Napapunta kami sa isang mall. Agad muna kaming pumunta sa Department Store.

Agad siyang pumunta sa isang stall ng bilihan ng aviators. Na sinundan ko rin naman.

"This one and...Arah, pick what you want."-itinuro niya ang gusto niyang aviator. Nabigla ako sa itinawag niya sa akin. Arah? Hhmm..sounds well by the way.

"Uh...that one."-turo ko sa gusto ko na aviator. Napatitig pa ako kay Reid. Hindi ako makapaniwala na natatawag niya ako sa pangalan ko na Arah short for Samarah. Akala ko kasi paninindigan niya na 'Denice' na talaga.

Pagkatapos niyang bayaran ay tumungo naman kami sa Women's Clothings Section.

"Bakit tayo nandito?"-nagtatakang tanong ko. I mean is, marami pa naman akong damit kaya bakit kailangan niya pa akong ipunta dito.

"Of course, we'll buy some of your clothes."-nakangiting sagot niya sa akin habang naka-akbay pa rin siya sa akin.

"But I still have many clothes and I am sure that clothes are new, right?"-tanong ko sa kaniya na ang tinutukoy ko ay yung mga damit na nasa cabinet.

"Yes pero iba pa rin ang mga gusto ko. Ako ang namili ng mga damit na iyon at iba kapag ikaw mismo ang pipili."-pagpipilit sa kaniya ni Reid.

Entering The Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon