Special Chapter

3.4K 53 4
                                    

Samuel's POV

"Wow! Family Reunion? Talagang kumpleto pa kayo? Ahh...teka parang may kulang. Nasaan ang anak niyong babae? Nasaan si Samarah?"-nakangiting saad ni Armando sa aming harapan.

"Napakarami mong satsat, Armando! Simulan na natin itong laban na ito para matapos na!"-sigaw ni Papa at nagsimula itong magpaputok ng baril.

Agad na kaming nagtaguan sa kung saan-saan. Kung tutuusin ay mas marami kami dahil kumampi ang ibang Mafia sa amin samantalang sa Fortalejo ay iniwan silang nag-iisa.

Nakita ko si Armando Fortalejo na nasa isang tabi at naglalagay ng bala sa kaniyang baril.

Agad kong kinuha ang aking shuriken at saka ibinato sa kaniya. Napapikit ako ng mariin ng hindi iyon tumama dahil mabilis niya iyong nakuha.

Napangisi pa siya sa akin bago ako tinutukan ng baril ngunit agad na akong nagtago.

Agad kong napansin na nakikipag-barilan na sina Mama sa iba pa naming kalaban.

Lumabas ako sa aking pinagtataguan at nakita ko si Armando na hawak na si Mama at tinututukan ito ng baril.

"Hayop ka Armando!! Pakawalan mo ang asawa ko!"-mariing sigaw ni Papa at saka tinutukan na rin si Armando ng baril.

"Sige iputok mo para magsama kami sa kamatayan nitong pinakamamahal mo asawa. Hahaha!"-nababaliw na saad ni Armando.

Napansin ko na may mga bagong tauhan na pumapasok sa loob ng Arena.

At bigla na lamang natumba si Armando dahil sa pagputok ng isang baril.

"Mama!"-malakas na sambit ni Samarah at siya ang dumalo kay Mama at tinulungan itong makatayo.

Hindi na namin siya pinakatutukan at saka nakipagbarilan pa sa ibang kalaban.

Habang binabaril ko ang ilang kalaban ay nakarinig ako ng isang sigaw na nakapagpatigil sa akin.

"Papa! Wag!"-mariing sigaw ni Samarah at saka siya humarang sa harapan ni Reid.

Kasalukuyang babarilin sana ni Papa si Reid ngunit sa tingin ko ay nakita iyon ni Samarah kaya agad siyang humarang.

Napa-iling ako sa aking nakita at saka ako napatakbo sa kanilang pwesto.

"Papa please wag niyo po siyang patayin. Siya lang ang lalaking pinakamamahal ko. Please papa.."-umiiyak na saad ni Samarah habang yakap-yakap si Reid.

Parang may sinabi si Reid ngunit umiiling-iling lamang si Samarah.

"Denice just go!"-mariing sigaw ni Reid Fortalejo at saka itinulak palayo sa kaniya si Samarah.

Agad namang ikinasa ni Papa ang kaniyang baril at kulang nalang ay higitin ang trigger ngunit nagsalita si Samarah.

"Pull that trigger and we'll see at heaven."-walang kaemo-emosyong sambit ni Samarah.

May itinutok siya sa kaniyang ulo na baril habang meron din namang baril na nakatutok kay Papa.

"Tsk! Let me rephrase is at hell."-nakangising usal niya sa amin.

Agad kong inagaw ang baril ni Papa kaya napababa na rin ang baril ni Samarah pero nabigla kaming lahat sa nangyari.

Bigla na lamang may humawak kay Samarah at saka kami tinutukan ng baril.

"Wag kayong susunod kung ayaw niyong mapahamak ang isa sa inyo o lahat kayo!"-sigaw ni Nathe. Napakunot ang aking noo dahil sa kaniyang inasal.

"Nathe! What's the meaning of this?!"-galit na bulyaw ni Samarah habang nagpupumiglas na makaalis sa pagkakahawak ni Nathe.

"Iniwan at sinaktan ka ng putang Fortalejo na iyan, Samarah. At alam kung sobrang sakit ang nararamdaman mo noon. Hindi ba't ako lagi ang nandito para iahon ka sa pagkakalugmok mo? Ngayon maniningil na ako. Ito ang kabayaran sa pagtulong ko sayo. Magiging akin ka."-mariing saad ni Nathe na ikinabigla naming lahat.

Hindi ko inaasahan na magagawa ito ni Nathe. Kababata namin siya ni Samarah sa States at napakabait niya sa amin lagi niya kaming binibigyan ng pabor.

Sinipa ni Samarah sa tiyan niya si Nathe kaya naman nakawala si Samarah at agad na tinutukan ng baril si Nathe.

"Tigilan mo na ang pagpapanggap mo, Catherine Fortalejo. Umalis ka sa ilalim ng pagkatao ni Nathe dahil baka mapatay pa kita."-mapanganib na saad ni Samarah.

Nagulat kami ng magtanggal ng maskara si Nathe at lumabas si Catherine Fortalejo ng nakangisi.

"Wala ka pa ring pinagbabago, Denice. Wala ka pa ring kakupas-kupas. Pero kahit ganyan ka hinding-hindi mo ako matatalo!"-galit na sigaw ni Catherine at agad niyang sinugod si Samarah ng kaniyang dagger ngunit puro salag lamang si Samarah.

Natigil si Catherine ng hawakan siya ng kaniyang kapatid na si Reid sa dalawa nitong kamay.

"Tama na, Ate! Tama na."-mariing sambit ni Reid na mahihimigan ng galit at hinanakit.

"Hindi! Hindi ako titigil hangga't hindi ko napapatay ang babaeng yan! Aagawin ka niya sa akin pati na rin ang ating Mafia!!!"-sigaw ni Catherine habang gustong kumawala sa pagkakahawak ni Reid.

"Hinding-hindi iyon mangyayari, Ate Catherine. Kaya itigil mo na ang kahibangan mo."-saad ni Reid. Nilapitan ni Samarah sina Reid at Catherine at biglang hinawakan ni Samarah si Catherine sa leeg nito at parang may kinuha doon.

"Kinontrol siya ni Armando."-walang emosyon na sambit ni Samarah at saka nilisan na ang buong Arena.

"Tapos na ang kahibangan na ito. Mas magandang umalis na kayong lahat dito ngayon na."-puno ng awtoridad na sambit ni Samarah.

🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱

Thank you for reading!
Keep on supporting!
Take Care :*

Vote and Comment...
Follow me...

👑LadyChinderella

Entering The Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon