Chapter 36

3K 80 1
                                    

Sam's POV

Nandito pa rin kami sa Pan Pacific Hotel at simula kahapon ay hindi pa rin kami nalabas dito sa room namin.

Jeez! Nababagot na ako dito sa loob.

"Denice, dress up. May pupuntahan tayo."-seryosong saad ni Reid sa akin at ng marinig ko iyon ay agad-agad na rin akong nagbihis.

Gustong-gusto ko ng makawala dito sa kwarto na ito.

Pagkatapos kong maligo, mag-ayos at magbihis ay naabutan ko sa labas si Reid na nakabihis na.

Papaalis na kami ngayon ng Hotel. At kasalukuyang naglalakad papunta sa elevator.

"Saan ba tayo pupunta?"-nagtatakang tanong ko kay Reid pero isang simpleng tingin lang ang isinukli niya sa akin.

Napataas ang kilay ko dahil sa inasal niya. What the heck?!

"Just trust me."-mahinang saad niya at hinawakan na ang aking kamay. Medyo kinabahan ako dun sa sinabi niya.

Para kasing may mangyayari na kakaiba. Parang ang lalim ng ibig sabihin nung 'just trust me' niya.

Tinitigan ko muna siya ng matagal bago mapabuntong-hininga. Kailangan kong magtiwala sa kaniya.

Nang makalabas na kami ng hotel ay agad na ibinigay nung nag-a-assist yung susi ng kotse niya at saka pumarada sa harap namin yung kotse niya na Porsche.

Pinagmamasdan ko ang dinadaanan namin. Wala naman kakaiba. Hanggang sa lumiko kami bigla. Na sa tingin ko ay hindi sa akin pamilyar yung lugar.

Magtatanong nga sana ako kung nasaan na kami at saan ba kami pupunta pero sigurado naman na hindi niya ako sasagutin na naman. Tsk!

Naisipan ko na lang na magmuni-muni na lang.

Biglang pumasok sa isip ko sina Aireine, Fleah at Lindsey. Kamusta na kaya sila. Ang tagal na rin simula ng makita ko sila.

Its almost 5 months since I entered the Mafia World and since then I dont have a time for them.

Bigla kaming tumigil sa isang park? Tama park nga na maraming tao specifically mga bata.

Ano naman kaya ang gagawin namin dito? Sabagay ayos na rin pero sorry dahil hindi ako gaanong mahilig sa bata. Pili lang ang mga bata na kinahihiligan ko.

Lumabas na siya at pinagbuksan niya naman ako ng pintuan. Lumabas na ako at saka inilibot ang paningin.

Napangiti ako dahil sa nakita kong hanay ng mga street foods stalls. Ugh! The smell.

Natuto akong kumain ng mga street food like isaw, betamax, kwek-kwek at barbeque ng isama ako dito ni Nathe.

Oo, siya ang nagturo sa akin na kumain ng mga street food. Hindi naman kasi lahat ng street food ay madumi yung iba naman ay malinis.

Lumapit na ako doon at saka nakangiting bumati sa tindera.

"Magkano po itong isaw at kwek-kwek?"-natutuwang tanong ko sa kaniya.

"5 ang isang stick, Ms Beautiful."-sagot sa akin ni Ateng Tindera. Magsasabi na sana ako kung ilan ang bibilhin ko ng biglang may humablot sa aking braso at saka inilayo ako doon ng kaunti.

"Why are you there? And Am I right that you want to buy that kind of food? Damn, Denice its bad for our health cant you see its dirty."-naaasiwang galit na sabi niya sa akin. Agad kumulo ang dugo at uminit ang ulo ko sa sinabi niya.

"That's not dirty. I already ate that kind of food before and its delicious nothing's bad."-kalmadong saad ko sa kaniya. Dahil ayaw kong ipakita na galit ako dahil ayaw kong sabayan ang init niya.

"Oh! Is that so? Then were going to Doctor later."-matigas na saad niya sa akin. Damn him! Hindi ko na kayang tagalan pa siya. Pinagtitinginan na rin kami dito ng mga tao at pati na rin iyong mga nagtitinda ng mga street foods.

"Can you please lower your voice, Fortalejo? Their staring at us now see what you did. Your over reacting."-mahinang sambit ko sa kaniya pero mahihimigan ang galit.

"I dont care. All I care is you. Let's go this place is not for us."-saad niya sa akin at hinila na ako ng tuluyan na makaalis doon at sa ibang parte kami ng park pumunta.

May inakyat pa nga kami na hagdan. Is that mean na may second floor itong park? But I just rolled my eyes.

Nakakaasar kasi si Reid. Ano ba ang nangyayari sa kaniya.

Sumilip ako sa baba at doon ko nakita ang mga street foods stall. Napabuntong hininga na lang ako. Mamaya babalik ako jan at bibili ng maraming-marami I swear.

Binitawan na ako ni Fortalejo pero bago siya umalis sa tabi ko ay may ibinulong siya sa akin.

"Dont go downstairs or else something bad is going to happen. I'll make a scene."-saad niya sa akin at hinawakan ako sa aking baywang. Geez! Akala ko pa naman lalayo na siya sa akin.

Naglakad pa kami at may natanaw na akong isang grupo ng mga kabataan na siguro ay kaedad lang namin ay nagkakagulo.

Mabuti pa sila. Magkakasama silang magkakaibigan. Samantalang, ako miss na miss ko na sina Fleah.

Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari sa akin ngayon at parang wala akong lakas na labanan o salungatin si Reid.

Siguro napagod na rin ako na makipagtalo sa kaniya. Nakakasawa na rin kasing makipagtalo sa kaniya.

Unti-unti ay nakalapit na rin kami sa grupo at nilagpasan lang namin iyon.

Saan ba talaga kami pupunta? Walang kwenta naman itong pamamasyal namin na ito kung iyon nga ang tawag sa ginagawa namin.

"Fortalejo, saan ba talaga tayo pupunta? Tell me or else."-banta ko sa kaniya at tumingin pa ako ng masama sa kaniya.

"Just wear this and you'll know."-may ibinigay siya sa akin na pampiring at saka inilagay iyon sa mga mata ko.

"Ano ba Fortalejo! Wala akong oras para makipaglaro sayo. Baka gusto mo na magkaaway na talaga tayo."-saad ko sa kaniya ng may pagkaasar.

"You trust me, right?"-tanong niya sa akin na tinanguan ko lang naman.

Naglakad pa kami ng medyo malayo-layo pa. Nang bigla kaming tumigil nawala na rin sa tabi ko si Reid. Ano ba ang nangyayari ngayon? Geez! Ang dami ng tao tapos pababayaan niya ako dito.

"Reid!!!"-malakas na sigaw ko hanggang sa makarinig ako ng mga hagikhikan na madali rin namang nawala.

Shit! Aalisin ko na sana yung pagkakapiring sa akin ng bigla may humawak sa aking kamay.

Ilang sandali pa ang iniintay ko at saka biglang may kumalas sa aking pagkakapiring. Nang imulat ko ang aking mga mata ay nagulat ako sa aking nakita.

Full of white and red roses.

At may nakasulat? Ano yun?

Lumapit pa ako at saka nabasa ko ang mga letters or words na binubuo ng mga roses.















Will you be my fianceè 🌹

🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱

Thank you for reading!
Oh my! Fianceè? Agad-agad? :D

Vote and Comment...
Follow me...

👑Ladychinderella

Entering The Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon