Chapter 10

5.7K 149 4
                                    

Sam's POV

Ngayong araw na ang hinihintay ng lahat. Ngayong araw na kasi ako officially ipapakilala sa buong Mafia World.

"Young Mistress, kailangan niyo na pong maghanda."-magalang na sabi sa akin ng isang maid gamit ang intercom.

Nalaman ko na bawal silang pumasok sa mga kwarto dito maliban nalang lung lilinisin nila pero kailangan may magbabantay sa kanilang butlers.

Gamit lang ang intercom pwede nila kaming kausapin.

"Im coming!"-sagot ko at saka nag-ayos na ako para makalabas na ako.

Pagkalabas ko ay sumalubong sa akin ang 5 maids na naghihintay.

Meron talaga kaming Room kung saan doon mag-aayusan. Kung baga Dressing Room pero malaki iyon para ng isang kwarto.

Pagkarating namin sa Dressing Room ay nadatnan ko ang 3 na make-up artist sa tingin ko at 2 naman para sa aking damit.

Yumukod sila sa aking harapan at saka nagsalita.

"Come here, my dear."-sabi ng isang bading na mag-aayos sa akin kaya sinunod ko na lamang siya.

Pagkaupo ko ay nilapitan ako ng isang stylist na nandito.

"What's your choice, my dear."-malambing na sabi nung babae sa akin.

Agad na nakaagaw pansin sa akin ang isang dress na gold na puno ng mga beads. Napangiti ako at saka nagsalita.

"That one!"-saad ko sa kanila ng nakangiti.

"Ay, Ay very good choice."-sabi nung isa ko pang stylist at saka pumalakpal pa.

"So, let's start."-sabi nung isang make-up artist at nagsimula na silang mag-ayos sa akin.

Mabuti na lamang at naka-bathrobe ako kaya madali akong makakapagbihis ng damit kong napili.

Pagkatapos nila akong make-up-an at ayusan ng buhok ay nagulat ako sa mga reaksyon nila. Parang amaze na amaze sila sa akin.

"Oh my Goddess! Youre a Goddess"-hindi makapaniwala sabi nung isa kong make-up artist.

"Yeah, Your a Goddess. I love you na!.."-maarteng sabi pa nung isang make-up artist.

"Halika na! Ma dear. Magbihis ka na. Baka mahuli ka pa."-maarteng sabi nung stylist ko na naka-assign sa damit ko.

Nagbihis na nga ako,mabuti na lamang at hindi sila lahat bakla. Dalawa ang babae sa kanila isang make-up artist at isang stylist ko na para sa damit ko.

Kaya natulungan nila ako na magbihis.

"Miss, the party will be started after 1 hour."-narinig kong sabi ng isang babae at narinig ko na nag-respond na rin ang mga kasama ko.

Agad naman kaming nagmadali. Ba-byahe pa kasi ako para makapunta sa mismong Dome ng Mafia World.


Hindi pa ako nababa dito sa sasakyan na sinasakyan ko dahil ang sabi nina Tita Allegra at Tito Alaric ay hintayin ko raw ang signal nila.

Habang naghihintay ako ay may nakita akong tao na papasok ngayon sa Dome.

Bakit pa nga ba ako nagtaka na nandito siya, eh sa kaniya naman talaga ang mundong ito.

Nakita ko na ang signal nina Tita Azra na pwede na daw akong pumasok. Si Tita Aura at Tito Alaric ang sumama sa akin papasok sa Dome.

Wow! Para lang ikakasal huh?

Ang buong akala ko ay sasamahan nila ako hanggang sa gitna ng Dome pero hanggang sa pintuan lang nila ako ihinatid.

"This is your day."-nakangiting saad ni Tita Aria sa akin.

Naglakad nalang ako ng confident papunta sa gitna ng Dome.

Malapit na ako sa gitna ng Dome ng makita ko ulit ang lalaking nakita ko noong nasa cafeteria kami at ang lalaking nakita ko kanina.

Ngumiti siya sa akin at saka inihatid ako ng kaniyang paningin papunta sa gitna ng Dome.

"Good Day to all of you! We are here to meet the Taracina's Heirloom; our Queen. Finally after so many years she is here in our front with that look."-panimula ng nagsasalita na sa tingin ko ay si Tita Arizona.

"Let's welcome warmly our Queen, Denice Taracina."-pormal na pagpapakilala ni Tito Ahmit sa akin.

Lahat sila ay nagpalakpakan at tiningnan ako ng may paghanga sa kanilang mga mukha.

Unti-unti ay para bang naghanda sila at sabay-sabay na yumukod sa aking harapan.

Hindi ako ngumiti sa kanila o di kaya ay nagpakita ng reaksyon. Napag-praktisan na namin ito nina Tito Augustus.

Lumapit sa akin si Sir Leonardo dala ang kaniyang napaka-fierce na aura. Aaminin ko na parang pinanindigan ako ng balahibo dahil sa kaniyang itsura.

Lumapit siya sa akin at saka biglaang ngumiti ng napaka-nakakaalis ng problema kaya napangiti rin ako sa kaniya ng bahagya.

"Now, in front of all Mafioso; in front all of you. I officially announce Denice Taracina as the heirloom and commander of Mafia Taracina. And of course as the Queen of Mafia World."-napaka-fierce na sabi ni Sir Leonardo sa buong Dome.

Lahat ay nag-siurong sa kani-kanilang pwesto. Unti-unti naman pumunta sa unahan ang aking mga Tito at Tita na nag-training sa akin at nagturo.

Lahat sila ay naka-fierce look at walamg nangiti.

Napansin ko rin na may pumalibot na 9 na babae sa amin.

"We, the Former Guardians of Mafia World and Mafia Taracina give our blessings to this women to be your Queen."-sabay-sabay na sambit nina Tita Allegra, Aura, Arizona, Azra, Aria at Tito Ahmit, Alaric, Ashton, Alton, at Tito Augustus.

Umalis na rin sila sa unahan at may mga tao naman na lumapit at pumalit sa kanila.

"We, Ancestors of all Mafia are officially accepting this young women."-sabi nila at umalis sa akin at may pumalit naman.

May nakita akong dalawang pamilyar na tao kasama ng mga taong lumapit sa akin ngayon.

"We, the Mafia Boss of ( name of their Mafia) is giving our blessings and officially accepting this women to be our Queen."-sabi nila at ngumiti pa sa akin ang dalawang lalaking kakilala ko bago sila tuluyang umalis.

May lumapit kay Sir Leonardo na isang babae at may dala itong Dress?.

Nang ibigay niya ito kay Lolo ay lumapit sa amin ang 9 na babae at inalalayan akong maisuot ang damit.

"Welcome, your highness."-pagbati sa akin ng 9 na babae at umalis na rin.

Hindi pala ito totally na Dress.

"Your Highness..."-banggit ni Sir Leonardo at pati siya ay yumukod din sa akin.

May inilatag silang Gold with black carpet at saka nila ako pinaglakad doon.

Papunta sa taas at sa aking trono.

Nakita kong nandito pala sa aking tabi ang lahat ng Mafia Boss ng bawat Mafia. Marami rin palang Mafia ang kabilang sa samahan na ito.

I think almost 40 Mafia's or 50.

"Welcome, your highness."-nakangising bulong niya sa akin. At ngumiti pa.

Reid Fortalejo...




🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱

Thank you for reading! ^_^

Monday na naman, hayy!
Happy Happy Birthday to my cousin. Mahal na mahal kita hahah! 😘 Miss ko na yung samahan natin. Sorry sa mga nagawa namin na hindi mo gusto.

Haha! Sorna. Ginawang wall 😁

Vote and Comment...
Follow me...

👑Ladychinderella

Entering The Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon