Chapter 31

3K 86 8
                                    

Sam's POV

Nagising ako na nakahiga na ako sa isang kama. Sigurado naman ako na wala ako sa ospital dahil hindi naman purong puti ang kisame.

Wala rin naman akong dextrose. Maganda rin ang design ng interior niya. Pormal na pormal ang dating.

Nasaan ba ako? Bumangon ako at saka ko inilibot ang aking paningin. Well, hindi naman ako tanga para hindi malaman na nasa hotel ako.

Napatingin ako sa buong katawan ko. Kompleto pa naman ang damit ko kaya siguro ay walang masamang nangyari.

"Wag kang mag-alala, wala pa akong ginagawa sa'yo."-sambit ng isang tinig dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

Tinaasan ko siya ng kilay at saka nagsalita.

"Ang ibig mong sabihin may balak kang gawin sa aking masama?"-mataray na tanong ko sa kaniya. Nakita ko ang bahagyang ngiti sa kaniyang labi.

"Dont worry, wala akong gagawing masama sa'yo hanggat walang permiso galing sayo."-nakangising saad niya sa akin.

I just rolled my eyes to him. What a jerk?!

Inalis ko na ang comforter na nakabalot sa akin at saka tumayo.

"Ngayon, pwede na ba akong umalis? Wala kang mapapala sa akin."-ani ko sa kaniya at saka inayos ang damit ko bago ko siya lagpasan.

Pero hindi ako nakalagpas sa kaniya dahil agad niyang nahawakan ang aking braso ng mahigpit.

Kunot noo akong humarap sa kaniya at saka nagsalita.

"Bitawan mo ako."-may diin na sambit ko sa kaniya at saka tiningnan siya ng masama.

"Hindi ako tanga para pakawalan ka ng hindi ko nagagawa ang plano ko, Denice. Hindi ko sasayangin lahat ng pagod ko."-baritonong sambit niya sa akin.

Aaminin ko na kahit papaano ay natakot ako sa sinabi niya. Ganito ba talaga ang isang Reid Fortalejo? Delikado at kayang-kayang gawin ang lahat.

Dahil sa pagkakakilala ko sa isang Reid Fortalejo ibang-iba siya sa nakikita ko ngayon. Meron siyanv control sa sarili niya at sa mga emosyon niya.

"Ano ba kasi ang kailangan mo sa akin? Bakit kailangan mo pa akong dalhin dito?"-asar na tanong ko sa kaniya.

"Hindi ako gagawa ng makakasama sayo hanggat sumusunod ka."-saad niya sa akin at saka binitawan na ang aking braso.

"I just want you to know/meet the real Reid Fortalejo."-mahinang sambit niya dahilan para matigilan ako.

Napatingin ako sa pintuan. Kung lalabas ako ngayon dito sa pintuan na ito makakatakas na ako sa kaniya pero hindi ko malalaman ang mga pwedeng mangyari.

Its now or never. Its MY choice by the way.

Hindi ko na alam kung ano ba ang gagawin kong desisyon. Sinasabi ng isip ko umalis na ako dito pero ang sinasabi naman ng puso ko manatili ako.

Ano ba ang susundin ko?

Hindi ko alam kung ano ba ang nagtulak sa akin pero imbis na ang piliin ko ay ang pagtakas ay ang paglapit pa kay Reid ang pinili ko.

Tumayo ako sa likuran niya at saka bumuntong hininga bago ako magsalita.

"Okay fine, i'll take the risk. But be sure huh?"-nakangising sambit ko sa kaniya sakto naman ng pagharap niya sa akin.

Nakangiti na siya sa akin at bigla niya na lang akong niyakap.

"Thank you, thank you for giving me a chance."-masayang saad niya at saka ako pinakawalan.

Lumapit siya sa side table at saka kinuha niya ang gatas?

Pagkalapit niya sa akin ay saka niya iyon iniabot sa akin.

"Wala pang laman ang tiyan mo. Take this. Ako ang nagtimpla niyan."-proud na sabi niya sa akin at
Saka ngumiti ng ngiting-ngiti na halos aboy tainga niya.

"Talaga lang ha? Baka naman ang sama ng lasa nito. Grabe gatas na nga lang papalpak ka pa."-pang-aasar ko sa kaniya. Lumapit siya sa akin para makuha ko ang gatas sa kaniyang kamay.

Tiningnan ko muna iyon para mas maasar siya pero bigla niyang itinulak ng bahagya dahilan para mainom ko agad.

Napatawa ako sa ginawa niya.

Nang matapos ko ng inumin yung gatas ay saka ko iyon inilapag sa mesa.

"Thank you kahit ang sama ng lasa."-nakangiting saad ko sa kaniya kahit ang totoo naman ay masarap talaga. Minsan lang ako uminom ng gatas at luckily nagustuhan ko ang isang ito.

"Tsk! Naubos mo nga eh. Said na said."-kantyaw niya pa sa akin.

"Oh edi ikaw na?"-sarcastic na saad ko sa kaniya na may kahalong biro.

"Just take a bath first, may pupuntahan tayo."-pag-iiba nito ng topic. Napakunot ang aking noo sa sinabi niya.

"Saan naman tayo pupunta?"-nagtatakang tanong ko.

"Basta. Sige na maligo ka na muna. May nga damit na diyan sa closet. Yung right part ang sa'yo."-sabi niya sa akin at itinulak na ako papasok sa banyo.

Pinagmasdan kong mabuti ang Bathroom. Hindi na rin masama. May bathtub at magkahiwalay ang toilet at shower. Medyo naabot na rin ang expectations ko. Pero syempre walang hihigit sa Grand Mansion.

Binuhay ko na yung tubig sa bathtub at saka nilagyan iyon ng jel.

Nang mapuno na ay nagsimula na ako maghubad at saka ako tumubog sa bathtub.

Naipikit ko ang aking mata dahil sa init na nararamdaman ko dala ng maligamgam na tubig. Napaka-relaxing.

Unti-unti ay nakaramdam ako ng lamig na tumatama sa aking mukha. Nayakap ko ang aking katawan.

Iminulat ko na unti-unti ang aking mata at napamulagat ako dahil sa nakikita ko ngayon.

Nakasilip lang naman si Reid sa akin habang nandito ako sa bathtub. What?!!! Oh my Ghad!!

Hindi agad nag-sink in sa isip ko ang nangyayari kaya nahuli akong nag-response.

"Ahhh!!! Bastos!!"-sigaw ko sa kaniya. Dahilan para isara niya iyong window na kalapit lang talaga nitong bathtub.

Sa una ay hindi mo aakalain na window iyon dahil salamin iyon dito sa loob ng bathroom.

Naririnig ko pa ang pagtawa ni Reid dahilan para pumunta na ako sa shower at dali-dali doon na naligo.

Naka-robe na ako ng lumabas ako. Nakita ko si Reid na nag-aabang sa kama habang nanunuod ng TV.

Sinamaan ko siya ng tingin at saka tumuloy na sa closet at kumuha ng damit pati ng undergarments ko.

Bumalik ako sa Bathroom at saka nagbihis ng dali-dali.

Nasa tapat na ng Bathroom si Reid pagkalabas ko. Pakiramdam ko ay agad na namula ang aking pisngi kaya tumungo na lamang ako para hindi niya ako makita.

Tumuloy na ako sa kama at saka isinubsob ko ang aking mukha sa unan.

Pero hindi ko rin napigilan ang aking sarili na magsisigaw sa loob ng kwarto. Wala na akong pakialam kung marinig ako ng nasa kabilang kwarto.

"Napaka-pervert mo, Reid Fortalejo!! Nakakaasar ka!! Bastos! Mambuboso!!. Argh! Nakakasar!"-tuloy-tuloy na sigaw ko sa buong kwarto.




🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱

Thank you for reading!
Thank you for supporting my stories!

Vote and Comment...
Follow me...

👑Ladychinderella

Entering The Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon