Chapter 55

2.1K 52 0
                                    

Sam's POV

"Denice, mahina pa siya. Kaya wag mo siyang pwersahin!"-tutol sa akin ni Emerald at saka ako tiningnan ng matalim.

Tinitigan ko si Amethyst sa kaniyang mata at pilit kong binabasa ang sinasabi nito. Pero iniiwas niya sa akin ang kaniyang mata kaya nagsalita ako.

"Hindi niyo ako maloloko. Alam ko na mahina pa siya ngunit alam ko rin na meron na siyang lakas para makapagsabi sa akin ng lahat ng nangyari."-mahabang usal ko sa kanila.

Lahat sila ay napatitig sa akin pero si Sapphire ay ngumisi lamang sa akin. At siya ang nagsalita.

"Ako na lang ang kausapin mo. Nasabi na sa akin ni Amethyst ang mga nangyari."-naka-ngising saad sa akin ni Sapphire.

"Let's go."-saad ko sa kaniya at saka ako pumasok sa private room nila dito. Isa sila sa matataas ang posisyon sa Mafia kaya alam ko na ang kwarto nila dito ay meron din na private room.

"Start."-maikling usal ko at saka prenteng naupo sa sofa.

Habang ikine-kwento niya sa akin yung mga nangyari ay biglang pabalagbag na bumukas ang pintuan dahilan para pareho kaming matigilan.

"Fortalejo, why are you here? Your not supposed to be here."-saad ni Sapphire. Sumunod na bumukas ang pintuan at iniluwa ang nga kasamahan nina Sapphire.

"Bring him out."-utos ni Sapphire na sinunod naman agad nina Sphene, Aquamarine, at Pearl.

Pero ng ilalabas na nila si Reid ay nagpumiglas ito. Mas malakas pa rin si Reid.

Pumasok na rin sina Idocrase at Onyx. Pare-pareho na nilang hinawakan si Reid pero talagang nagpupumiglas ito.
Namumula na ito at mukhang talagang hindi na nila makakaya pang pigilan.

Naglabas na si Onyx ng stringe at akmang tuturokan na si Fortalejo pero nagsalita na ako dahilan para matigilan sila.

"Let him go."-maikling saad ko. Napatingin muna sila sa akin ng nagtataka bago sinunod ang sinabi ko.

Lumapit ako sa kaniya at saka tumingkayad para maabot ko ang kaniyang tainga.

"You need to go before something happens..."-mahinang usal ko sa tainga niya dahilan para tumingin siya sa akin ng galit.

"But I need to be here. I need to know all the details because I am the imbestigator."-mariing saad niya sa akin.

"I can handle it. Just trust me."-usal ko sa kaniya.

Una ay tumutol pa siya pero tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata at saka tumango ako dahilan para kumalma siya.

Hinalikan ko siya ng mabilis at saka ngumiti ng matamis.

"I love you."-saad ko pero walang boses kundi buka lamang ng aking bibig.

Pagkalabas nila ay muling bumalik ang poker face ko. At nagseryoso na rin kaming muli ni Sapphire.

Nang matapos ang kwento niya ay napatayo ako at saka nagsalita.

"Ibig sabihin Rogues ang may kagagawan nito?"-kalmadong tanong ko at saka kumunot ang noo ko.

"We already did some investigation about them. And it match."-sunod na saad niya sa akin.

"Sila lang ba ang suspek niyo ngayon?"-tanong ko sa kaniya.

"Oo, sila lang. Pero nalaman namin na ginagawa nila ang lahat ng ito dahil sa isang utos mula sa taas."-balita niya sa akin.

"Mula sa taas? Dito sa Mafia World?"-nagtatakang tanong ko.

"Hindi rin namin alam kung ano o sino ang tinutukoy nila. Pero kumikilos na kami ukol dito."-aniya.

"This may can help you."-saad ko at ibinigay ko sa kaniya ang aking cellphone kung saan nag-text ang isang unknown number.

Kumunot pa ang kaniyang noo ng sa tingin ko ay mabasa na niya ang text sa akin.

"Who sent this? Do you already trace them?"-sunod-sunod na tanong ni Sapphire sa akin.

"Tayong dalawa pa lang ang nakakaalam nito. At gusto ko na ikaw ang kumilos para malaman natin ang nasa likod niyan."-ani ko sa kaniya.

"Does that mean that you alreadry trust me?"-tanong niya muli sa akin.

"I trust you long ago. Since you announce yourself as my guardian."-sagot ko sa kaniya at ngumiti ako sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya at bumulong bago ako umalis dito.

"I want you to keep this as a secret between the two of us."-bulong ko sa kaniya.

"But how about my co-guardians?"-tanong niya sa akin.

"Simple.Dont let them know."-nakangising saad ko sa kaniya at umalis na ako sa kwarto.

Pagkakita ko kay Amethyst ay lumapit ako sa kaniya at ngumiti.

"How are you? Take care of yourself."-nakangiting saad ko at nagpaalam na rin ako sa kanilang lahat.

Naabutan ko pa naman si Reid na naka-antabay sa akin sa labas. Agad siyang lumapit sa akin pagkalabas ko at saka ako niyakap.

"I'll tell you the details tomorrow."-nakangiting saad ko sa kaniya. Tumango lang naman siya at biglang inangkin ang aking mga labi.

"I miss you so much..."-usal niya sa akin pagkabitiw sa aming halikan.

Paalis na kami ngayon ng Hospital ng biglang tumunog ang emergency watch ko.

Nagkatinginan kami ni Reid bago ko dali-daling sinagot ang tawag.

"Queen, we are attacked again! We need help. We need you here. They made so many damages."-saad sa watch ko.

Pinatay ko na ang tawag at saka kami dali-daling pumunta ng MOB.

Papasok pa lang kami sa malaking gate na papasukan ay nakita na namin na nagkakagulo na.

"Stop the car here!"-ma-awtoridad na saad ko na sinunod naman agad ni Reid.

Bumaba agad ako at ini-ready ko yung baril ko.

Mabuti na lang at may dala akong 1 dagger sa aking secret pocket at 3 shuriken isama na itong baril.

Lagi ko itong mga kasama kahit nasaan ako para na rin sa emergency na tulad nito.

Sasabak na sana agad ako ang kaso nga lang ay may humawak sa aking braso. Si Fleah.

"Sshh...kailangan muna natin silang panoorin kung paano makipag-laban para malaman natin ang strategy nila."-saad sa akin ni Fleah. Kasama niya na rin sina Aireine at Lindsey.

Habang pinapanood namin sila ay napakarami ng namamatay kaya lumabas na ako sa pinagtataguan namin.

"Samarah!"-sigaw ni Fleah pero hindi na ako nagpapigil sa kaniya.

I cant let these people die without any move from me. And infront of me.










Ito na ba ang simula ng mga mangyayari? Ito na ba ang kinatatakutan namin ni Nathe na mangyari? Paano ko ito pipigilan?


🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱🔱

Thank you for reading!
Keep on supporting!
Hope you enjoy ;)

Vote and Comment...
Follow me...

👑LadyChinderella

Entering The Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon