Chapter 75

1.9K 45 4
                                    

Sam's POV

Katatapos ko lang kausapin sina Uno. At pumayag na sila sa gusto kong mangyari.

Sinabi rin nila sa akin kung ano ba talaga ang pina-plano simula pa lang.

"Sam, talaga bang hindi na mababago ang desisyon mo?"-nag-aalalang tanong sa akin ni Fleah.

Noong isang araw pa nila ako pinipigilan sa gusto kong mangyari. Pero talagang desidido na ako sa desisyon ko at hinding-hindi na iyon mababago.

"Fleah, just relax. Magsisimula palang tayo."-cold na sabi ko sa kaniya at saka kinuha ko iyong laptop ko at tiningnan ang nangyayari ngayon sa Mafia World.

Napapataas ang aking kilay dahil sa nakikita ko ngayon. Lalo na ng makita ko ang nangyayari sa Arena.

Umaga pa lang may patay na. Well, kung talagang gusto nilang magpalakas hindi nila kailangan pumatay araw-araw. Tsk!

"Aireine, the books."-narinig ko na sabi ni Lindsey. Hindi ko na lamang sila pinansin. Ano naman kaya ang tungkol sa libro?

Naramdaman ko na may papalapit sa akin at biglang may iniabot sa aking bagay.

"Para saan ito?"-takang tanong ko kay Aireine ng may iabot siya sa aking libro.

"That is from Lindsey and Andrew when you are in coma they bought those things."-paliwanag sa akin ni Aireine. Tumango na lamang ako at saka tinanggap ang mga libro.

Ipinatong ko lang iyon dito sa lamesa ko at saka ipinagpatuloy ko ang pagmamasid sa Mafia World.

Tumalim ang tingin ko sa laptop dahil sa nakikita ko ngayon.

Siguro kung hindi ko pa alam ang mga pinaggagawa niya sa akin. Siguro ngayon sobrang saya ko na nakita ko siya.

Pero hindi. Hindi saya ang nararamdaman ko ngayon kundi sakit at galit. Hinding-hindi ko siya mapapatawad.

"Just wait for my comeback, Fortalejo..."-bulong ko at saka asar na pinatay iyong laptop.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa sahig at saka lumabas na ng kwarto.

Naaasar akong makita ang pagmumukha niya. Napakuyom ang aking kamao dahil sa sobrang inis ko at ng hindi ko na napigilan ay agad akong tumakbo papunta sa training room.

Kinuha ko ang isang baril na nandoon at saka pumunta sa dimension at saka bumaril ng bumaril.

Nang naubusan na ako ng bala ay saka ako natigilan.

"Excited?"-tanong na isang tao na nasa aking likuran.

Nilingon ko siya at saka tinaasan lamang ng kilay. Wala akong balak na sagutin ang walang kwenta niyang tanong.

Tiningnan ko lamang siya ng blanko kong expression at saka nilagpasan na siya.

"Whoah! Chill, Im not your enemy."-natatawang saad niya at saka nagtaas ng kamay dahil tinutukan ko siya ng baril.

"Tsk! Just go."-walang gana na sabi ko at saka kumuha ng bows and arrows at pumunta sa dimension ng B&A.

Naramdaman ko na may tumabi sa akin kaya natigilan ako sa ginagawa ko.

"Ano ba ang kailangan mo sa akin?"-asar na tanong ko kay Quatro. Mukhang nagkamali ata ako ng pagkakakilala sa kanya.

Akala ko sa kanilang apat siya ang makakasundo ko sa ugali ko ngayon pero parang nagkamali ako.

"Nothing."-maikling sagot niya sa akin.

"Nothing? Then go!"-inis na sabi ko sa kaniya at saka naupo ako sa bench at napahawak sa aking ulo.

Entering The Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon