CHAPTER #1

14.3K 464 35
                                    

"Balita ko matinik yung bagong hepe na ipapalit kay chief Gomez"

"Oo daw eh, ang take note... Babae pa yun. Pero for sure chicka bebot yun"

"Baka kamo barako"

Sabay natawa ang dalawang lalaki na nag uusap habang nagtitimpla ng kape sa pantry ng police station ng Quezon City.

"Oy, ano yang pinag uusapan nyo? Kaaga aga e chismis agad kayo..." Sita ng babaeng di naman kataasan at may maliit na pangangatawan. In charge ito sa women and children protection desk.

Ortaleza. Yun ang nakalagay sa name plate nya.

"Itong si Alves kasi Maam, naiintriga sa bagong papalit na hepe dito sa unit natin" sagot ng lalaking balingkinitan ang katawan. Mike Tan ang pangalan.

"Anong ako? Ikaw kaya unang nag open ng topic!" Tanggol nito sa sarili

"Oppps! Tama na yan, kung saan na yan mapunta. Pagkatapos nyo jan, tulong tulong muna sa paglinis para sa welcoming ceremony bukas"

"Maam, yes Maam!" Magkasabay na sagot ng dalawa sabay salute sa nakakataas nilang opisyal

.

.

.

.

"Tapos ano pang narinig mo kay hepe Sir?" Pang uusyoso uli ni Benjamin Alves sa isa pa niya kasama

"Ayon nga, PMA Alumnus daw ito at Class Valedictorian ng batch nila. Pero mas pinili nyang sa PNP mag penetrate kesa sa AFP. Trained as scout ranger at SAF sya and after 5yrs plang in service Senior Police Inspector na..." Kwento pa ng isang lalaking mataba na isang PO3

"Mukhang mapapa Luhod ka sa mas bata sayo sir ah." Biro ni Mike dahil mejo may edad na din ang lalaki

"Ganon naman talaga e, pagka galing sa academy antaas agad ng rangko nila. Inspector agad, pero tayong mga ordinary police, kanda kuba na, pahirapan pa din sa promotion..."

"E paano naman kasi Sir, kumpara naman sa kanila... 4 na taon ang ginugol nila sa Academy,.. Aral, training. Tayo 6 na buwan lang. Kung tutuusin naman nahirapan at nabagot nga tayo sa loob ng anim na bwan, sila pa kaya... Desrve din naman nila yung ganon" paliwanag ni Benjamin

"Naks, makadefend ka bok ah... Kanina pa kita napapansin e, bat parang intresado ko sa bagong hepe? Dahil ba chick?!" Pang aasar ni Mike sa kasama

"Hoy hindi ah! Na curious lang... Ikaw kung ano pinagsasasabi at iniisip mo, palibhasa e malisyoso kang tao" bwelta naman ni Benjamin

"Osya, bilisan nyo na jan. Mapuna nanaman kayo mamaya ni Maam Ortaleza nyo"

Kamot ulo nang bumalik sa kani kanilang gawain ang dalawang chismosong pulis.

.

.

.

.

"Rhi wazzup!"

"Uy Pat! Okay lang naman... Ikaw?"

"Sa awa ng dyos, ito kakatapos lang ng klase ko. Hayop yung prof namin kanina sa finance, titigangin yung utak ko e"

"Choky lang yan, konting tiis na lang, gagraduate na din tayo. Next week na ang finals so pagkatapos, hayahay na din"

"Oo nga naman. Teka, free ka ba mamaya? May nanghahamon kasi dun sa Alabang, malapit yun sa inyo kaya baka bet mong sumali sa team namin"

""Sino sino ba mga kasama mo?"

"Sina Jayson at Samir... Malaki daw pustahan ngayon. Kasi yung isang member nung naghahamon e speed racer daw sa US, nagbabakasyon dito... Kaya sabi ni Samir baka daw trip mo sumama, ikaw itatapat namin don"

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Där berättelser lever. Upptäck nu