CHAPTER #3

7.7K 337 8
                                    

May planong basagan ng kaha tong mokong na kalaban ko ah...

Syempre ilag din ako ng ilag dahil ayokong magasgasan tong sasakyan ko...

Kaylangan ko talaga maka abanse kaya I hit the nitro saka tinudo ang pag apak sa accelerator.

"Yes!" Sigaw ko.

Inalikabok ang sasakyan sa hulihan ko... Good Job Rhian... Im so proud that you are my self. Road genius!!!

...

"Naririnig nyo ba yun?" Tanong ko sa mga kasamahan ko.

Naka pwesto kami sa isang check point post ng nakarinig ako ng malalakas na ugong at kaskas ng sasakyan.


"Kung hindi ako ngkakamali, malamang sa alamang e may nag dadrag race nanaman dun sa kabilang kanto" sagot ng isang PO2 na kinatawan ko


"Wala bang naka pwesto don?."


"Sa susunod na araw pa ang schedule natin don Maam e." Sagot nito

"Siguradong mga anak mayaman nanaman ang kumakaskas don. Nung nakaraan e may nabunggo nga na isang sasakyan don, dahil din sa drag racing na wala sa lugar." Singit naman ng isa pang ksama ko


"Ganon ba? Kung bakit kasi hindi na lang sila nanahimik sa mga bahay nila at magbasa ng libro o di kaya natulog ng hindi sila ma late bukas sa eskwela..." Inis na sabi ko


"Akin na ang susi ng motor."

"Bakit po Maam?" Tanong ng isang baguhan kasama.

"Mamamangka ako boy..." Sarkastiko kong sagot


"Ibigay mo na... Bago ka pa mapapush up nyan ng wala sa oras. Dali na" bulong ng isang lalaking katabi ng kausap ko.


May pagdadalawang isip pa sana nyang inabot sakin ang susi kaya sa inip ko ay ako na mismo ang kumuha nito sa pagkakakabit sa pahera ng pantalon nya.


"Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas e! Ang kukupad. Simpleng bagay, ambabagal!"

Mabilis kong sinakyan ang motor, nagsuot ng helmet at saka pinaharorot papunta sa kung saan may naririnig akong malalakas na ugong ng sasakyan.

.


.


.

.

General POV

Mahigpit ang naging labanan sa pagitan ni Rhian at ng katunggali nya. Kailangan nilang makalimang ikot sa nakasanayan nilang lugar. Pagnaghahating gabi kasi ay wala nang masyadong tao sa bakanteng lugar na yun kaya nakagawian na yun ng mga underground drag racers.

Isang ikot ay katumbas ng isang lap kung nasa race track ka. Ang unang maka 5 ay panalo. Nasa 3 ikot na si Rhian pero hindi pa gaanong malaki ang agwat nya sa kalaban kaya hindi sya makampante.


"Come on Baby, we have to win this... Kung kundi, wala kang pang gasulina ng isang bwan." Sambit ni Rhian na kinakausap ang kanyang sasakyan.

Bihasa sya sa karera pero inisip nyang magaling din ang kanyang kalaban dahil hindi nakakaubra ang ilan nyang techniques sa katunggali.


.


.


.

Habang papalapit sa isang bakanteng area si Glaiza ay palakas ng palakas ang mga naririnig nyang kaskasan at ugong ng mga sasakyan. Saglit itong tumigil at nagmasid. Mayamaya ay may nakita syang paparating na sasakyan...

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Where stories live. Discover now