CHAPTER #41

6.1K 317 29
                                    

"Increase to 220 joules... Ready?"

"Ready"

"Ok. Clear!!!"

Then the doctor  do again the electric shock and Glaiza's body bounce.

Bawat taong nanduon ay halos pinagpapawisan na kahit malamig naman ang kwartong iyon.

Lahat na ng alam nilang procedure ay sinubukan na nilang gawin... But the didn't give up... Hanggang sa;

Tiit... Tiiittt... Tiiiiittttt.....

Nagkaroon ng waves ang HR Monitor... Tila nabunutan nang tinik sa kanilang dibdib ang medical team na nagrevive kay Glaiza.

"Oxygen supply resume... Heart beat, stable... Pulse, stable..." Dikta ng babaeng doktor sa isang nurse na nagtatala ng record.

Isa isa namang naglabasan ang mga ito, ang ibang nurses ay inayos pa ang mga apparatong nakakabit kay Glaiza.

"Doc, ano na ho ang lagay ng anak ko.?" Salubong ni Tatay Boy sa babaeng palabas.

"Sa ngayon, ligtas na po ang anak nyo... Hintayin na lang natin ang result ng mga test nya to determined kung ano nga ba ang estado nya... Pwede nyo na po syang puntahan... Mauna na po ako" saka tuluyan nang umalis ang babae

"Salamat sa dyos... Ligtas si Glaiza..." Sambit ni Nanay na magang maga na ang mata sa kakaiyak

"Hindi pababayaan ng Dyos si Utol nay... Wag kang mag alala," alo naman ni Alchris sa ina.

Isa isang pumasok sa loob ang pamilya ni Glaiza para tignan ang kanyang kalagayan. Wala pa din itong malay at mag tatatlong araw na ang nagdaan.

...


..

.

"Ma?" Tawag ni Rhian nang magising ito

"Anak, andito ang mama... Kamusta ang pakiramdam mo?"

"Ma nasan si Glaiza???"

Amanda sighed.

"Nasa kabilang wing ng ospital si Glaiza anak..."

"Kamusta na po sya? Nadalaw mo ba sya??? Ma... Si Ahya, si Ahya ang may pakana nang lahat ng ito. Gusto nya kaming patayin ni Glaiza" sumbong ni Rhian sa ina

Napaatras si Amanda sa narinig. Tila sumikip ang dibdib nito

"A-Ano??!"

"You heard it right Mama..."

"Pero bakit gagawin ng Ahya mo iyon.? Impossible... Mahal ka nang Ahya mo Rhian, hindi nya magagawa saiyo yon"

Nag umpisang mangilid ng luha ang mga mata ni Rhian sa sinabi ng Mama nya.

"Akala ko din Mama... Nasaktan ako ng malaman ko ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang motibo nya pero dinig na dinig ng dalawang tenga ko nung may kausap sya at inuutusan nya itong iligpit si Glaiza then Glaiza also hear someone, nung araw na may race ako... Si Ahya daw ang nag utos na lagyan ng bomba ang sasakyan ko... If not because of Glaiza, i must be dead now Mama..."

Napahagulgol si Amanda sa narinig kay Rhian... Tinanong nya ang sarili kung ano ang dahilan ng pagkakagulo ng pamilya nila. Hindi na nya alam ang gagawin.

"Saan ako nagkulang ng pagpapalaki sa inyo? Napakasama ko bang ina para kayo mismo ang magpatayan?" Hinagpis ng ginang

"Even me, I didn't expect na magagawa ni Ahya iyon... But please wag na po kayong sumali. Let me fix this Ma, ayokong madamay pa kayo..."

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Where stories live. Discover now