CHAPTER #12

6.8K 316 51
                                    

GLAIZA's POV

Nang hapunan, si Rhian, si Maam Amanda at si Pearl lang ang nakasabay ko... Nasa labas pa daw sina Oscar at Gabriel. Sabi ni Rhian, hindi nila masyadong nakakasama ang dalawa dahil busy ito sa kanilang trabaho... Hindi na ako masyadong nagtatanong dahil baka mahalata ako.

After dinner, tumambay muna kami sandali sa gazebo... Konting kwentuhan hanggang sa nakaramdam na kami ng antok.

Habang nakahiga ako sa kama, bigla kong naalala ang pananakot ni Rhian... Haist!!! Hindi tuloy ako makatulog... At mejo namamahay din ako. Panay ang balikwas ko pero ganon pa din... Kanina, nakaramdam ako ng antok pero ng mahiga na ako, biglang nawala... Kinuha ko ang cellphone ko at cheneck ang oras... Mag aalas dos na... Minabuti ko na lang na aliwin ang sarili ko sa paglalaro ng color switch... Isa pa to,.. Kahit anong gawin ko, hindi ako maka alis ng level 27 😑😑😑


Maya maya, nakaramdam ako nang pagkajingle kaya bumangon ako... Pero May napansin akong mga ilaw na nagrereflect mula sa labas... Imbis na pumasok sa banyo, nang usyoso muna ako...

Dahan dahan kong binuksan ang sliding door palabas sa balcony ng kwartong tinutulugan ko. Yung enough lang para marinig ko ang mga ingay sa labas.

Ang balcony ng kwartong ito ay nasa likuran na parte ng bakuran ng mga Tanchingco...

May nakita akong iilang lalaki sa baba kaya sa sobra kong pagka curious, dahan dahan akong gumapang palabas ng balcony saka maingat na nagkubli.

Nakita kong may mga dala ang mga ito. Ang iba ay may mga malalaking kahon na pinaglulutong tulungan nila. Yung iba naman ay mga maliliit lang ang dala... Sa tantya ko, mahigit kumulang labinlima sila. Sa hulihan ay nakita ko si Gabriel.

"Hoy, dahan dahan lang dyan. Ingatan nyo yan... Pag mag nasira kayo jan, papaputukin ko yang bungo nyo" pagbabanta nito.


Ano kaya ang mga iyon...

Bumalik ako sa loob ng kwarto... Kumuha ako ng jacket at mabilis na pinalitan ang pajama ko. Masyado kasing malaki.

Saka naisipan kong dalhin ang pocket size binoculars ko. Dahan dahan ay lumabas ako sa kwarto saka bumaba... Malaki ang bahay at hindi ko masyadong kabisado ang pasikot sikot nito. Isa pang problema... Nakabukas ang ilaw ng library at may naririnig akong nag uusap. Nakatapat pa naman ang pintuan nito sa may hagdanan... Mabuti at hindi nako nagtsinelas kaya hindi maririnig ang mga yapak ko.

Dahan dahan akong bumaba... Buong ingat. Nang malapit nako sa huling step nito ay nakita ko si Oscar na may kausap sa telepono... Nakatuon ang pansin nito sa isang papel sa mesa nya kaya sinamantala ko ang pagkakataon na makababa agad. Saglit akong nakinig Kaso hindi ko maintindihan ang sinasabi nya. Parang nagsasalita ng Chinese.

Dadaan sana ako sa Main door pero naisip ko na baka may makakita sakin o may makasalubong kaya tinunton ko ang labasan ng bahay sa likod... May mga lalaking pabalik balik pa din at sa gate sa di kalayuan ay may nakaparking na malaking truck.


Saglit akong nag isip ng plano... Pero parang wala akong maisip dahil kinakabahan ko. Anubayan...

Maya maya pa ay umalis na ang truck kaya naghintay pa ako saglit kung may mga tao pa bang pupunta sa bandang iyon o wala na...

Nang masigurado kong clear na, maingat kong binuksan ang  pintuan pero putspa naman! Hindi ba to na grasahan o nalangisan man lang? Umiingay!!! 😑😑😑 takte!!!


Pero tinuloy ko pa din, sana lang at di ako mahuli...


...


Pagkalabas ko, mabilis akong kumubli sa isang mayabong na halamanan...

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora