CHAPTER #29

5.2K 255 62
                                    

Dire-diretcho si Rhian sa parking lot, umiiyak... Maya maya ay naabutan din sya ni Patty.

"Rhian, it's ok... Stop crying... Shhhhh!" Comfort nito saka hinagod sa likod ang babae.

"Pat, iuwi mo nako... Gusto ko nang magpahinga. Please." Pakiusap ni Rhian habang umiiyak

Dali dali namang inalalayan ni Patty si Rhian papunta sa kanyang sasakyan at inihatid ito sa bahay nila...

Habang nasa daan, hindi pa din tumitigil sa kakaiyak ang babae at pinag aalala iyon ni Patty. Nahihirapan din sya... Kung pwedeng kunin nya na lang ang pains ni Rhian ay gagawin nya. Sya na lang ang masaktan, wag lang ang babaeng mahal nya.

She reached for Rhian's hand and squeeze it...

"It will be alright Rhi..."

Pagdating nila sa bahay ng mga Tanchingco, inalalayan pa rin ni Patty si Rhian, hanggang sa maka akyat ito sa kanyang kwarto...

"Take a shower... I gagawa kita ng hot chocolate milk... Ok? Tama nang iyak ha?"

Tango lang ng tango si Rhian na parang batang inaalo ng inay at pinakunswelohan ng paborito nitong drinks.

Pagkalabas ni Patty, agad naman pumasok si Rhian sa banyo para maligo... Pero dun nanaman bumuhos ang mga luha nya.

"Nasasaktan ako sa ginawa mo sakin Glaiza... Pero mas masakit pa ang naramdaman ko ng makita kita muli dahil narealize ko sa sarili ko na mahal na mahal pala kita ng sobra... Sobra kitang namiss. Pero kailangan na kitang kalimutan..." Sabi ni Rhian sa sarili habang nasa ilalim ito ng shower...

Pagkalabas ni Rhian, nakatayo si Patty sa may bintana... Nasa labas ang tingin... Nang maramdaman nitong nagbukas ang pinto ng banyo ay napalingon ito

"Tapos kana pala... Magbihis kana at inumin mo tong gawa ko ng mahimasmasan ang sikmura mo sa nainom mo kanina..."

Biglang may napansin si Rhian kay Patty.

"Awwww!" React nito.

"Ang dami mong kalmot... Dumudugo pa ang ilong at bibig mo" magkahalong gulat at pag aalala ni Rhian sa kaibigan

Di nya agad napansin ang mukha nito...

Agad namang lumapit si Patty sa dressing table ni Rhian at nagsalamin.

"Tskk... Di ko namalayan to ah... Langya talaga yang..." Hindi na nito itinuloy ang sasabihin, muntik na nyang nabanggit ang pangalan ni Glaiza

"Come here... Gamutin natin yan bago pa mamaga o mainfection, saka pag nakita ka ni Tita, mag aalala nanaman yun kung saan ka nakipag basag ulo..." At naghalukay si Rhian ng gamit sa cabinet nya.

"Basagulero ba ako Rhi? Ang bait ko kaya..." Tanong ni Patty ng tumabi ito ng upo kay Rhian at sinimulan na nitong gamutin ang mga sugat nya...

"Saan? Saan banda ka mabait? E kahit matulog nya ang hilig mo manakit... Manipa..."

"Aba! Nagsalita ang tahimik matulog... E ikaw nga, bukod sa magalaw, palahilik kapa! Hahaha"

"Ako lang? Sigurado kang ako lang? Kaya pala nung nag hiking tayo sa pinatubo... Akala namin may umaandar na motor, yun pala humihilik ka" saka tumawa ng malakas si Rhian sa kutyaan nilang dalawa.

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Where stories live. Discover now