CHAPTER #11

6.5K 302 15
                                    

Glaiza's POV

After ng rehearsal ni Rhian nagyaya itong mag firing... Thank you naman at di na nya pinagdiskitahan yung suot ko.

Sa isang proivate practical shooting range kami pumunta... Mukhang nakalagi ata sya dito. Halos mga nakakasalubong nyang staff ay kilala na sya...

Mejo may distansya na kami ngayon. Biglang may nasagi ako pero buti na lang at mabilis ang aking reflexes at nahawakan ko agay yung vase.

"Maam Galura?"

Napalingon ako sa tumawag... Pero bago ko pa ito sagutin ay mabilis kong hinila ang batang lalaki saka tinakpan ang bibig.

"Boy, wag mo akong tawaging ganun uli... Ok? Mabubulilyaso ako niyan... Shhhhh!" Bulong ko sa bandang tenga nito

"May mission po ba kayo??? Aarestuhin?"

Aba at humirit pa.

"Sssshhhh! Tumahimik ka, ano ba... Pretend na di moko kilala. Maliwanag?" Saka ko ito pinandilatan.

Naalala ko, trainee ko pla sya nung nakaraan batch.

Tumango tango naman ito...

"Glaiza? Anong ginagawa mo sa kanya?"

Nagulat ako ng may nagsalita sa bandang likuran namin...

Mejo nababalibag ko na pla yung bata... Mas mataas kasi sya sakin.

"Ha, ano... Wala to... Tropa ko sa barangay namin... Sinisingil ko ng utang nya sa tindahan ni Nanay... Ayaw magbayad kaya babalibagin ko sana..." Pagsisinungaling ko sabay ko tinaasan ng kilay yung lalaki at hiniling na sana magets nyang ibig kong sakyan nya ang alibi ko.

"Magkano ba ang utang? Ako na ang magbabayad. Bitawan mo na yan..."

"Ha... Ah hindi na... Magbabayad na daw sya mamaya...diba? Magbabayad ka boy, diba?" At pinandilatan ko uli ito.

"A-ahh O-po Ate G-Glaiza..." Nauutal na sagot nito


"Ok... Yun magbabayad na daw... Tara na." Sabi ko kay Rhian saka ko nginitian ng malapad

"Hay, ewan ko sayo... Di ka din makulit na anak ng nanay mo..." Saka ito kumapit sa braso ko

...

Magkatabi kami at magpapagalingan daw kami sa shooting...

The way na humawak ito ng baril at magload ay akalain mong bihasang bihasa.

Daig nya pa ang mga trainees namin...

Kunyari naman akong walang alam at binagalan ang ginagawa kong paglalagay ng bala sa magazine.

"Ay ang bagal.. Let me put this for you (sabay kuha ng magazing hawak ko) Akala ko ba magbabody guard ka... Pano kung putukan na, di ka pa tapos dyan..."

Aba.. Aba... At ininsulto pa ako... Sige, humanda ka sakin, papakitaan kita ng putukang bonggang bongga...



"Here..." Saka binalik nya ito sakin.

Pagkalagay ko nito sa baril ay iniswitch ko muna ito sa safety button saka ko nilagay ang earpad sa renga ko saka ang eye protector.

"Ready?" Tanong nya.

"Yeah!"

"Pag nanalo ka, may prize ako sayo... Pag akong nanalo..." Bigla itong nag isip kaya para akong kinabahan...

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Where stories live. Discover now