CHAPTER #34

5.6K 275 53
                                    

"Ahya, is that Glaiza outside?" Tanong ni Rhian sa kapatid ng makasalubong nya ito.

Bababa sana sya at si Gab naman ay paakyat sa kwarto nito.

"Ha? Ahmmm, OO..."

"Bakit nandito sya? Anong kailangan nya?"

Mabilis na nag isip si Gab ng alibi. Hindi dapat malaman ni Rhian ang sinabi ni Glaiza sa kanya.

"Ano... Hhmmm. H-hinahanap ka. Gusto ka daw makausap."

"That girl... Hindi talaga sya titigil. Kanina, nasa Arlington din sya at ginugulo ako... Pati ba naman dito?!"

"Alam mo shobe, malakas ang kutob ko na may pinaplano yang pulis na yan sa atin... Sayo... Kaya mag iingat ka paglalabas ka... Ok?"

"Don't worry Ahya, I can handle my self. Thanks"

"O sya, akyat nako. Good night"

"Good night too Ahya"

Hindi makatulog si Rhian kaya nagluto na lang sya ng kanyang midnight snacks.

"Iha, bat gising kapa.?"

Nagulat si Rhian nang may nakasalubong sya sa may kusina. Ang Mama nya.

"I can't sleep Ma... Ikaw?"

"Ganon din. You want something?"

Nakita nitong may hawak na baso ng gatas ang ina nya.

"I want to check on some cornflakes or some fruits" saka ito lumapit at nagbukas ng fridge

Umupo si Amanda sa mesa at nag umpisang uminom ng gatas.

"Few days before your dad's death, we talk about things we use to do before. Nung hindi pa sya ganon ka busy sa trabaho. It's new to me dahil sa hinaba haba ng panahon, noon lamang uli namin napag usapan ang ganong bagay. Naging malambing sya uli, hindi na masyadong umaalis ng bahay... He give time to me... Sit beside me and asked me how is my day... It's like a premonition... Or maybe an omen... But you know anak, it's not hard for me to accept your dad's death... Well, lahat naman tayo dadating sa ganong point but nevertheless, sa likod ng lahat, Im still lucky to be the wife of Oscar Tanchingco... Dahil hanggang sa huli naming pagsasama, he make me feel that I am so loved by him..."

Napangiti si Rhian sa narinig. At least, nabawasan ang bigat sa dibdib nya knowing her Mom is fine.

"Walang dapat sisihin sa pagkamatay ng Dada mo anak... Im sure, if he can talk to us now, he will say na tanggap nya ang nangyari... I dont mean na he deserve it but he confess to na pinagsisisihan nya lahat ng kanyang maling nagawa. And I am proud of him for that..."

"Anyway, how's Glaiza?" Out of no where na tanong ni Amanda

Ikinagulat ni Rhian iyon and wonders kung bakit ito natanong ng ina

"Bakit po Ma? I don't know...and I dont want to know..."

Napangiti si Amanda.

"Alam mo anak, nung maliit ka pa... Isa kang palangiti at masayahing bata. Ur not like other kids na kapag nagkakasakit, laging aburido, umiiyak. Ikaw hindi, masayahin ka pa din hanggang sa lumaki ka. Ngayon ko lang sasabihin to but I notice how you changed when your Ahya Paul passed away... Hindi ka na ganon ka open sakin... But one day, that masayahin na Rhian ay biglang bumalik... And I never saw you that happy when Glaiza is around so naisip ko, parang may something..."

"Ma!" Biglang singit ni Rhian

"Wait... Let me finish anak...then I confront your Dada..tinatawanan nya lang ako sa pag aalala ko na baka mag relasyon kayo ni Glaiza. He said, he can't see any wrong about it at kung sakali mang totoo yun, we will support you as long as you are happy with it... Bagay na hindi ko enexpect sa Dada mo... Siguro kasi nakita ka nyang masaya anak..."

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Where stories live. Discover now